Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bayan ng Kabacan, naka-heightened alert na para sa yuletide season

(Kabacan, North Cotabato/ December 10, 2014) ---Naka-heightened alert ngayon ang Kabacan PNP makaraang pasabugan ang Rural Transit sa lalawigan ng Bukidnon na ikinamatay ng labing-isa katao.

Ito ang mensahe ni Police Chief Inspector Ernor Melgarejo sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Task Force Pikit mas lalong pinaigting ng Pikit PNP re: Panghahagis ng Granada

(Pikit, North Cotabato/ December 9, 2014) ---Mas lalong pinaigting ng Pikit PNP ang kanilang seguridad matapos ang pangyayaring pamomomba sa bayan.

Matatandaan ang pinakahuling nangyari ay ang paghahagis ng granada sa Alpha Company 7th IB Army Detachment sa Mahad Brgy. Inug og Pikit Cotabato noong kamakalawa ng gabi.

7 katao, na arestado sa re: drug buy bust, sasampahan na ng kaso

(Kabacan, North Cotabato/ December 9, 2014) ---Kalaboso ngayon sa Kabacan PNP lock-up cell ang pito katao na naaresto sa isinagawang drug buy bust operation sa panulukan ng Tandang Sora St. at Zamora St., Poblacion, Kabacan, Cotabato kagabi.

Ang operasyon ay deriktiba ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kung saan malapit din ito sa bahay ng alkalde.

Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, naghanda para sa bagyong Ruby kahit na hindi ito direktang tumama sa probinsiya

(Kabacan, North Cotabato/ December 8, 2014) ---Naghanda ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council para sa bagyong Ruby kahit na hindi ito direktang tumama sa probinsiya.

Ayon kay PDRRMC Head Cynthia Ortega, nakahanda na ang mga goods and services ng bawat distrito ng Cotabato ng sa ganun kung sakali man na may nangailan ay mas madali nalang itong makakaresponde.

Security plan ng Matalam PNP re: 53rd Founding Anniversary, inilatag na

(Matalam, North Cotabato/ December 8, 2014) ---Inilatag na ng Matalam PNP ang kanilang security plan upang mas mahigpitan ang antas ng seguridad para sa pagdiriwang nila ng kanilang 53rd Founding Anniversary na nagsimula noong December 5.

Ayon sa panayam ng DXVL sa Head of Opertion ng Matalam PNP na si SPO1 Froilan Gravidez, ay nagpadala umano ang CPPO Provincial Director Police Senior Superintendent Danilo Peralta

Brgy. Chairman, nakaligtas sa pananambang sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 5, 2014) ---Tinambangan at pinagbabaril ng hindi pa matukoy na bilang ng mga suspek ang barangay Chairman ng Pisan na si Capt. Nestor G. Ranay 38 anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay pasado alas dyes ng gabi kagabi.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, nangyari umano ang insidente sa mismong bahay ng biktima gamit ang kalibre .45 at M16 riffle.

DepEd Cotabato Division, nanawagan na gawing makabuluhan ang Christmas party

(Amas, Kidapawan City/ December 5, 2014) ---Nanawagan ngayon ang Department of Education Cotabato division sa lahat ng mga mag-aaral at guro sa lalawigan na gawing makabuluhan ang Christmas party.

Ito ang sinabi ni DepEd Cotabato Division Supt. Omar Obas sa panayam ng DXVL News.

USM FACULTY MEET MATAGUMPAY NA NAGBUKAS, SEGURIDAD HINIGPITAN

(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 4, 2014) ---Matagumpay na nagbukas ang USM Faculty and Staff meet 2014 kahapon ng umaga. Pinangunahan ito ni USM President Francisco Gil N. Garcia at ng ibang opisyal ng Unibersidad.

Sinundan ito ng iba’t-ibang mga aktibidades na nilahukan ng lahat ng mga kawani ng Unibersidad sa pangunguna ni Dr. Judy L. Garcia ang Dean ng Institute of Sports Physical Education and Recreation.

Boarding House ng Estudyante, nilooban mga laptop at cell phone, natangay

(Kabacan, North Cotabato/ December 3, 2014) ---Tinangay ng kawatan ang isang netbook at isang cellphone ng estudyante ng Asian College Inc. na pansamantalang nangungupahan sa Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 7:30 kagabi.

Batay sa report, kinilala ang biktima na si Hapida Piang Lamada, 25 anyos, residente ng Pikit North Cotabato at kasalukuyang nanunuluyan sa Cunanan boarding house sa Beting St. Brgy Osias Kabacan, Cotabato.

President Roxas PNP, may paalala sa mga Motorista

(Pres. Roxas, North Cotabato/ December 3, 2014) ---Nagbigay ng paalala si Traffic Officer ng President Roxas PNP SPO1 Jessi Rasgo sa lahat ng mga motorista na dumadaan sa may bahagi ng Brgy. Greenhills, pres. Roxas North Cotabato.

Ito ay matapos ang nangyaring aksidente, pasado alas onse, kahapon ng umaga.

Isang bahay sa Kabacan, nilooban; motorsiklo natangay

(Kabacan, North Cotabato/ December 2, 2014) ---Natangay ang isang motorsiklo matapos na nilooban ng mga di pa nakikilalang mga magnanakaw ang isang bahay sa Sitio, Basak, Brgy. Kayaga Kabacan Cotabato kahapon alas 4:30 ng madaling araw.

Batay sa report ng Kabacan PNP,  kinilala ang may ari ng bahay na si Ginang Zoraida Maguid Gulam, 39 anyos, may asawa at residente ng nasabing Brgy.

University Faculty and Staff Meet ng USM, magsisimula na!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ December 3, 2014) ---Sisimulan na ngayong araw na ito ang taunang University Faculty and Staff Meet na magtatapos naman bukas.

Dadaluhan ito ng lahat ng mga faculty and staff ng unibersidad kasama na rin ang lahat ng personnel sa bureau of fisheries and aquatic resources, Philippine Carabao Center, Cultural Training Institute, Usm KCC at USM Buluan Campus.

Mahigit 2 oras na power interruption, naranasan sa service area ng Cotelco

(Kabacan, North Cotabato/ December 2, 2014) ---Nagbigay ng paalala ang Cotabato Electric Cooperative matapos makaranas ng mahabang power interruption ang bayan ng Kabacan kahapon ng hapon.

Ito dahil sa apat na kawayan na natumba sa 69KV line o transmission line ng kuryente.

Ayon sa panayam ng DXVL kay Cotabato Electric Cooperative Spokesperson Vincent Baguio na iwasan ang paggawa ng mga aktibidadis gaya ng pagputol ng kahoy malapit sa 69KV line o transmission line ng kuryente, dahil kapag natamaan ito, magdudulot ito ng shutdown ng kuryente sa buong coverage area ng COTELCO.

