Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sasakyan nahulog sa Bangin: Ministro patay; 3 sugatan

(North Cotabato/ July 7, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang Ministro at tatlong kasapi ng Iglesia ni Cristo na nasugatan makaraang mahulog ang kanilang sasakyan sa bangin ng Brgy Ladia, Sultan Kudarat Maguindanao alas 2:45 ng hapon kahapon.

Kinilala ni Sultan Kudarat PNP Chief of Police Senior Inspector Ismael Madin ang namatay si Freedie Itak 40 anyos habang sugatan sina Ariel Rizaldo, 42 anyos driver ng  kanilang sinasakyang MITSUBISHI 1994 Model Vehicle, Jay Tubio 32 at Jun Bikog kapwa mga residente ng Lebak Sultan Kudarat.

Nagmula ang mga Biktima sa bahagi ng North Cotabato papauwi ng bayan ng Lebak ng mapadaan sa isang sirang bahagi ng Highway dahilan kung bakit dumiritso at nahulog sa humigit kumulang sa apat napung talampakang bangin.

Kapwa mga ministro ng Islesia ni Kristo ang mga biktima.

Sa ngayon inaayos na ang labi ng namatay na ministro habang patuloy namang nagpapagamot ang tatlong mga sugatan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento