Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kaso ng Dengue sa bayan ng Kabacan, tumaas

(Kabacan, North Cotabato/ September 18, 2015) ---Bahagyang tumaas ang kaso ng Dengue sa bayan ng Kabacan sa buwan ng Agosto mula sa buwan ng Hulyo ngayong taong 2015.

Ayon kay RHU Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon sa panayam ng DXVL News Team, nakatala sila ng 15 kaso ng dengue sa buwan ng Agosto, mataas kung ikukumpara sa 11 sa buwan ng hulyo.

22-anyos na lalaki, kalaboso dahil sa paggamit ng ilegal na droga sa Matalam, North Cotabato.

(Matalam, North Cotabato/ September 18, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 22-anyos na lalaki matapos makuhanan ng ilegal na droga ng Matalam PNP sa brgy. Kilada, Matalam, North Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ni PCI Elias Diosma colonia ang suspek na si Esmael Lala Lumambas na taga Purok Islam, Poblacion Matalam matapos masakote ng mga otoridad.

3 katao na sumailalim sa HIV testing, naging reactive

(Kabacan, North Cotabtao/ September 18, 2015) ---Tatlo katao ang naiulat na naging reactive  sa sakit na HIV sa eksaminasyong ginawa ng Rural Health Unit ng Kabacan o RHU.

Ang resulta ay inilabas ng DOH 12 matapos ang isinagawang free screening text sa HIV/AIDS na naging bahagi ng founding Anniversary program ng Kabacan noong Agosto.

Dahil dito, nanawagan naman ang RHU sa publiko na wag mahiyang magpacheck-up sa kanilang tanggapan kung may nararamdamang sintomas ng mga STI upang malapatan ng agarang lunas.

P12K, natangay ng budol-budol gang sa isang Ginang sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 16, 2015) ---Huli na nang mapagtanto ng isang 38 anyos na ginang na nabiktima na siya ng budol-budol gang sa Kabacan Public Market alas 3:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero OIC Chief ng Kabacan PNP ang biktima na isang Joy Catedrilla, may asawa at residente ng Brgy. Ugalingan sa bayan ng Carmen North Cotabato.

Napipintong pagtama ng El Nino, pinaghahandaan na ng DA 12

(Davao City/ September 14, 2015) ---Naglatag na ng mga mitigating plan ang Department of Agriculture Regional Office 12 hinggil sa posibilidad na pagtama ng El Nino sa Rehiyon.

Sa isinagawang press conference inihayag ni DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan na batay sa forecast ng PAGASA posibleng tatami ang matinding tag-tuyot sa buwan ng Oktubre ngayong taong hanggang sa unang bahagi ng 2016.