by: Rhoderick Beñez
(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2014) ---Naghain na ng kasong administratibo ang pamilya Gelacio at Palencia sa mga attendant ng Lying In ng RHU Kabacan na nag-asikaso kay DXVL Newscaster Irah Palencia Gelacio sa opisina ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kahapon ng hapon.
Tinungo ng pamilya
Gelacio at Palencia ang opisina ng alkalde upang isumite ang affidavit of
complaint.
Nakasaad sa apat na
pahinang Judicial Affidavit na sinumpaan ni Anita Gelacio ang manugang ni Irah
ang mga dahilan at nangyaring kapabayaan umano ng pamunuan ng Kabacan RHU Lying
In matapos na magluwal si Irah ng sanggol.
Maliban dito,
naghain din ng kanyang dalawang pahinang affidavit of complaint ang asawa ni
Irah na si Gerald Gelacio laban kina Lina Daut, Helen Condez at Erlinda
Alcantara kaugnay sa kasong administratibo sa tanggapan ni Mayor Herlo Guzman
Jr.
Ginawa ng pamilya
Gelacio at Palencia ang hakbang makaraang wala pang nagawang aksiyon ang LGU
Kabacan sa naunang reklamo ng pamilya na panagutin o bigyan ng sanctions man
lamang ang mga attendant na Nurse at midwife matapos na namatay si Irah
Palencia Gelacio makaraang maubusan ng dugo makaraang magluwal ng sanggol noong
Hunyo a-24 dakong alas 4:55 ng madaling araw.