Isang Sari-sari store, nilooban ng mga kawatan sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 1, 2014) ---Nilooban ng mga di kilalang mga kawatan ang isang sari-sari store sa brgy. Kayaga National Highway Kabacan Cotabato, 5 ng hapon, kamakalawa.

Kinilala ng Kabacan PNP ang may ari ng sari-sari store na si Ginang Rosalinda A. Nahiner, 56 anyos, may asawa at resident eng nasabing Brgy.

Menor de edad, kritikal makaraang pagtatagain sa Arakan, Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ November 28, 2014) ---Kritikal ang kondisyon ng isang 15-anyos na out of school youth makaraang tagain ito ng isang lalaki sa Brgy. Badiangon, Arakan, Cotabato alas 8:40 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Christian Jay Luces residente ng nasabing lugar habang kinilala naman ang suspek na si Jay Legaria, 20-anyos residente ng Sitio Kaumpeg, Tempuran, Magpet, Cotabato.

Pamumuhay ng may Kapayapaan –Gov Mendoza

“You have to live peace and you have to be at peace”, Ito ang sinabi ni Gov. Emmylou “lala” Taliňo Mendoza sa pagdalo niya sa  paglunsad ng Mindanao Week of Peace 2014 na isinagawa sa USM gymnasium, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon sa kanya hindi lang ito patungkol sa karahasan at hustisya, bagkus ang mahalaga aniya ay alam natin sa ating sarili kung anu ang responsibilidad natin bilang isang tao kahit anu pa ang estado mo sa buhay.

Pampasaherong Van at Trisikad nagkabanggan, 1 sugatan

(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2014) ---Sugatan ang isang sales lady habang wasak naman ang harapan ng pampasaherong Van makaraang aksidenteng nagkabanggaan sa bisinidad ng National Highway ng Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato kagabi.

Sa report ng Kabacan PNP Traffic Division kinilala ang sugatang pasahero na si Marilyn Stremos lulan ng Tricycle.

Pagbubukas ng Mindanao Week of Peace, suportado ng iba’t-ibang sektor

(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2014) ---Suportado ng iba’t-ibang sektor ang pagbubukas ng Mindanao Week of Peace sa bayan ng Kabacan.

Ang programa ay pormal ng binuksan sa pamamagitan ng Walk for Peace alas 5:30 ng madaling araw kanina.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng K5 o Kilusan tungo sa Kapayapaan, Kalinisan at Kaunlaran ng Kabacan kung  saan naka sentro ang tema ngayong taon sa “We pray for Long lasting Peace in Mindanao: Share, Live and Proclaim Peace.

RHU Kabacan, nagpaalala sa mga mamamayan na maging malinis sa katawan upang makaiwas sa Hepatitis A

(Kabacan, North Cotabato/ November 25, 2014) ---Nagpapaalala ngayon ang pamunuuan ng Rural Health Unit ng Kabacan, matapos na magposisitibo sa sakit na Hepatitis A ang isang guro at labingpitong mga estudyan te sa Lumayong High School Brgy. Kayaga, kamakailan.

Ayon kay RHU Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon, labing walo sa tatlumpot isang kaso ang nag positibo sa nasabing sakit.

Mga kumakalat na text messages tungkol sa panghaharas ng MILF; pinabulaanan ng MILF spokesperson

(Kabacan, North Cotabato/ November 28, 2014) --- Pinabulaanan mismo ng MILF ang mga kumakalat ng text messages na maghahasik ng karahasan ang kanilang grupo sa Mindanao dahil umano sa hindi magandang takbo ng Banngsamoro Framework.

Ito ayon kay MILF Spokesperson Civil Military Chief Von Alhaq sa panayam ng DXVL News.

Anya, pati umano ang kanilang pamunuan ay nakakatanggap ng mga mensahe.

Brgy. Poblacion ng Kabacan, magdiriwang ng 62nd Founding Anniversary

(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2014) ---Magdiriwang ng 62nd founding anniversary ang Brgy. Poblacion ng Kabacan ngayong darating na Nobyembre 29, 2014.

 Ito ay may temang “Pagkakaisa at Kapayapaan Tungo sa Pagbabago ng Brgy. Poblacion”.

Ang taunang selebrasyon ay pinag-isa sa 16th Pinagyaman Festival para sa mas makahulugang pag diriwang.

Magsasaka, arestado sa illegal na droga

By: Mark Antony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2014) ---Kalaboso ngayon at naghihimas ng rehas na bakal ang isang magsasaka matapos mahuli sa isang Drug Buy Bust Operation sa bahay nito sa Antonio Luna Street, Purok Masagana, Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni Police Senior Inspector Jarwin Castroverde, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Edwardo Villanueva alyas “Junjun”, 30 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Suspek na responsable sa pagpapsabog ng IED sa Kabacan, nasakote na!

(Kabacan, North Cotabato/ November 26, 2014) ---Nasa kamay na ng Cotabato Police Provincial Office ang suspek na responsable sa pagpapasabog sa bayan ng Kabacan na ikinasawi ng isang estudyante ng USM at ikinasugat ng 16 na iba pa.

Kinumpirma mismo ni P/SSupt. Danilo Peralta, ang CPPO Provincial Director matapos na masakote ang suspek sa barangay Poblacion ng President Quirino, Sultan Kudarat.

High School Football Player at isa pa, patay sa Mlang Explosion; mga sugatan umakyat na sa 25

(Mlang, North Cotabato/ November 23, 2014) ---Dalawa ang kumpirmadong naiulat na namatay habang 25 na iba pa ang sugatan makaraang sumabog ang pinaniniwalaang Improvised Explosive Device malapit sa Billiard Hall na nasa panulukan ng Municipal Plaza sa bayan ng Mlang, North Cotabato alas 7:30 nagyong gabi lamang.

Sa panayam ng DXVL News kay Mayor Joselito Piñol kinilala nito ang mga nasawi na sina Rorence Camiring Cachapero, 16-anyos, 4th year High School, Football Player at residente ng

11-anyos patay matapos malunod sa Swimming Pool sa Kabacan

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2014) ---Patay ang 11-anyos na bata  matapos itong malunod sa swimming pool ng Water Land Resort sa Barangay Osias, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon.

Idineklarang patay sa Kabacan Polymedic Cooperative Hospital ang biktimang  si Claude Niko De Guzman Orquillo ng Barangay Kadingilan sa Bukidnon.

School Principal, sugatan sa pamamaril sa Antipas, Cotabato

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Sa ospital ang bagsak ng isang school principal makaraang pagbabarilin sa bisinidad ng Purok 4, Brgy. New Pontevedra, Antipas, Cotabato alas 10:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Flabio Zaragosa, Principal ng Salat Elementary School sa bayan ng Pres. Roxas.

Evening classes ng USM, inilipat na sa Biyernes

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Dahil sa nangyaring insidenteng pagpapasabog sa bayan ng Kabacan, inilipat ng pamunuan ng University of Southern Mindanao ang klase mula 5:30 pababa sa araw ng Biyernes.

Ito ayon kay USM Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Mga pang-aatake ng BIFF sa kampo ng CVO at Militar; diversionary tactics –ayon sa militar

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Tinawag ngayong diversionary tactics ng mataas na opisyal ng militar ang ginawang pang-aatake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa ilang mga kampo ng CVO at militar sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ang sinabi sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Col. Noel Clement ang Commanding Officer ng 602nd Brigade.

Halos isang milyong pisong cash natangay ng mga magnanakaw sa Tacurong City

(Sultan Kudarat/ November 20, 2014) ---Patuloy ngayon ang hot pursuit operation ng otoridad sa apat na mga suspek na responsable sa pang hohold-up sa dalawang empleyado ng SP Maguindanao sa Tacurong City.

Sinabi ni Tacurong City PNP Chief of Police Supt. Junny Buenacosa Halos isang milyong pisong cash ang natanggay ng dalawang riding tandem mula sa mga biktima.

Witness sa Maguindanao Massacre, itinumba

(North Cotabato/ November 20, 2014) ---Pinabulagta ang isa sa bagong witnesses sa Maguindanao Massacre case habang isa naman ang sugatan matapos tambangan ng mga di-kilalang kalala­kihan sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang napatay na si Denix Sakal ng Shariff Aguak at sinasabing da­ting driver ni Andal “Datu Unsay” Ampatuan, Jr. habang sugatan naman ang kasama nitong si Sukarno “Butch” Saudagal na dati namang “bagman” o nagdadala ng bag na may lamang pera ni Datu Unsay.

Mayor Guzman hinahamon ang mga nasa likod ng Pambobomba sa Kabacan na lumantad na!

By: Sarah Jane Corpuz Guerrero

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Hinamon ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr ang mga tao na nasa likod ng pambobomba sa bayan ng Kabacan na ipakita ang kanilang katapangan sa pamamagitan ng paglalantad sa kanilang sarili sa publiko at huwag magkubli sa likod ng kanilang mga pananakot. 

Sa report na ibinahagi ni OIC-Chief of Police Jarwin C. Castroverde, ang unang pagsabog ganap 6:45 ng gabi noong nakaraang lunes, November 16, 2014 sa may over-pass harap ng Kabacan Pilot Central School, ay sanhi ng isang improvised explosive device na ikinasawi ng isang college student ng USM at ikinasugat ng labing-anim pang iba.

Candle Lighting Rally re: Kabacan Blast; isasagawa ngayong araw

by: Mark Anthony Pispis

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Gagawin ng mga militante at mga progresibong grupo ng mga kabataan ang Candle Lighting Rally para ipakita ang pagkondena at panawagan ng pagkamit ng agarang hustisya sa mga biktima ng Kabacan Overpass Blast na gagawin alas 3:00 ng hapon ngayong araw.

Ang mga grupong ito ay ang STAND USM, Leage of Filipino Students, at Liga ng  Kabataang Moro.

Pamilya ng naulila ng namatay sa Kabacan Blast, humihinge ng hustisya sa pagkamatay nito

Hustisya ang sigaw at hiling ng mga naulila ng Kabacan Blast Victim matapos na maihatid na ito sa kanyang huling hantungan alas 2:30 ng hapun kahapun.

Ayon kay Ginang Lawrence Mantawil, ina ng namatay na si Monique Mantawil sa panayam ng DXVL, sanay mabigyan umano ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak makaraang malubhang tinamaan ng pagsabog ng IED sa overpass at ideneklarang dead on arrival sa isa sa mga bahay pagamutan sa Kidapawan City kamakalawa ng gabi.

(Update) P200,000 reward money sa Kabacan Blast

Joint MDRRMC & MPOC Meeting re: Kabacan Explosion
(Kabacan, North Cotabato/ November 17, 2014) ---Magbibigay ng P100,000 na pabuya si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at P100,000 naman ang mula sa LGU Kabacan, ayon kay Mayor Herlo Guzman Jr., sa sinumang makapagturo sa mga responsable sa pagpapasabog sa overpass ng Kabacan kagabi.

Ito ang sinabi ng dalawang opisyal sa hiwalay na panayam ng DXVL News kaninang umaga.

Kapwa naglaan ang dalawang lider upang mabilis na mabigyan ng hustiya ang nangyaring pagpapasabog sa Kabacan kagabi.

Matatandaan na isang College Student ang namatay makaraang napuruhan sa ulo habang 16 katao na pawang mga college student ng University of Southern Mindanao ang nasugatan matapos na sumambulat ang improvised explosive device sa overpass ng Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:40 kagabi.

(Update) 1 patay, 16 sugatan sa pagsabog sa Kabacan

Monique Mantawil, BS Devcom
(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2014) ---Patay ang 2nd year Devcom Student ng University of Southern Mindanao habang umakyat naman sa 16 ang sugatan makaraang sumabog ang Improvised Explosive Device o IED sa Overpass ng Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:45 ngayong gabi lamang.

Kinilala ang namatay na si Monique Mantawil, 19-anyos, 2nd Year Devcom at residente ng Pedtad ng bayang ito.

Binawian ng buhay ang biktima habang binabiyahe ito patungong Davao city dahil sa maselan nitong kondisyon.

Engkwentro ng 2 aramadong grupo, muling sumiklab sa Tulunan, North Cotabato

By: Christine Limos

(Tulunan, North Cotabato/ November 5, 2014) ---Sumiklab ang palitan ng putok sa pagitan ng mga magsasaka at dalawampung di nakilalang armado sa km 130 na sakop ng Brgy. Popoyon, Tulunan, North Cotabato.

Agad na rumisponde ang Tulunan PNP sa pangunguna ni PSI Rolando L. Dillera jr. at ang tropa ng 39th Infantry Battalion Philippine Army.

OPA Namahagi ng Dekalidad na Budded Rubber Seedlings

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan city/ November 5, 2014) ---Bilang bahagi ng Industrial Crops Development Program ng lalawigan ng Cotabato, namahagi kamakailan (10/22-23/14) ng 13,000 piraso ng dekalidad na budded rubber seedlings ang Office of the Provincial Agriculturist para sa 16 na farmer recipients mula sa mga bayan ng Carmen, Tulunan at Libungan.

Sa pamamagitan  nito, inaasahang lalawak pa ang lupaing natatamnan ng rubber at tataas pa ang produksiyon ng latex dito sa lalawigan na makapagbibigay ng sustainable income sa mga magsasaka ng goma.

Basil Leaves mainam sa ilang mga sakit sa tiyan –ayon sa USM Prof

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng research center ng University of Southern Mindanao partikular nan g USMARC hinggil sa basil leaves o mas kilala sa bisaya sa tawag na Sangig na mainam sa ilang mga sakit sa tiyan.

