Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

14 na mga kabahayan, pinaputukan ng mga armadong grupo sa muling pagsiklab ng kaguluhan sa Brgy. Manubuan, Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ July 11, 2014) ---Muli na namang nagkasagupa ang pangkat ng armadong grupo na Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front o MNLF sa brgy. Manubuan, Matalam, North Cotabato alas 2:30 ng madaling araw kahapon.

Sa report ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP abot sa 14 na mg kabahayan ang diumano’y pinaputukan ng mga armadong MILF sa nasabing brgy. kasama na ang bahay ni kagawad Daud Tigkanan.

Community Development Information Council o CIDC, itinatag sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ July 11, 2014) ---Pinangunahan ng Philippine Information Agency o PIA ang pagtatatag ng Community Development Information Council o CIDC sa bayan ng Makilala, kamakalwa.

Ayon kay PIA 12 Regional Director Olivia Sudaria, layunin ng CIDC na makuha ang suporta ng publiko sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng impormasyon na may kinalaman sa kaunlaran ng kanilang lugar.

1 sugatan sa muling pagsiklab ng putukan sa Sitio Maligaya, Brgy. Lower Malamote, Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ July 11, 2014) ---Sugatan ang isang sibilyan makaraang matamaan ng ligaw na bala sa nangyaring putukan sa pagitan ng mga armadong grupo at military sa bahagi ng Sitio Maligaya, Brgy. Lower Malamote, Matalam, North Cotabato alas 6:20 kahapon ng umaga.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP nabatid na habang nagpapatrolya ang kasapi ng militar mula sa 7th Ib, 38 Ib kasama ang 42nd NCAA ng paputukan ang mga ito ng mga armadong pangkat buhat sa brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato.

Pamunuan ng RHU, ipapatawag sa Lunes sa gagawing Committee of the Whole meeting ng SB hinggil sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Irah

(Kabacan, North Cotabato/ July 11, 2014)---Ipapatawag sa Committee of the Whole Meeting sa July 14 araw ng Lunes ang pamunuan ng Rural Health Unit ng Kabacan para maimbestigahan ang nangyari sa pagpapa-anak kay DXVL Newscaster and DXVL Broadcast Traffic Officer Irah Palencia Gelacio.

Ito ang napagkasunduan ng kasapi ng Sangguniang Bayan sa regular na session ng SB kahapon.

Pinakakaabangang Talent at Grand Pageant Night pinaghahandaan na ng mga kandidata ng Mutya ng North Cot 2014

Written by: Jimmy St. Cruz

(Kidapawan City/ July 10, 2014) --– Lubos na pinaghahandaan ngayon ng mga naggagandahang kandidata ng Search for the Mutya ng North Cotabato 2014 ang kanilang pagsabak sa Talent Night at sa pinakapana-panabik na Grand Pageant Night ng search.

Ang Talent Night ay gagawin sa Aug. 1, 2014 sa Magpet Municipal Gymnasium at ang Grand Pageant Night naman ay gagawin sa Aug 25, 2014 sa Provincial Capitol Gym, Amas, Kidapawan City.

IP Representative sa konseho ng Kidapawan, umaapela sa Publiko na gamitin ang bagong Kidapawan Hym

(Kidapawan City/ July 10, 2014) ---Iginiit sa Sangguniang Panlungsod ng Kidaapwan ng Indigenous People's Mandatory Representative na gamitin ang bagong bersyon ng Kidapawan Hymn.

Ito ang inihayag ni IP Representative Radin Igwas na dapat ay gamitin na ng mga school administrator at mga establisimyento ang revised version ng Kidapawan Hymn bago magsimula ang iba't ibang mga programa.

Takbo para sa Batang Kabakenyo at bloodletting activity ng DXVL FM, inaabangan na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 10, 2014) ---Isang linggo bago ang gagawing Takbo para sa Batang Kabakenyo at Dugo ko alay sa Kakoolitan Ko Blood Letting activity ng DXVL Radyo ng Bayan ay  inaabangan na ito ng mga suking tagapakinig.

Nabatid na ubos na rin sa ngayon ang unang batch ng mga kumuha ng limited design na t-shirt para sa takbo para sa batang kabakenyo, a fun run for a cause kungsaan ang proceed nito ay mapupunta sa pilang mga estudyante sa ilang mga paaralan sa Kabacan na mabibigyan ng mga school supplies.

ATI at USM magkasamang nagsagawa ng training para sa mga agriculture extension workers

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 10, 2014) ---Nagsagawa ng unang batch ng trainers’ training na may kaugnayan sa Methodologies and adaptation ang Agricultural Training Institute (ATI) sa Rehiyon XII sa pakikipagtulungan ng University of Southern Mindanao-extension Services Center sa ATI-Kabacan Training Center kamakailan.

Layunin ng training na mas lalong mapabuti pa ang extension delivery service para sa agricultural modernization.

WFP Country Director for Asia Kenro Ashidara natuwa sa mahusay na fish pen project sa Pikit, Cot

Written by: Jimmy Sta. Cruz

(Amas, Kidapawan City/ July 10, 2014) ---Ikinatuwa ni World Food Program (WFP) Country Director for Asia Kenro Ashidara ang mahusay na implementasyon ng isang fish pen project sa Barangay Katilacan, Pikit, Cotabato na kanyang binisita noong huling linggo ng Hunyo, 2014.

Ayon kay WFP Protracted Relief and Recovery Operations – Project Management Office (PRRO-PMO) Focal Person Allan Matullano, ang naturang proyekto ay itinayo sa Barangay Katilacan noong unang bahagi ng 2013, ito ayon sa report ni PGO Media Center Head Jimmy Santa Cruz.

FOI Bill Forum, gagawin sa Kidapawan City

(Kabacan, North Cotabato/ July 10, 2014) ---Isasagawa ang isang forum hinggil sa Freedom of Information bill sa Mini-Auditorium ng DXND sa Kidapawan City mula alas 8:00 hanggang alas 11:00 ng umaga bukas.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni National Union of Journalist of the Philippines NUJP Kidapawan City Chapter President Malu Cadeliña Manar.

Self- Employment Assistance muling ipapatupad sa Unang Distrito ng North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ July 9, 2014) ---Isinailalim kahapon sa orientation ang mga pangulo ng unang sampung asosasyon na pasok sa Self- Employment Assistance para sa Kaunlaran o SEA- K na bahagi ng pagpapatupad ng livelihood support program sa Unang Distrito ng North Cotabato.

Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Region XII Focal Person for North Cotabato Ramil Tamama ang nabanggit na oryentasyon na idinaos sa Kapayapaan Hall dito sa bayan.

Magsasaka ng saging, pinatay ng nakaalitan nito sa Antipas, North Cotabato

(Antipas, North Cotabato/ July 9, 2014) ---Siyam na tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang 40-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng suspek na nakaalitan nito sa nangyaring krimen sa Sitio Alenyon, Brgy. Malatab, Antipas, North Cotabato alas 10:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Rogelio Golisao, 40, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Presyo ng galunggong sa Pamilihang bayan ng Kabacan, tumaas; presyo ng ilang rekados, bahagyang bumaba na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2014) ---Tumaas ng halos P30 ang presyo ng galunggong sa pamilihang bayan ng Kabacan ngayon.

Ito ang napag-alaman sa ilang mga nagbebenta ng isda sa loob ng Public Market kungsaan umaabot na sa P130 ang bawat kilo nito mula sa dating P100.00.

Hazing sa mga fraternity at sorority mahigpit na ipinagbabawal sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2014) ---Mahigpit na ipinagbabawal sa University of Southern Mindanao ang hazing sa mga Fraternity at Sorority sa matapos na naglabas ang Office of the Vice president for Academic Affairs ng USM ng Memorandum No. 024 series of 2014 kahapon ng hapon.

Sa isang kalatas sinabi ni Vice President For Academic Affairs, Palasig Ampang na mahigpit na ipinagbabawal ang Hazing sa mga aspirant at neophytes sa mga fraternity at sorority sa loob ng campus matapos na aprubahan ni USM President Dr. Fransisco Gil Garcia ang nasabing kautusan.

Nakitang malaking ahas, kinatatakutan nan g mga residente sa Maguindanao

(Ampatuan, Maguindanao/ July 9, 2014) ---Patuloy na pinaghahanap na ngayon ng Department of Environment and Natural Resources sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (DENR-ARMM) ang diumano higanteng ahas na nakita ng mga residente sa Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao.

Nagpadala na ng mga tauhan ang ahensiya sa naturang barangay upang hanapin ang ahas na may habang 50 talampakan at sinlaki diumano ng puno ng niyog ang katawan.

Pamilya ni Ka-kunektadong Irah Palencia Gelacio, humiling ng imbestigasyon sa pagkamatay nito

(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2014) ---Pormal ng naghain ng reklamo ang pamilya Palencia Gelacio laban sa Lying In ng Rural Health Unit ng Kabacan sa opisina ni Mayor Herlo Guzman Jr., kahapon ng umaga.

Mismong ang mister ni Irah Palencia Gelacio na si Gerald Gelacio at Father in Law nito ang nag-abot ng reklamo kay Municipal Administrator Ben Guzman upang magsagawa ng masusing imbestigasyon in aide of legislation upang malaman ang totoong dahilan ng nangyari sa mamamahayag.

Bagama’t walang planung magsampa ng kaso ang kampo ni Irah, nais lamang nila na mabigyan ng kaukulang aksiyon ang nangyari sa pagkamatay ng broadcaster.

Binatilyo, patay sa pamamaril sa Cotabato City

(Cotabato City/ July 9, 2014) ---Patay ang isang 23 anyos na lalaki makarang pagbabarilin ng mga di pa kilalang suspek sa harap ng Superama Express sa Don Rufino Alonzo St-Bonifacio St Cotabato City kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng Police Station 1 ang biktima na si Tomas Lumabao, single at residente ng Mother Brgy. Bagua ng Lungsod.

20 mga estudyante, sinapian ng masamang Espiritu sa Cotabato City

(Cotabato/ July 8, 2014) ---Binulabog ng sigawan at iyakan ang Notre Dame Village High School matapos sinapian diumano ang 20 mga estudyante dakong alas 9:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay assistant school principal Dr. Samuel Bayeta ng naturang paaralan nangyari ang insedente matapos ang flag ceremony ng mga estudyante.

Out of school youth sa Mlang, sinanay sa bamboo craft productions

Written by: Williamore Magbanua

(Mlang, North Cotabato/ July 8, 2014) ---Dalawampu’t-anim na mga out of school youth mula sa ibat-ibang barangay ng Mlang ang matagumpay na nagtapos sa tatlong araw na bamboo craft production training nitong araw ng Biyernes.

Sila ang unang batch ng mga kabataan na naging beneficiaries ng programa sa tulong ng lokal na pamahalaan at ng Department of Labor and Employment o DOLE.

67th Founding Anniversary ng Kabacan, pinaghahandaan na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2014) ---Puspusan na ngayon ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Kabacan hinggil sa nalalapit na selebrasyon ng 67th founding Anniversary ng bayan ngayong darating na Agosto.

Pangungunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang nasabing aktibidad na magsisimula sa Agosto a-13 na bubuksan sa pamamagitan ng Interfaith and thanksgiving Service.

Kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan, tumaas sa nakalipas na limang buwan

(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2014) ---Abot sa 16 na kaso ng dengue ang namonitor ng Rural Health Unit ng Kabacan mula sa iba’t-ibang mga ospital ng bayan nitong buwan ng Mayo.

Ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon tumaas ng tatlong beses ang nasabing bilang kung ihahambang sa buwan ng Abril na nakapagtala lamang ng limang kaso.
Aniya karamihan sa mga nagkakasakit ng dengue ay mga kalalakihan na edad 21 hanggang 30-anyos.

20-anyos na Holdaper, timbog ng mga otoridad sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 7, 2014) ---Kalaboso ngayon ang isang holdaper makaraang maaresto ng mga otoridad sa bigong pang-hohold-up nito sa isang Fish Cargo Truck sa hangganan ng National Highway ng Datu Paglas, Maguindanao at Tulunan, North Cotabato alas 11:45 ng gabi nitong Sabado.

Sa report ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas na kinilala ang suspek na si Ivan Madidis, 20-anyos at residente ng Brgy. Madidis, Datu Paglas, Maguindanao.

Magsasaka, patay makaraang tagain at barilin sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 7, 2014) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 48-anyos na magsasaka makaraang barilin at pagtatagain sa nangyaring krimen sa Sitio Kidigan, Brgy. Popoyon, Tulunan, North Cotabato alas 10:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Reynaldo Parami, 48-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Furniture Merchandiser, pinagbabaril patay sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ July 7, 2014) ---Pinabulagta ng di pa nakilalang suspek ang isang 50-anyos na Furniture merchandiser sa nangyaring krimen sa Purok Pag-asa, Brgy. Saguing, Makilala, North Cotabato alas 12:40 kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Virdon Guerrero, residente ng   National highway, Quezon blvd, Kidapawan City.

Batay sa inisyal na ulat, sakay ang biktima kasama ang angkas nito sa kanilang kulay itim na Honda Wave na may license Plate 4552-OL ng buntutan ng riding tandem assassins n asakay din ng Kawasaki motorcycle 150.

Malaking papel na ginagampanan ni kakunektadong Irah Palencia Gelacio bilang lokal na mamamahayag kinilala ng LGU

(Kabacan, North Cotabato/ July 7, 2014) ---Ginawaran ng pagkilala ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan si DXVL Newscaster at DXVL Broadcast Traffic Officer Irah Vanesa Palencia Gelacio sa malaking papel na ginagampanan nito bilang isang mamamahayag.

Ang resolusyon ay binasa ni LGU Information Officer Sarah Jane Guerrero at iginawad ni Vice Mayor Myra Dulay Bade sa kanyang asawa na si Gerald Gelacio sa araw mismo ng kanyang libing nitong Sabado.

Imahen ng Sto. Niño na nagpapagaling sa Tampakan, South Cotabato, nadagdagan pa

(North Cotabato/ July ) --- Matapos na magpagaling ng maraming deboto ang isang imahen ng Sto. Niño, nadagdagan pa ng dalawang imahen ang nakakagamot umano ng mga sakit mula sa Purok Mabini, Barangay Kipalbig, Tampakan, South Cotabato.

Una rito, sinasabing nagpakita ng milagro ang Sto. Niño sa pamamagitan ng paggalaw at pagsasayaw na dinarayo ng mga tao matapos kumalat ang balita na nakapagpapagaling ito.

Sasakyan nahulog sa Bangin: Ministro patay; 3 sugatan

(North Cotabato/ July 7, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang Ministro at tatlong kasapi ng Iglesia ni Cristo na nasugatan makaraang mahulog ang kanilang sasakyan sa bangin ng Brgy Ladia, Sultan Kudarat Maguindanao alas 2:45 ng hapon kahapon.

Kinilala ni Sultan Kudarat PNP Chief of Police Senior Inspector Ismael Madin ang namatay si Freedie Itak 40 anyos habang sugatan sina Ariel Rizaldo, 42 anyos driver ng  kanilang sinasakyang MITSUBISHI 1994 Model Vehicle, Jay Tubio 32 at Jun Bikog kapwa mga residente ng Lebak Sultan Kudarat.

RESOLUTION NO. 2014-097

Republic of the Philippines
Province of Cotabato
Municipality of Kabacan
SANGGUNIANG BAYAN

* Legislative Bldg., Municipal Compound, Poblacion, Kabacan, Cotabato,  9407
((064)2482088/2482602
EXCERPTS FROM THE MINUTES OF THE 39th REGULAR  SESSION OF THE  9TH  SANGGUNIANG BAYAN OF KABACAN, COTABATO HELD ON  JULY 3, 3014  IN THE DATU BUNDAS L. MAMALUBA SESSION HALL.

            The  session was called to order by the  Presiding Officer at 9:15  in the morning  and the following were:

         PRESENT:           Hon. Jonathan M Tabara, SB Member/OIC-Vice-Mayor /Presiding Officer
                                    Hon. Herlo C. Guzman, SB Member
                                    Hon. George E. Manuel, SB Member
                                    Hon.  Ayesha Q. Flores, SB Member
                                    Hon.  Reyman L. Saldivar, SB Member
                                    Hon.  Glendale J. Tan, SB Member
                                    Hon.  Datu Masla P. Mantawil, SB Member
                                    Hon.  Rhosman S. Mamaluba, SB Member        
                                    Hon. Raymundo B. Gracia, SB Member 
         ABSENT:             Hon.  Myra  Dulay-Bade, Vice-Mayor/OIC-Mayor 

RESOLUTION NO. 2014-097

RESOLUTION CONVEYING THE SINCEREST AND HEARTFELT SYMPATHY AND CONDOLENCES TO THE BEREAVED FAMILY, RELATIVES AND FRIENDS OF THE GLORIFIED IRAH VANESSA PALENCIA-GELACIO, WHO JOINED OUR CREATOR LAST  JUNE 29, 2014 FROM THE ELECTIVE AND MUNICIPAL OFFICIALS AND EMPLOYEES OF THE LOCAL GOVERNMENT UNIT OF KABACAN, COTABATO.