Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga lumalabag sa “Plastic Ordinance” sa Kabacan, dumarami

(Kabacan, North Cotabato/ October 21, 2013) ---Abot na ngayon sa 12 mga establisiemento ang lumalabag sa Municipal Ordinance na No. 2009-001 o mas kilala sa tawag na Kabacan Ecological Solid Waste Management.

Ito ayon sa report ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Jerry Laoagan batay sa tala ng huling quarter ng taon.

Karamihan sa mga establiseimentong nahuli dahil sa patuloy na paggamit ng plastic cellophane bilang pambalot sa kanilang paninda.

Bukod pa sa hindi pag-sunod sa tamang segregation ng basura.

Nabatid mula sa MENRO na ilan sa mga establisiemento ay napatawan na unang paglabag kungsaan pagbabayarin ng multang P500.00.

Ang iba ay umaabot na rin sa 2nd hanggang 3rd offense ang kanilang nabayan na umaabot sa P1,500 hanggang P2,500.00 dahil sa patuloy na paglabag sa nasabing batas.

Ilan sa mga nahuhuling mga establisiemento ay nasa National Highway, USM Avenue at nasa Kabacan Public Market. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento