Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagtakbo ng anak ni VM Pol Dulay bilang kahalili nito sa kanyang kandidatura, may legal na basehan ---Comelec Law Department


(Kabacan, North Cotabato/ May 10, 2013) ---Iginiit ni Vice Mayoralty Candidate Myra Dulay Bade na may legal na basehan ang pagtakbo nito bilang kahalili sa namayapang ama nitong si dating Vice Mayor Policronio Dulay.

Sa isang kalatas na ipinalabas ng Commission on Elections o Comelec Law Department sa Manila aprubado ang pagpapalit ni Myra Dulay dala ang apelyido ng ama nito, batay sa section 15 of Resolution No. 9518 promulgated on September 11, 2012 ng comelec.

Pagpili ng nararapat na lider na iluklok sa pwesto, tinalakay sa Voters Education Campaign ng Moro People’s CORE


(Kabacan, North Cotabato/ May 10, 2013) ---Nagsasagawa ngayon ng Voters Education ang Moro People’s CORE sa mga sektor na nasasakupan ng kanilang serbisyo sa Kabacan na nagsimula kahapon at magtatapos bukas a-9 ng Mayo ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Moro People’s CORE Executive Director Zaynab Ampatuan kabilang sa mga tinalakay sa nasabing kampayan nila ay ang tamang batayan sa pagpili ng mga lider na ilagay sa pwesto.
Bukod dito, ipinaliwanag din sa mga kalahok ang malaking papel na ginagampanan nila sa darating na halalan.

2 uri ng High Explosive Device ,narekober ng mga otoridad sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ May 10, 2013) ---Narekober ng mga otoridad ang dalawang uri ng malalakas na pampasabog sa Purok Crislam, Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato alas 11:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay Senior Police Officer 1 Froilan Gravidez, ang head ng Operations ng Matalam PNP agad na kinordon nila ang lugar habang nagsasagawa ng clearing operation ang PNP at ang EOD Team.

Civil society Groups mula sa North Cotabato, nagsagawa ng kilos protesta hinggil sa dinidemand na dagdag na supply ng kuryente mula sa EDC geothermal Plants


(Kidapawan City/ May 10, 2013) ---Kinilampag ng Civil Society groups mula sa North Cotabato ang pamunuan ng Energy Development Corporation o EDC makaraang nagsagawa ng kilos protesta ang mga ito at nagbarikada sa Mindanao sub-office ng EDC sa Barangay Ilomavis, Kidapawan city kahapon.

Ang panawagan ng grupo ay ibigay na ang 25% load dispatch sa host city at probinsiya.

1 sugatan sa nangyaring ambush sa M’lang, North Cotabato


(Mlang, North Cotabato/ May 10, 2013) ---Sugatan ang isang supporter ng kandidato sa pagka gobernador makaraang ambushin ang mga ito sa bayan ng M’lang, North Cotabato alas 3:00 ng hapon kamakalawa.

Ayon sa report habang binabaybay ng dalawang Pick-up at isang multicab ng serbisyong totoo team ang National Highway para sana sa gagawing People’s Caucus ay bigla na lamang hinarang ang mga ito ng isang puting Van na may plate number MBG 533 ang tinatahak na highway, partikular sa brgy. Buayan.

Magkapatid sugatan makaraang aksidenteng pumutok ang nilalaruang baril ng sekyu sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ May 10, 2013) ---Dalawang empleyado ng Villa Oro Resort ang sugatan makaraang tinamaan ng ligaw na bala ng aksidenteng pumutok ang nilalaruang baril  ng security guard alas 6:40 kagabi.

Kinilala ni SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Ian Sulotan, 15, binatilyo nagtamo ng tama ng bala sa itaas na bahagi ng dibdib nito at tumagos sa kanyang kuya na kinilalang si kay Joni Sulotan, 18 tinamaan din sa kanang kili-kili nito.

