Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM, binalot ng sunod-sunod na Bomb Scare

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 24, 2013) ---Kinumpirma ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na negatibo sa pampasabog ang natagpuang maliit na kahon sa harap ng University Resource Learning Center ng University of Southern Mindanao, Kabacan, North Cotabato alas alas 7:00 ngayong umaga.

Agad namang kinordon ng mga pulisya na rumesponde sa erya ang harap ng USM Library.
Nabatid na isang janitor ng USM Library na kinilalang si Rasul Balayman ang nakakita ng nasabing maliit na kahon na may nakakabit na wire.

Business opportunity binuksan ng DTI North Cotabato para sa coconut farmers at coops

(PPALMA, North Cotabato/ October 23, 2013) ---Pinangunahan ng Department of Trade and Industry o DTI North Cotabato ang isang Business Opportunity Forum na naglalayong buksan sa mga magniniyog at mga kooperatiba ang pagkakakataong lubos pang pagkakitaan ang coconut na itinuturing ng karamihan bilang tree of life.

Inilatag ni DTI Provincial Director Engr. Anthony Bravo ang isang proyekto na maaring pasukin ng mga kooperatiba at Small Coconut Farmers Organizations o SCFOs.

Diumano’y delayed na sahod ng BHW ng Barangay Kayaga, nirereklamo; Kapitan nagpaliwanag na!

(Kabacan, North Cotabato/ October 23, 2013) ---Nirereklamo ngayon ng ilang mga Barangay Health Workers at mga volunteer’s ng Barangay Kagaya, Kabacan, Cotabato ang diumano’y delay sa kanilang sahod.

Tatlong mga ginang ang dumulog sa himpilan ng DXVL para ipanawagan sa kanilang barangay ang pagkakabalam ng kanilang honorarium para sa buwang ito.

Contractor ng Generator Set para sa Cotelco, dumating na!

(Matalam, North Cotabato/ October 23, 2013) ---Dumating na kahapon ng tanghali ang contractor ng Generator Set para sa konstruksiyon ng 6 megawatts na gen set ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco.

Ito ang napag-alaman mula kay Cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio sa panayam sa kanya ng DXVL News.

(Update) 9 patay, 4 sugatan sa magkahiwalay na pagsabog sa North Cotabato; nangyaring pag-ambush sa mga sundalo, kinondena ni Governor Mendoza

(Tulunan, North Cotabato/ October 22, 2013) ---Umakyat na sa siyam ang namatay, anim dito mga sundalo habang apat naman ang malubhang nasugatan sa nangyaring pananambang ng mga pinaniniwalaang New People’s Army sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato alas 9:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni 57th Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Noel dela Cruz ang mga nasawi na sina Cpl. Bansuan, Cpl. Espiritu at Pfc. Baylon lahat mula sa 57th IB; First Sgt. Hadlukon at Sgt. Ocho kapwa mula sa 38th IB; at mga kasapi ng CAFGU na kinilalang sina Ballesteros, Batuslac at Tanducan. 

2 Katao, tiklo ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal drugs sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 22, 2013) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao matapos na mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa Kabacan kahapon.

Sa report ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP alas 3:00 ng madaling araw kahapon ng unang mahuli ang suspek na kinilalang si Efren Orpia Nebria, 33-anyos at residente ng Gen. Luna, Carmen, Cotabato.

Ex-Army na katiwala ng Plantasyon, Patay sa pamamaril ng NPA sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ October 22, 2013) ---Bulagta ang dating sundalo na katiwala ng oil palm plantation matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Barangay Gambodes sa bayan ng Arakan, North Cotabato, kahapon.
 
Sa ulat na nakarating sa Arakan PNP, kinilala ang biktima na si Glen Areola, katiwala ng may-ari ng plantasyon na si ex-Matalam Councilor Saturnino Amatac. 

8 patay sa kambal na pagsabog at ambush sa dalawang bayan sa North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ October 22, 2013) ---Walo-katao kabilang ang apat na sundalo ng Phil. Army ang napaslang habang lima naman ang nasugatan sa magkahiwalay  na pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army sa lalawigan ng North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay AFP –Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, bandang alas-9:20 ng umaga nang magpasabog ng landmine ang NPA sa  hangganan ng Barangay Caridad at Brgy. Bituan sa bayan ng Tulunan.

USM may 16 na mga bagong CPA

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 22, 2013) ---Ipinagmamalaki ngayon ng College of Business Development Economics and Management (CDBEM) ng University of Southern Mindanao ang 16 na mga bagong pasa sa katatapos na October 2013 Certified Public Accountant Licensure Examination.

Ayon kay CBDEM Dean at Accountancy Department Chair Dr. Lope Dapun nakakuha ang Pamantasan ng 61.54% habang 40.84% naman ang National Passing nito.

3 barangay sa Kabacan, inilagay sa ‘areas of concern’ ng Comelec

(Kabacan, North Cotabato/ October 21, 2013) ---Tatlong mga barangay ang inilagay ngayon sa ‘areas of concern’ ng Kabacan Commission on Elections habang papalapit ang Halalang Pambarangay ngayong Oktubre a-28.

Ito ang ibinunyag ni Municipal Interior and Local Government Operation Officer Ivy Cervantes batay na rin sa nakalap na impormasyon mula sa comelec at PNP Kabacan.

Mahigit 100 mga motorsiklo at tricycab, naka-impound sa Kabacan PNP; simula ng ipatupad ang election ban

(Kabacan, North Cotabato/ October 21, 2013) ---Umaabot sa 128 mga motorsiklo at tricycab ang naka-impound ngayon sa Kabacan PNP simula ng ipatupad ang election ban noong Setyembre a-28.

Batay sa report ng Kabacan PNP walang kaukulang mga dokumento ang mga motoristang nasabat ang kanilang sasakyan, maliban pa sa gumagamit pa rin ang mga ito ng ipinagbabawal na open pipe, walang licence plate at wala ring OR-CR, walang franchise at walang mga drivers license dahilan kung bakit naka-impound ngayon ang nasabing sasakyan.

Solusyon sa kaguluhan sa Mindanao, tinitiyak ng Peace Panel ng magkabilang panig na patas at tanggap ng lahat.

(Kabacan, North Cotabato/ October 21, 2013) ---Binigyang diin ni GPH peace panel chair Miriam Coronel-Ferrer ang pagtiyak na magkaroon ng isang makatarungan at katanggap tanggap na solusyon sa suliranin ng Bangsamoro sa pagbubukas ng 41st formal exploratory talks sa Malaysia. 

Ayon pa kay Ferrer, mahaba ang iginugol nila na panahon upang makumpleto ang lalamanin ng mga annexes ito’y upang tiyakin ng magkabilang panig ang patas at makatarungang solusyon para sa lahat at matiyak na mabigyan ng maayos na sistema kung saan may kooperasyon ang bawat isa sa itatayong Bangsamoro government at ng buong bansa.

Tunay na serbisyo publiko, hinikayat ng gobernador ng North Cotabato; 11 mga pulis sa region 12, sipa sa pwesto dahil sa droga

(Amas, Kidapawan City/ October 21, 2013) ---Hinikayat ng gobernador ng North Cotabato ang mga pinuno ng mga ahensya sa lalawigan na isulong ang tunay na serbisyo sa publiko.

Ayon kay Gov. Emmylou Lala Taliño-Mendoza, nagsagawa sila ng outcome level performance evaluation sa serbisyo ng mga manggagawa sa mamamayan.

Isa sa mga ekstorsyonista sa North Cotabato; tiklo ng mga otoridad

(Midsayap, North Cotabato/ October 21, 2013) ---Naghihimas ng malamig na rehas bakal ang isang pinaniniwalaang extortionist na nambibiktima ng mga negosyante sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Ayon sa report ng Pulisya, kinilala ang suspek na si Glen Perolin, 44-anyos na taga Barangay Gli-gli sa bayan ng Pikit.

Mga lumalabag sa “Plastic Ordinance” sa Kabacan, dumarami

(Kabacan, North Cotabato/ October 21, 2013) ---Abot na ngayon sa 12 mga establisiemento ang lumalabag sa Municipal Ordinance na No. 2009-001 o mas kilala sa tawag na Kabacan Ecological Solid Waste Management.

Ito ayon sa report ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Jerry Laoagan batay sa tala ng huling quarter ng taon.

Faultline sa Carmen, North Cotabato, di raw apektado sa tumamang 7.2 Magnitude na Lindol sa Bohol

(Kabacan, North Cotabato/ October 21, 2013) ---Tiniyak ng pamunuan ng Phivolcs Cotabato City na hindi nakakaapekto sa faultline ng Carmen, North Cotabato ang tumamang 7.2 Magnitude na lindol sa Bohol.

Ito ang nabatid mula kay Phivolcs Cotabato City head Engr. Ranier Amilbahar.

Sinabi nitong, malayo sa Central Mindanao ang epicenter ng magnitude 7.2 na lindol kaya malayong itong makapaminsala sa Cotabato City at mga kalapit lugar.