Ito ayon kay Dr. Naomi Tangonan, dating USM Faculty, researcher, Scientist sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.

Preso, patay sa riot sa loob ng BJMP

(North Cotabato/ November 5, 2014) ---Patay ang isang 49-anyos na preso makaraang pagsasaksakin ng di pa nakilalang suspek sa nangyaring riot sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology sa Amas Kidapawan City alas 9:00 ng umaga kahapon.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ramil Hojilla ang Chief Provincial Operation Branch ng CPPO, kinilala ang biktima na si Ronald Bolario, 49-anyos, magsasaka at residente ng Dalipe, Mlang, Cotabato.

Provincial government ng North Cotabato,nagpaabot ng pakikiramay sa mga sundalong nasawi sa ambush sa Basilan

By: Christine Limos

(North Cotabato/ November 5, 2014) ----Nagpa abot ng pakikiramay ang pamahalaan ng probinsya ng North Cotabato sa mga naulilang pamilya ng anim na sundalong namatay sa ambush sa Sumisip, Basilan noong Nobyemre 2.

Matatandaan na apat sa mga nasawing sundalo ay taga North Cotabato.

Magsasaka, patay sa pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ November 5, 2014) ---Dead On Arrival sa bahay pagamutan ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin habang paakyat sa kanilang bahay sa Purok 2, Brgy. Salvacion, Matalam, Cotabato alas 7:00 kagabi.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Tito Dioso Patricio, 54-anyos residente ng nasabing lugar.

Isang Brgy. sa Kabacan, hinarass ng mga armadong grupo

(Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2014) ---Sinalakay ng mahigit kumulang sa 30 mga armadong grupo ang Sitio Ladao ng Brgy. Pedtad, Kabacan, Cotabato alas 9:30 kagabi.

Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP hinarass ng mga armadong grupo ang pangkat ni Kapitan Romeo Mantawil kungsaan umaabot sa 30 ang palitan ng putok sa magkabilang panig.

Enrollment sa USM, nagpapatuloy, siksikan sa pila, matindi pa rin

By: Allan Dalo

(USM, Kabacan, Cotabato/ November 4, 2014) ----Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang enrollement sa pinakamalaking state university sa Central Mindanao, ang University of Southern Mindanao.
Photo by: William dela Torre

Kahapon, pansamantalang nabalam ang koleksyon dahil nagkaaberya ang server ng Information Communication and Technology Center o ICTC na isa sa mga nangangasiwa ng enrolment process.


Sa panayam kay Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang, sinabi nito na agad ginawan ng paraan ng pamantasan ang aberya at nagpatuloy ngayong hapon.

Sa ngayon, umaabot pa lamang sa 2,500 ang nakapag-enrol para sa 2nd semester habang tinatayang nasa mahigit labing-isang libo pa ang hindi pa nakakapag-enrol.

4 katao na Most Wanted sa bayan ng Antipas, North Cotabato; arestado ng kapulisan

(Antipas, North Cotabato/ November 3, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng otoridad ang apat katao na sinasabing most wanted sa bayan ng Antipas, North Cotabato makaraang maaresto ang mga ito Sabado ala 1:00 ng hapon.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang mga suspek na sina Henry Itang, 21-anyos; Alvin Itang, 47-anyos; Lito Idianon, 36-anyos at Dumaay Itang at kapwa residente ng Purok 8, Sitio Mahayag, Brgy. Greenhills, Pres. Roxas, North Cotabato.

Pag-obserba ng Undas 2014 sa North Cotabato, naging maayos at matiwasay!

(KAbacan, Cotabato/ November 3, 2014) ---Naging maayos at matiwasay sa pangkalahatan ang pag-obserba ng Undas sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ayon kay PSI Ramil Hojilla, ang Chief Provincial Operation branch ng Cotabato Police Provincial Office.

Pag-obserba ng Undas 2014 sa North Cotabato, naging maayos at matiwasay!

(KAbacan, Cotabato/ November 3, 2014) ---Naging maayos at matiwasay sa pangkalahatan ang pag-obserba ng Undas sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ayon kay PSI Ramil Hojilla, ang Chief Provincial Operation branch ng Cotabato Police Provincial Office.

17-anyos na dinukot sa Kabacan, pinalaya na makaraang ma-mistaken identity!

(Kabacan, North cotabato/ November 3, 2014) ---Isinailalim na sa debriefing ang 17-anyos na dalagita makaraang marekober sa harap ng bus terminal malapit lamang sa Tobias Residence sa bayan ng Pikit, Cotabato Sabado ng gabi.

Sa panayam ng DXVL News kay Vice Mayor Myra Dulay Bade personal na tinungo ng opisyal ang kampo ng 602nd Brigade kungsaan tinurn-over ang biktima kahapon ng umaga.

2 patay ng mahulog sa bangin ang pampasaherong Van

(North Cotabato/ November 1, 2014) ---Humabol pa sa undas ang dalawang katao makaraang masawi matapos na mahulog ang kanilang sinasakyang van sa bangin sa Green hills sa President Roxas, North Cotabato alas 3:25 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Romy Castanares, hepe ng Pres. Roxas PNP ang mga nasawi na sina Jonas Trecero, 21-anyos residente ng Bunawan, Davao City at Hilario Diwan, 33-anyos Brgy. Kimahuring ng nasabing bayan.

Sikad na, ninakaw; narekober sa Kabacan!

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2014) ---Narekober ng Kabacan PNP ang isang ninanakaw na trysikad sa bahagi ng Sinamar 2, Kabacan, Cotabato alas 8:30 kamakalawang umaga.

Batay sa ulat ng Kabacan PNP, ang narekober na sasakyan ay isang Ymaha STX 125 na may license plate MO 9272.

150K, natangay sa isang guro

(Kabacan, North cotabato/ October 29, 2014) ---Abot sa P150,000 ang natangay mula sa isang guro makaraang malooban ang kanilang bahay sa Brgy. Malamote, Kabacan, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa report ng Kabacan PNP kinilala ang biktima na si Filomena Pasarillo, 36-anyos at residente ng nasabing lugar.

Pamilya Gelacio at Palencia, nag hain na ng kasong administratibo re: sa pagkamatay ni Ka-kunektadong Irah Palencia Gelacio


by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2014) ---Naghain na ng kasong administratibo ang pamilya Gelacio at Palencia sa mga attendant ng Lying In ng RHU Kabacan na nag-asikaso kay DXVL Newscaster Irah Palencia Gelacio sa opisina ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kahapon ng hapon.


Tinungo ng pamilya Gelacio at Palencia ang opisina ng alkalde upang isumite ang affidavit of complaint.

Nakasaad sa apat na pahinang Judicial Affidavit na sinumpaan ni Anita Gelacio ang manugang ni Irah ang mga dahilan at nangyaring kapabayaan umano ng pamunuan ng Kabacan RHU Lying In matapos na magluwal si Irah ng sanggol.

Maliban dito, naghain din ng kanyang dalawang pahinang affidavit of complaint ang asawa ni Irah na si Gerald Gelacio laban kina Lina Daut, Helen Condez at Erlinda Alcantara kaugnay sa kasong administratibo sa tanggapan ni Mayor Herlo Guzman Jr.


Ginawa ng pamilya Gelacio at Palencia ang hakbang makaraang wala pang nagawang aksiyon ang LGU Kabacan sa naunang reklamo ng pamilya na panagutin o bigyan ng sanctions man lamang ang mga attendant na Nurse at midwife matapos na namatay si Irah Palencia Gelacio makaraang maubusan ng dugo makaraang magluwal ng sanggol noong Hunyo a-24 dakong alas 4:55 ng madaling araw.

Iba’t- ibang uri ng sayaw matutunghayan sa 9th Cotabato Annual Dance Festival

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ October 29, 2014) ---Magpapasiklaban sa ibat’- ibang dance categories ang  mga kalahok sa ika- siyam na taong edisyon ng Cotabato Annual Dance Festival na gaganapin ngayong darating na a-15 ng Nobyembre dito sa bayan.

Paglalabanan ng mga kalahok ang pinaka-aasam na champion trophy sa mga dance categories tulad ng rural folk dance, Latin dancesport, popular dance at cheerdance.

Provincial Tourism Office, Hinihikayat ang mga malalaking negosyante na iparehistro ang kanilang mga pagmamay aring establisyemento sa kanilang tanggapan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2014) ---Hinihikayat ngayon ng Provincial Tourism Council ng Provincial Government of Cotabato ang mga malalaking mga negosyante na iparehistro sa kanilang pamunuan ang kanilang pagmamay aring mga establisyemento upang makatulong sa pagbabanuti ng pagtataguyod sa Turismo ng lalawigan.

Ito ayon kay Cotabato Province Provincial Tourism Officer Jabib Guiabar sa panayam ng DXVL News.

Bangkay na natagpuang, palutang-lutang sa ilog ng Kabacan, kinilala na!

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2014) ---Isang bangkay ang natagpuan ngayon ng ilang mga residente sa ilog na nasa hanggang ng Kabacan river at Rio Grande de Mindanao sa bahagi ng Sitio Lumayong, Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 8:30 ngayong umaga lamang.

Sa impormasyong ipinarating ni Kabacan MDRRMC Head David Don Saure kinilala ang bangkay ng mismong kanyang kamag-anak na si Mama Ugkang Pandangan, 45-anyos, isang Maguindanaoan at residente ng Kilada Central, Matalam, Cotabato.

Brgy. Kagawad at kasama nito; sugatan sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, Cotabato/ October 28, 2014) ---Sugatan ang isang brgy. Kagawad at kasama nito makaraang pagbabarilin ng riding tandem sa Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato kagabi.

Sa report na nakarating sa USM Hospital kinilala ang mga sugatan na sina
Boby Gabaras, 37 at si Avelino Aguinaldo, 64-anyos, opisyal ng brgy at kapawa resident eng brgy. Pisan.

Oplan Kaluluwa 2014 ng CPPO, kasado na!

By: Rhoderick Beñez

(Amas, Kidapawan City/ October 28, 2014) ---Kasado na ang inilatag na “Oplan Kaluluwa 2014” ng Cotabato Police Provincial Office para sa nalalapit na Undas ngayong taon.

Ito ang napag-alaman ng DXVL News kay PSI Ramil Hojilla ang Chief Provincial Operation Branch ng CPPO.

Sikad na, ninakaw; narekober sa Kabacan!

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2014) ---Narekober ng Kabacan PNP ang isang ninanakaw na trysikad sa bahagi ng Sinamar 2, Kabacan, Cotabato alas 8:30 kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng Kabacan PNP, ang narekober na sasakyan ay isang Ymaha STX 125 na may license plate MO 9272.

PNP Cotabato Province, nakahanda na sa darating na Undas

By: Mark Anthony Pispis

(Amas, Kidapawan City/ October 28, 2014) ---Nakahanda na ang Kapulisan sa Probinsiya ng Cotabato para sa pagbibigay ng seguridad sa mga bibisita sa kanilang pumanaw na mahal sa buhay sa ibat ibang mga himlayan at pati narin sa mga simbahan sa buong lalawigan sa darating na Undas ngayong taon.

Ito ay nabatid mula kay Police Senior Inspector Ramil Hojilla ang Chief Provincial Operation Branch ng Police Provincial Office sa panayam ng DXVL news kahapon.

Kalsada sa Carmen, passable na matapos na ma-landslide, kagabi!

by: Rhoderick Beñez

(Carmen, North Cotabato/ October 28, 2014) ---Kinumpirma ngayong umaga sa DXVL News ni Carmen Municipal Disaster risk Reduction Officer Dr. Naguitgitan na passable na o madadaanan na ang kalsada na natabunan makaraang gumuho dahil sa landslide bunsod ng malakas na buhos ng ulan sa Brgy. Tambad bayan ng Carmen, North Cotabato.

Nasa erya si Dr. Naguitgitan ng mapanayam ng DXVL News ngayong umaga kungsaan patuloy ang kanyang superbisyon upang maayos ang mga nakahambalang na mga bato at lupa sa nasabing kalsada.

Comprehensive Drainage Plan ng Kabacan, di pa rin nasimulan!

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2014) ---Muling inireklamo ng ilang mga residente sa Purok Masagana, Poblacion, Kabacan ang baha sa kanilang lugar.

Ito bunsod na rin ng malakas na buhos ng ulan simula kahapon ng hapon hanggang gabi.

Ayon kay Purok President Samuel Dapon, matagal ng nilang problema ang baha sa kanilang lugar kungsaan tuwing bumubuhos ang malakas na ulan ay bulnerable sa baha ang Purok Masagana.

Habal-habal Drayber, sugatan sa nangyaring pamamaril sa Matalam, Cotabato!

(Matalam, North Cotabato/ October 27, 2014) ---Sa ospital ang bagsak ng 26-anyos na habal-habal drayber makaraang barilin ng di pa nakilalang suspek sa Sitio Ambel, Brgy. Marbel, Matalam, Cotabato alas 5:30 ng madaling araw nitong Sabado.

Kinilala ni PCInsp. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Reynaldo Chua Junsay, 26-anyos, may asawa at residente ng Sitio Lambayao, Brgy. Kibia, Matalam.

Habal habal drayber, pinaslang sa Cotabato City

(Cotabato City/ October 27, 2014) ---Patay ang isang habal habal driver matapos barilin ng di pa nakikilalang suspek sa basahagi ng Burma Heko, Purok Pinagsamahan RH 2, Cotabato City 12:50 ng hapon noong sabado.

Kinilala ni Cotabato City Police Station 1 Commander Sr. Ins. Efren Salazar ang biktima na si Garry Lu, 44 anyos, may asawa at residente rin ng nabanggit na lugar.

Magsasaka, pinatay ng sariling pinsan sa sakahan

(Matalam, North Cotabato/ October 27, 2014) ---Patay ang isang 21 anyos na lalaki matapos barilin ng sariling pinsan nito sa Purok Sultan, Brgy. Kibudok, Matala, North Cotabato alas 9:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, ng Matalam PNP ang biktima na si Efren Ampuan, may asawa, at isang driver habang kinilala naman ang suspek na pinsan nito na si Datu Manguda Indao, parehong residente ng nabanggit na lugar.

Shootout: Brgy. Kapitan at Negosyante patay

Kap. Jerry Manalo, Aringay
(Kabacan, North Cotabato/ October 25, 2014) ---Bulagta ang 60-anyos na negosyante habang binawian na rin ng buhay ang isang punong barangay makaraang mag barilan (draw) ang dalawa sa bisinidad ng Quirino St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:00 kanina.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga binawian ng buhay na sina Kapitan Jerry Manalo, punong barangay ng Aringay sa nasabing bayan habang bulagta naman ang isa pa na kinilalang si Clemente Molina, 60-anyos residente ng Plang Village ng nabanggit na bayan.

3 NPA nagbalik loob sa pamahalaan sa Magpet, Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ October 24, 2014) ---Abot na sa anim na mga rebeldeng grupo ang sumuko sa pamahaalan ngayong buwang ito lamang.

Sa panayam kay Lt. Col Manuel Gatuz ng 57th IB pinakahuli na sumuko ay ang talong mga rebelde nitong Miyerlules na ayaw namang pangalanan ng opisyal para sa proteksiyon ng mga ito.

3 bulagta sa atake ng BIFF sa Sultan Kudarat

Rhoderick Beñez

(Pres. Quirino, Sultan Kudarat/ October 23, 2014) --Tatlo-katao ang napatay sa naganap na madugong sagupaan ng mga armadong grupo laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) rebels sa hangganan ng Sultan Kudarat at Maguindanao kahapon ng umaga. 

Kabilang sa napaslang ay si Maximo Salamanca na sinasabing kapatid ni dating Mayor Emilio Salamanca ng bayan ng President Quirino sa Sultan Kudarat. 

Pagpaslang sa 2 sundalo sa Ospital sa Maguindanao, itinanggi ng BIFF

(Maguindanao/ October 23, 2014) ---Patay ang dalawang sundalo matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga suspek sa bisinidad ng isang hospital sa Brgy Limpongo, Datu Hopper, Maguindanao pasado alas 8:00 kagabi.

Sinabi ni 6th ID Philippine Army Spokesperson Ins. General Col. Dickson Hermoso na hiniling ni Integrated Provincial Hospital Office- MAguindanao Cheif Dr. Tahir Sulaik ang dalawang sundalo na bantayan ang bagong IPHO sa nabanggit na lugar.

Public Hearing hinggil sa pagprotekta sa karapatan ng mga kabataan sa North Cotabato, isinagawa

(Kidapawan City/ October 23, 2014) ---Dalawang panukalang ordinansa ang tinalakay kahapon sa isinagawang public hearing sa isang kilalang hotel sa Kidapawan City.

Sa panayam ng DXVL News kay SP Committee on Laws chairperson Board Member Joemar Cerebo na isinalang ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato ang "Ordinance Declaring Children in Cotabato as Zone of Peace, Implementing Stringent Provisions Therefor and for

Certified Palay Seeds, Ipinamahagi Bilang Calamity Assistance sa Pigcawayan, Aleosan at Pikit

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan city/ October 23, 2014) ---Upang matulungang makabangon muli ang mga magsasakang nasalanta ng mga nakaraang pagbaha, namahagi kamakailan (10/14-17/14) ang Provincial Government sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist ng 1,060 bags ng certified palay seeds bilang ayuda sa mga magsasaka particular sa mga bayan ng Pigcawayan, Aleosan at Pikit. 

Ang mga binhi ng palay na naipamahagi ay may katumbas na halaga na P1,272,000.00.

Ilang barangay sa Tulunan, ni-landslide makaraang umuga ang 4.1 Magnitude na lindol

(Tulunan, North Cotabato/ October 23, 2014) ---Niyanig ng 4.1 Magnitude na lindol ang bayan ng Columbio sa lalawigan ng Sultan Kudarat alas 10:30 kahapon ng umaga.

Batay sa report ng Phivolcs, naramdaman din ang Intensity III sa Tulunan, North Cotabato at Intensity II sa Kidapawan City.

Unity Peace Rally, isasagawa sa bayan ng Pikit

(Pikit, Cotabato/ October 23, 2014) ---Magsasagawa ng Unity Peace Rally ang iba’t-ibang sektor sa bayan ng Pikit, Cotabato ngayong araw.

Ayon kay Pikit Mayor Muhyryn Sultan-Casi layon ng nasabing aktibidad ang panawagan na magkaroon ng hustisya sa nangyaring pagpapasabog sa UCCP Church na ikinasawi ng tatlo katao at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Speed Limit sa Bayan ng Kabacan, irerekomenda ng MDRRMC sa Sangguniang Bayan

By: Sarah Jane Corpuz Guerrero

(Kabacan, Cotabato/ October 23, 2014) ---Sa isinagawang regular na pagpupulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council kanina, October 22, 2014 sa conference hall ng Munisipyo inihayag ng PNP Representative na si Police Senior Andres Sumugat, Jr, deputy for Operations ng PNP Kabacan ang pagrerekomenda ng Municipal Disaster Council sa Sangguniang Bayan sa pagpapasa ng ordinansa hinggil sa pagkakaroon ng Speed Limit sa National Highway ng Kabacan ito ay upang mabawasan ang mga vehicular accidents sa nasabing daanan. 

From arms to farms ng Kauswagan, ipinapatupad sa iba’t-ibang panig ng Mindanao

(Cotabato City/ October 23, 2014) ---Dahil sa makabagong pamamahala ng Pilipinas sa mga lokal na pamahalaan sa bansa isang kakaibang estratahiya ang kanilang inimplementa para sa ikauunlad nito.

Sa Lanao del Norte province siyam na mga commanders ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at mahigit isang daang kasapi nito ang isinantabi ang kanilang mga armas kapalit ng pagsasaka.

BREAKING NEWS: 4.1 Magnitude na lindol; yumanig sa Columbio, Sultan Kudarat

(Kabacan, Cotabato/ October 22, 2014) ---Niyanig ng 4.1 Magnitude na lindol ang bayan ng columbio sa lalawigan ng Sultan Kudarat alas 10:30 ngayong umaga lamang.

Batay sa report ng Phivolcs, naramdaman din ang Intensity III sa Tulunan, North Cotabato at Intensity II sa Kidapawan City.

Pagbuo ng Rubber’s Farmer Association, hinikaya’t ng mataas na opisyal ng pagsasaka para matutukan ang bumababang presyo ng goma sa North Cotabato

(Kabacan, Cotabato/ October 22, 2014) ---Iginiit ngayon ng pamunuan ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon na palakasin ang grupo ng mga magsasaka ng goma sa mga barangay kung saan nag-poproduce ang mga ito.

Ito ang sinabi ni Department of Agriculture XII Regional Execuitive Director Amalia Jayag Datucan sa panayam sa kanya ng DXVL News kasabay ng nakatakdang pagdating ni Secretary Alacala ngayong araw.

Biological Control Agents Patuloy na Pinaparami ng OPA Bio-Con Laboratory

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan city/ October 22, 2014) ---Upang mapigilan ang pag-atake ng mapaminsalang stemborer sa palay at mussel scale insect sa lanzones ay patuloy na nagpaparami ng mga biological control agents tulad ng trichogramma at coccinelid beetle ang Biological Control Laboratory ng Office of the Provincial Agriculturist sa lalawigan ng Cotabato.

Ang mga ito ay napatunayang epektibo sa pagkontrol ng stemborer sa palay at mussel scale sa lanzones at di na kailangan pang gumamit ng chemical spray upang sugpuin ang mga pesteng nabanggit. 

DA Sec. Alcala, muling bibisita sa Socsksargen ngayong araw; P404M na farm Machineries, ipamamahagi sa mga magsasaka

By: Rhoderick Beñez

(Koronadal City, SOUTH COTABATO/ October 22, 2014) ---Inaasahang darating si Department of Agriculture Secretary Proseso Alcala sa Rehiyon 12 ngayong araw.

Ito ang sinabi ni DA XII Regional Executive Director Amalia Jayag Datucan sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.

27-anyos na lalaki, panibagong biktima ng agaw motorsiklo sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 22, 2014) ---Tinangay ng mga di pa nakilalang mga suspek ang bagong motorsiklo ng isang 37-anyos na lalaki makaraang tinutukan ito ng baril at pwersahang kinuha ang minamaneho nitong motorsiklo sa Zamora St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:15 nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Ebenejer Calija, 37-anyos at residente ng Brgy. Pisan ng bayang ito.

Malaking kampo ng NPA sa Magpet, North Cotabato; nakubkob ng militar

(Magpet, North Cotabato/ October 22, 2014) ---Nakubkob ng mga sundalo ang isa sa malaking kampo ng New People’s Army o NPA sa Brgy. Don Panaca, Magpet, North Cotabato linggo ng hapon.

Ayon kay Col.Nilo Vinluan commanding officer ng 57th Infantry battalion na aksidenteng natuklasan nila na may inabandonang malawak na training ground ng mga rebeldeng grupo sa lugar habang nagpaparolya ang kanyang mga tauhan.

DTI puspusan ang information campaign tungkol sa ASEAN Economic Community

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, Cotabato/ October 22, 2014) ---Nagsagawa kamakailan ng talakayan ang Department of Trade and Industry o DTI tungkol sa mga inisyatibong ginagawa ng pamahalaan tungo sa pagtahak ng Pilipinas sa ASEAN Economic Community o AEC sa susunod na taon.

Ginanap ang forum sa Midsayap, North Cotabato kung saan iba’t- ibang grupo mula sa sektor ng edukasyon, pangangalakal, at serbisyo publiko ang dumalo.

Mahigit sa 300K natangay matapos na malooban ang treasurer Office ng City LGU ng Kidapawan

By: Rhoderick Beñez

(Kidapawan City/ October 22, 2014) ---Patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring pag-ransak sa City treasurer Office ng city LGU ng Kidapawan kung may nangyaring inside job sa nasabing insidente.

Batay sa report, alas 6:20 kahapon ng umaga ng madiskubre ni Reynaldo Junsay, maintenance worker ng tanggapan na bukas na ang lock sa main door at pwersahang binuksan ang tatlong mga vault sa loob ng nasabing treasurer’s office.

Church-Society for the Protection of Civilian Rights, bubuuin sa North Cotabato upang tumutok sa pagprotekta sa karapatang pantao

(Kidapawan City/ October 21, 2014) --- Maglalatag ang isang grupo ang civil society organizations o CSO sa North Cotabato na pangunahing tututukan ang pagprotekta sa karapatang pantao.
Tatawagin nila itong Church-Society for the Protection of Civilian Rights o CSPR. Mangunguna sa grupong ito ang Justice for Pops Movement o JPM.

Mga iskolar na nagsanay sa “slaughtering operations” nagtapos na

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, Cotabato/ October 21, 2014) ---Abot sa 85 mga benepisyaryo ang nagtapos sa pagsasanay sa Slaughtering Operations na bahagi ng programa ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.


Ginanap ang commencement exercises sa Municipal Rooftop sa bayan ng M’lang, North Cotabato kamakailan.

26-anyos na Mister, tiklo dahil sa illegal na droga sa Kabacan, Cotabato

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, Cotabato/ October 21, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang 26-anyos na mister makaraang makuhanan ng illegal na droga sa bisinidad ng Purok Chrislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 12:00 ng tanghali kahapon.


Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Datumama Batua, 26, may asawa at residente ng Tukananes, Cotabato City.

P8 na fare hike, umarangkada na sa Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 21, 2014) ---Mangilan ngilan ng mga tricycle at tricycab drivers ang nagsimulang maningil ng P8 na regular na pamasahe sa Bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay Vice President ng Kabacan Unity Line Tricycle Operators and Drivers Association o KULTODA Henry Ruiz Sr. sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan.

Kabacan Radio Group nagkaroon ng seminar patungkol sa tamang paggamit ng Two Way-Radio

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 20, 2014) ---Inilunsad ang isang Radio Courtesy Seminar na naglalayong maturuan ng tamang paggamit ng two-way radio ang mga radio holders sa Bayan ng Kabacan noong Oktubre a-17 noong Biyernes.

Ayon kay Kabacan Radio Group President Jun Magallon, inorganized umano ang nasabing seminar ng PNP Kabacan sa Pangunguna ni Police Superintendent Jordine Maribojo.

9-anyos na batang tubong Kabacan, National Motocross Winner

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 20, 2014) ---Tinanghal na kampeon sa 9 years and below at 3rd Placer naman sa 10 years and below up to 12years old na kategorya  sa National Motorcross Competition na kinikilala ng Dep Ed at Philippine Sports Commission ang isang batang Kabakenyo.