Opisyal ng sundalo; patay, makaraang aksidenteng mabaril ang sarili sa Makilala, North Cotabato


(Makilala, North Cotabato/ May 10, 2013) ---Patay ang isang mataas na opisyal ng militar makaraang aksidente nitong mabaril ang sarili habang naglilinis ng kanyang service firearm sa loob ng mismong headquarters  ng 57th Infantry Battalion sa Makilala, North Cotabato, alas 7:30 kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Civil Military Operations ng 57th IB Lieutenant Nasrullah Sema,  ang biktima na si Captain Elwood Balignasay, residente ng Antipolo City sa lalawigan ng  Rizal  at isang office staff ng battalion headquarters.

Pulis na dinukot ng NPA sa North Cotabato; pinalaya na!


(Arakan, North Cotabato/ May 9, 2013) ---Pinalaya na ng New People’s Army o NPA ang dinukot na Pulis na si Police Officer 3 Maula Tato Ali ng Arakan PNP sa brgy. Kabalantian, Arakan, North Cotabato alas 2:30 kahapon.

Ang paglaya sa opisyal ay kinumpirma ni NPA Regional Political Department Ka Simon Santiago.

Comelec Kabacan, inaasahan na magiging matagumpay ang halalan sa bayan


(Kabacan, North Cotabato/ May 9, 2013) ---Inaasahan ngayon ng Comelec Kabacanna magiging mabilis at maayos ang botohan sa darating na Mayo-13, ito ang naging pahayag ng Election Officer Josephine Macatas sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan.

Ayon pa sa opisyal, 100 % nang handa ang opisina maging mga polling precinct na pagdadaosan ng botohan.

Drayber, arestado dahil sa kasong pamemeke ng dokumento


(Kabacan, North Cotabato/ May 9, 2013) ---Arestado ang isang 45-anyos na drayber makaraang masangkot sa kasong Falsification of Commercial Document o pamemeke ng dokumento alas 2:00 kahapon.

Nanguna sa pag-aresto si Police Inspector Jubernadin Panes, Deputy chief of Police ng Kabacan PNP sa suspek na kinilalang si Rodulfo Ratilla residente ng Brgy. Dagupan ng bayang ito.

Bata patay makaraang mabangga ng Truck sa sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Patay ang isang 6-anyos na bata makaraang mabangga ng Isuzu Truck sa National Highway, partikular sa harap ng Baldonado ricemill, Central Malamote, Matalam, North Cotabato alas 3:15 ngayong hapon lamang.

Ayon sa report ng Matalam PNP galing umano ng Brgy. Dalipe, Mlang ang nasabing truck na may plate number JDM 987 ng pagdating sa Brgy. Santol ay aksidenteng mabangga nito ang nasabing bata.

PNP walang na monitor na election related incident sa North Cotabato ---PD Peralta


(Amas, Kidapawan City/ May 8, 2013) ---Sa kabila ng mga mga nagaganap na kriminalidad, maituturing pa rin ni Cotabato Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta na mapayapa at maayos ang nagpapatuloy na kampanya ng mga lokal na kandidato sa Probinsiya.

Ito ang sinabi ng opisyal makaraang wala namang may namonitor na election related incident ang kanyang tanggapan.

Kasong Malversation at graft kontra Rep. Sacdalan, ibinasura ng Ombudsman


(Midsayap, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Ibinasura ng Ombudsman ang kasong ‘malversation and graft charges’ na isinampa ni Engr. Milagros Casis laban kay dating governor at ngayon ay North Cotabato Rep. Jesus Sacdalan.

Ang nabanggit na desisyon ay aprubado at nilagdaan mismo ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales., ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Mga nagsilikas na mga residente sa Matalam, North Cot; nakabalik na


(Matalam, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Nakabalik na sa kanilang mga tirahan ang mahigit sa dalawang daang mga pamilya na nagsilikas nitong nakaraang araw matapos na maipit sa naganap na kaguluhan sa Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Cotabato Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan ngayong hapon.

Pulis na dinukot sa boundary ng Arakan at Pres. Roxas, North Cotabato; palalayain na ng NPA ngayong araw


(Arakan, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Nakatakdang palalayain na ngayong araw ang dinukot na Police Officer 3 na si Police Officer 3 Maula Tato Ali ng Arakan municipal police station.

Ito ang kinumpirma ng New People’s Army na may operasyon sa Southern Mindanao.

Sundalo patay, 2 sibilyan sugatan sa shooting incident sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Patay ang isang sundalao habang sugatan naman ang dalawang mga sibilyan sa nangyaring pamamaril sa bayan ng Matalam alas 7:00 kagabi.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si 57th Infantry Battalion Staff Sergeant Jomar Desabilla, 42 na nakabase sa Camp Panacan ng Eastern Mindanao Command sa Davao City.

Magkahiwalay na insedente ng pamamaril, naitala ng Makilala PNP


(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Dalawang insedente ng pamamaril ang naganap sa Brgy. Saguing sa bayan ng Makilala, Cotabato.

Alas 10:00 kamakalawa ng gabi nangyari ang unang insedente at ang ikalawa ala 1:00 ng madaling araw kahapon.

Poverty incidence ng North cotabato, ginawang challenge ng kasalukuyang administrasyon


(Makilala, North Cotabato/ May 7, 2013) ---Tinukoy ngayon ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na ang mga nagdaang giyera ang isa sa mga dahilan kung bakit napabilang ang probisiya sa isa sa pinakamahirap na lalawigan.

Ito ang ginawang pahayag ng gobernadora noong linggo sa isang kumprehensiya kasabay ng pagpapasinaya ng pinakamahabang Zipline sa Southeast Asia na makikita sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Tower ng NGCP sa Kabacan, pinasabugan kagabi!


(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2013) ---Niyanig ng malakas na pagsabog ang ilang mga residente ng Kabacan alas 10:00 kagabi.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Kabacan PNP naganap ang insedente sa Sitio Liton, Brgy. Kayaga ng bayang ito.

(Update) 1 patay habang mahigit 200 pamilya nagsilikas na sa nagpapatuloy na bakbakan ng armadong grupo sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ May 6, 2013) ---Patay ang isa katao na pinaniniwalaang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa nagpapatuloy na palitan ng putok sa Moro National Liberation Front o MNLF sa Brgy. Marbel sa bayan ng Matalam alas 6:00 kaninang umaga.


Kinilala ni 108th Base Command ng MILF Bangsamoro Islamic Forces kumander Masur Imbong ang namatay sa engkwentro na si Mikaratu Naga, 36 na taong gulang at residente ng nabanggit na barangay.

Comelec Kabacan, 100 porsientong handa na para sa eleksiyon



(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2013) ---Isandaang porsientong handa na ang Commission on Election o Comelec Kabacan pitong araw bago ang gaganaping halalan sa Mayo a-13.

Ito ang tiniyak ngayon sa DXVL Radyo ng Bayan ni Election Officer Josephine Macapas kungsaan isinagawa ngayong araw ang testing at sealing ng Precinct Count Optical Scan o PCOS Machine.

Clean up Drive; isinusulong ng RHU Kabacan sa mga brgy dahil sa mataas na kaso ng Dengue



(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2013) ---Isinusulong ngayon ng Rural Health Unit ng Kabacan ang clean up drive sa mga brgy. ng Kabacan dahil sa mataas na kaso ng dengue sa lugar.

Sinabi ni Secretary to the Sangguniang bayan Beatriz Maderas na ang nasabing resolusyon ay isinulong nitong nakaraang session sa Sangguniang bayan ni Municipal Officer Dr. Sofronio Edu, Jr. sa pamamagitan ni councilor George Manuel ang may hawak ng Committee on Health sa Sanggunian.