Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Krisis sa kuryente sosolusyunan sa pamamagitan ng ‘waste to energy technology’



(Midsayap, North Cotabato/ March 26, 2013) ---Naglatag ng solusyon kahapon sa isinagawang Power Crisis Forum ang isang pribadong organisasyon kaugnay ng nararanasang power crisis ngayon sa Mindanao partikular sa distrito uno ng North Cotabato.

Sa pamamagitan umano ng ‘waste to energy’ technology ay makakapag- generate ng karagdagang suplay ng kuryente gamit lamang ang mga organic agricultural waste.

Pagbabantay sa Peace and Order sa Kabacan; mas pinaigting sa nalalapit na kampanya; security measures sa kwaresma; inilatag rin



(Kabacan, North Cotabato/ March 26, 2013) ---Nagpadala ng karagdagang pulis personnel ang Regional Public safety battalion buhat sa Regional Police Office 12 para sa bayan ng Kabacan na tututok sa mga anti-criminality sa bayan.
Ito makaraang hiniling ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP kay Regional Director PC/Supt. Charles Calima ang dagdag na augmentation ng pulisya sa bayan dahil sa mga kriminalidad.

Dating Mayor Luz Tan; itinalagang Ambassadress for Peace ng Kabacan



(Kabacan, North Cotabato/ March 26, 2013) ---Itinalaga bilang ambassadress for Peace ng Kabacan si dating Mayor Luzviminda Tan bilang katuwang ng alkalde ng bayan na tututok sa pangunahing problema na kinakaharap ng bayan ang Peace and Order.

Ito makaraang inin-voke ang dating posisyon ng unang ginang.

Mga nagawa ni Gov. Lala sa loob ng tatlong taon; ibibida sa kanyang SOPA ngayong umaga



(Amas, Kidapawan City/ March 26, 2013) ---Kasado na ang mga programa para sa State of the Province Address o SOPA ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza na gagawin sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan city alas 9:30 ngayong umaga.

Ihahayag ng gobernador ang kanyang mga nagawa sa loob ng tatlong taong panunungkulan sa probinsiya sa loob ng siyamnapung minutong SOPA, bilang ulat nito sa bayan.

lubu-libong halaga ng cash natangay sa isang hold-up sa Kabacan



(Kabacan, North Cotabato/ March 25, 2013) ---Isang lalaki ang hinold-up sa Aglipay St. Kabacan, Cotabato kanina bandang alas dose-biente ng hapon.

Ayon sa Kabacan PNP, hinold-up umano ng dalawang di pa nakikilalang suspek ang biktima habang nagdidiliver ito ng stocks sa harap ng KASAPID building Aglipay St. Kabacan, Cotabato.

Sasakyan ni President Derije; binato ng mga raleyista


(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 25, 2013) ---Binato ng grupo ng mga rallyista ang sasakyan na minamaneho ni Jesus Antonio Jr. kanina bandang alas-7 ng umaga.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, sakay umano ng naturang sasakyan si USM administrative Assistant V Katherine Vergara, at  kasama ang driver na anak ni President Derije ng bigla itong pagbatuhin ng grupo ng mga rallyista habang sila ay papasok ng USM Compound.