Ito ayon sa ama ng bata na si Engr. Jun Pascua sa eksklusibong panayam ng DXVL News.

Kinilala naman ang batang nagpapakita ng galing sa larangan ng Motocross Racing na si Charlei Vins Pascua, 9 na taong gulang, estudyante ng Kabacan Pilot Elementary Scgool at residente na Pob. Kabacan Cotabato.

Corn Husk Utilization and Market Promotion Training, Isinagawa sa Arakan, Cotabato

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ October 18, 2014) ---Upang mapakinabangan ang patapon ng balat ng mais, nagsagawa kamakailan ng training on Corn Husk Utilization and Market Promotion sa Poblacion, Arakan, Cotabato para sa 25 Rural Improvement Club members at women’s group na pinangunahan nina Ms. Leonila Anit, ang Provincial RIC Coordinator kasama si Gabriel Nasiluan ng Office of the Provincial Agriculturist.

Ang training na ito ay pinondohan ng Department of Agriculture Regional Field Office 12 sa pamumuno ni Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan.

Provincial Abaca Development Program Isinusulong ng OPA

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ October 18, 2014) ---Bilang bahagi ng Abaca Development Program ng lalawigan ng Cotabato, isinagawa kamakailan (10/8/14) ang training tungkol sa Abaca Production, Harvesting, Processing, and Fiber Classification ng OPA Environment and Natural Resource Division personnel para sa 31 magsasaka sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City.

Sa training na ito itinuro sa mga kalahok ang makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagtatanim ng abaca upang pakinabangan ito ng husto kasama na rito ang tamang pagharvest at processing ng abaca fiber. Sa huling bahagi ay itinuro naman sa mga kalahok ang wastong pag-classify ng fiber mula sa naharvest na abaca.

5 huli sa illegal na droga sa Central Mindanao

(North Cotabato/ October 18, 2014) --- Kalaboso ngayon ang lima katao makaraang mahuli sa magkakahiwalay na drug bust bust operation sa Maguindanao at North Cotabato kamakalawa.

Nanguna sa nasabing operasyon ang Phillippine Drug Enforcement Agency o PDEA ARMM.

Sa bisa ng warrant of Arrest, hinalughog ng otoridad ang bahay nina Abdul Salam Indak “alias” Samipakan sa bahagi ng Talayan, Maguindanao kungsaan nakuha mula sa posisyon nito ang 15 gramo ng shabu.

P3M halaga ng heavy equipment, sinunog ng mga NPA

by: Rhoderick Beñez

(Magpet, Cotabato/ October 18, 2014) ---Sinilaban ng mga pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army o NPA ang isang pay loader na nakaparada sa Brgy. Binay, Magpet, North Cotabato.

Sa panayam ng kahapon ng DXVL News Radyo ng Bayan kay Col. Nilo Vinluan ang Commanding Officer ng 57th IB na sinunog ng mga ito ang bagong heavy equipment ng isang construction supply na nag-aayos ng mga kalsada sa lugar.

Lifestyle check sa mga kapulisan, isasagawa

By: Christine Limos

(Kabacan, Cotabato/ October 18, 2014) ---Nakatakdang isagawa ang lifestyle check sa lahat ng opisyal ng kapulisan upang maimbestigahan ang mga tiwaling pulis na nasasangkot umano sa mga ilegal na gawain tulad ng kidnapping, holdap, ilegal na droga at iba pang ilegal na raket.

Sa isang kalatas na ipinahayag ni PSI Jojet Nicolas, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na makikipag-ugnayan ang PNP sa DILG at NAPOLCOM sa pamamagitan ni DILG Secretary Mar Roxas sa BIR at Ombudsman upang matukoy ang mga pulis na may di maipaliwanag na yaman dahil sa mga ilegal na aktibidad.

Pikit PNP, may bagong ng hepe

By: Rhoderick Beñez

(Pikit, Cotabato/ October 17, 2014) ---Kinumpirma ngayong umaga sa DXVL News ni PSI Jojet Nicolas, CPPO spokesperson na may bago ng chief of Police ang Pikit PNP.

Itinalaga bilang bagong hepe ng Pikit PNP ang Deputy Chief of Police ng Matalam PNP na si P/Insp. Sindato Karim.

Menor de edad, tiklo sa pagdadala ng di lisensiyadong armas sa Tulunan, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis
(Tulunan, North Cotabato/ October 17, 2014) ---Arestado ang isang 17-anyos na lalaki makaraang mahuling nagdadala ng baril sa bahagi ng Pampublikong Pamilihan ng Tulunan, Cotabato alas 9:50 kaninang umaga.
Kinilala ni Police Senior Inspector Ronie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang suspek na si Arman Duco Malit, 17 anyos, binata at residente ng Sitio Saban, Brgy. Maybula, Tulunan, Cotabato.

USM may bagong 17 mga CPA

By: Mark Anthony Pispis

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 17, 2014) ---Abot langit ang tuwa at pasasalamat ng 17 accountancy graduates na galing sa College of Business Development and Economic Management na nakapasa sa katatapos na Certified Public Accountants Board Examination ngayong buwan ng Oktobre.

Kabilang sa mga pumasa sina Analy Ayop, Clarisse Evangelista, Gracedyl Fernandez, Jonalyn Garcia, Elvin Gutoman, Reinzon James Juanitez, pati rin sina Earl Bryan Limas, Fehllyn Marie Mapulong, Cristine Makiputin, Angelyn Narisma, Charlie Ryan Pada, Regina Paguntalan, Mindy May Pascua, Allyn Jane Ranoco, Rodibee Rojo, Zandra Mae Salikula at Marjorie Benimento.

Bus Inspector, pinabulagta!

(Kidapawan City/ October 17, 2014) ---Patay ang isang Line Inspector ng Weena Bus Company makaraang pagbabarilin sa National Highway ng Brgy. Balindog, Kidapawan City ala 1:20 ngayong hapon lamang.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Arturo Valdivieso, nasa tamang edad at residente ng Toril, Davao City.

Limang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng nasabing biktima mula sa di pa mabatid na uri ng armas.


Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente upang mabatid ang

Bagong Fault Line sa Makilala, pinag-aaralan na ng PHIVOLCS

By: Mark Anthony Pispis

(Kidapawan City/ October 17, 2014) ---Ginagawan na umano ng pag aaral ng mga eksperto mula Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa Manila ang bagong nakitang Fault Line sa Makilala na patungong Sultan Kudarat.

Ayon kay Engineer Hermes Daquipa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Kidapawan, ginawan na umano ng unang paraan ng mga scientist at mga geologist na experto mula sa PHIVOLCS Manila upang malaman ang traces ng fault system na kahit hindi sila tumutungo sa lugar ay meroon umano silang ginagawang table mapping.