Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 patay ng mahulog sa bangin ang pampasaherong Van

(North Cotabato/ November 1, 2014) ---Humabol pa sa undas ang dalawang katao makaraang masawi matapos na mahulog ang kanilang sinasakyang van sa bangin sa Green hills sa President Roxas, North Cotabato alas 3:25 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Romy Castanares, hepe ng Pres. Roxas PNP ang mga nasawi na sina Jonas Trecero, 21-anyos residente ng Bunawan, Davao City at Hilario Diwan, 33-anyos Brgy. Kimahuring ng nasabing bayan.

Batay sa inisyal na pagsisisyasat, binabaybay ng pampasaherong van (GLB 249) ang kahabaan ng National Highway buhat ng Kidapawan City papunta sa bayan ng Arakan ng mawalan ng preno at kontrol ang drayber binunggo ang steel gutter at nahulog sa bangin na may lalim na mahigit sa 80 metro.

Nagtamo ng sugat ang drayber na kinilalang si Michael Abear, 40-anyos at residente ng Zone 3, Mahayag, Buhangin, Davao City.

Samantala sugatan din ang ilan pang mga pasahero na kinilalang sina Proferio Napalit, 48-anyos, Bunawan, Davao City at Condrado Trecero, 18-anyos brgy. Kimahuring ng nasabing bayan.

Agad namang dinala sa Amas Provincial Hospital ang mga sugatan habang patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento