Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magkahiwalay na insedente ng pamamaril, naitala ng Makilala PNP


(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Dalawang insedente ng pamamaril ang naganap sa Brgy. Saguing sa bayan ng Makilala, Cotabato.

Alas 10:00 kamakalawa ng gabi nangyari ang unang insedente at ang ikalawa ala 1:00 ng madaling araw kahapon.

Pinaka-unang biktima si Dennis Regidor, 32, empleyado ng DOLE Stanfilco at residente ng Brgy Saguing Makilala.

Ayon sa report, papauwi na ang nasabing biktima at pagdating nito sa harap ng kanilang bahay bigla na lamang nilapitan ng isang lalaki at walang abu-abong pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre .45 na pistola.

Nagtamo ang bigktima ng malubhang tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang braso.

Samantala, kinilala ang ikalawang biktima ng pamamaril na si Reynaldo Leong, 51, residente ng Brgy Singao, Kidapawan City na nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

Ayon sa report, habang papalbas ang biktima mula sa Saguing galyera o sabungan biglang nilapitan ng suspek at binaril sang biktima sa ulo.

Di pa makuntento ang suspek, binaril pa nito ng ilang beses ang biktima kahit na nakahandusay na at naliligo sa sarili nitong dugo.

Tumakas ang suspek na parang walang nangyari dahil naglalakad lang ito pa alis buhat sa crime scene.

Kapwa isinugod ang dalawang biktima sa bahay pagamutan sa Kidapawan city habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Makilala PNP kung anu ang motibo at sinu ang responsable sa nasabing krimen. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento