Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

5 motorista sugatan matapos araruhin ng school bus ng USM-KCC ang kani-kanilang mga sasakyan

(Kidapawan City/ September 5, 2014) ---Limang mga motorist ang sugatan habang yupi naman ang kani-kanilang mga sasakyan makaraang araruhin sila ng School Bus ng University of Southern Mindanao-Kidapawan City campus o USM-KCC sa National Highway ng Brgy. Balindog, Kidapawan City alas 8:15 kaninang umaga.

Kinilala ng Kidaapwan City Traffic Division ang mga sugatan na sina Antonieto Gutierrez, 56-anyos drayber ng Honda TMX at angkas nitong si Jerry Aligalvis, 38, magsasaka at kapwa residente ng brgy. singao, Kidapawan City; Richard Rapusa, 32 taga Kabacan, Cotabato at drayber ng pulang

Climate Change Adaptation Forum isasagaw sa Unang Distrito ng North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ September 5, 2014) ---Nakatakdang magsagawa ng talakayan tungkol sa Climate Change Adaptation ang Philippine Information Agency o PIA Regional Office XII sa darating na September 19 ng taong kasalukyan.

Katuwang ng PIA XII sa adbokasiyang ito ang Department of Environment and Natural Resources o DENR.

47 Kabakenyos, naging recipient ng Livelihood Program ng DOLE 12

(Kabacan, North Cotabato/ September 5, 2014) ---Abot sa 47 ang naaprubahang recipient ng livelihood program ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Executive Assistant to the Mayor Yvonne Villanueva Saliling.

Mass immunization kontra tigdas at polio isinusulong sa Midsayap, North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, Cotabato/ September 5, 2014) ---Inilunsad sa bayan ng Midsayap ang Ligtas sa Tigdas at Polio mass Immunization campaign sa pangunguna ng Midsayap Municipal Health Services Office kahapon.

Target ng programa na mabakunahan ng libre ang mga kabataang edad lima pababa kontra sa mga sakit na tigdas, rubella o German measles at polio.

Stipends tinanggap na ng government interns sa Unang Distrito ng North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ September 5, 2014) ---Nagsimula nang tumanggap kahapon ng kanilang stipends ang  government interns sa Unang Distrito ng North Cotabato.

Natanggap nila ito sa pamamagitan ng local money transfer sa iba’t- ibang bayan sa PPALMA area.

Magkahiwalay na pamamaril sa Estudyante at Barangay Kagawad, sa Datu Piang, Maguindanao, patuloy na iniimbestigahan

(Maguindanao/ September 5, 2014) ---Napatay ang 15-anyos na hayskul student at barangay kagawad sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Barangay Kanguan, bayan ng Datu Piang, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ni P/Insp. Roldan Kuntong ang mga biktima na sina Datukung Kasim, 2nd year high school; at Kagawad Datuhan Kiton Haron, 36, ng Barangay Liong.

Bayan ng Kabacan, isinailalim na sa State of Calamity

(Kabacan, North Cotabato/ September 5, 2014) ---Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Kabacan matapos na ideklara ito ng Sangguninag bayan sa isinagawa nilang special session nitong Miyerkules ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News kay Vice Mayor Myra Dulay Bade ito ay bunsod na rin ng mga pagbabaha sa bayan ng Kabacan kungsaan siyam na mga barangay ang naapektuhan.

Malawakang immunization laban sa measles at polio inilungsad sa lalawigan ng Cotabato

By: Jimmy Sta. Cruz

(Amas, Kidapawan City/ September 5, 2014) ---Upang mapalakas pang lalo ang kampanya laban sa sakit na measles o German measles at polio, magkatuwang na inilungsad ng Dept. of Health o DOH at ng Integrated Provincial Health Office o IPHO ang Measles Rubella - Oral Polio Vaccine (MR-OPV) mass immunization ngayong araw sa Cotabato Province.

Ginanap ang launching ng MR-OPV mass immunization sa Matalam municipal gym kung saan binakunahan at binigyan ng measles at polio vaccine ang abot sa 150 na mga sanggol at maliliit na bata mula sa Poblacion at karatig pook ng naturang bayan.

2 Suspected Robbers, Huli sa Kabacan Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 4, 2014) ---Tiklo ang dalawang mister matapos na maaresto sa Barangay Kayaga Kabacan, Cotabato alas 10:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Romnick Fernandez, 22 taong gulang, may asawa at residente ng Alamada, North Cotabato at isang Bimboy Relos, 19 taong gulang, binata at residente ng Don Carlos, Bukidnon.

Prof. na hindi pinapasok sa tanggapan ng Office of the President ng CFCST, para sana dumalo sa gagawing accreditation, nagreklamo

(Arakan, North Cotabato/ September 4, 2014) ---Dismayado ngayon si Dr. Harris Sinolinding ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST matapos na hindi ito pinapasok sa gagawin sanang accreditation sa nasabing paaralan kahapon ng umaga.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay Dr. Sinolinding pinatawag umano siya ng Pangulo ng CFCST upang dumalo sa gagawing accreditors meeting bilang bahagi ng accreditors team ng AACUP sa tanggapan ni Dr. Samson Molao, pangulo ng CFCST.

Kinalasan ng Live-In Partner; 30-anyos na lalaki, nag patiwakal sa bayan ng Antipas

(Antipas, Cotabato/ September 4, 2014) --- Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 30-anyos na lalaki makaraang magbigti matapos na kalasan ng kanyang live-in partner sa inuukupahang bahay nito sa Brgy. Poblacion, Antipas, Cotabato alas 4:20 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Noel Salamanca, 30-anyos residente ng nabanggit na lugar.

Daan-daang mga kabataan nabigyan ng bakuna hinggil sa Mass Measles Immunization sa kick-off activity sa Kabacan Kahapon

(Kabacan, North Cotabato/ September 4, 2014) ---Nagsimula ng magbakuna ang pamunuan ng Rural Health Unit ng Kabacan sa daan-daang mga kabaatan hinggil sa Mass Measles Immunization sa isinagawang Kick –off Activity kahapon.

Ayon kay Kabacan Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon abot sa 437 na mga kabataan ang nabigyan ng Measles Immunization sa anim na barangay.

Mga baril, bala at granada; nakuha sa 2 carnapper na naaresto ng Kabacan PNP

(KAbacan, Cotabato/ September 3, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang dalawang mga pinaniniwalaang carnappers makaraang maaresto sa isinagwang mobile checkpoint sa bisinidad ng brgy. Lower Paatan, Kabacan, Cotabato alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga naaresto na sina Dany Bansilan Alias Mustafa Macalnas, nasa tamang edad at residente ng Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao habang kinilala naman ang isa pang kasama nito na si Faisal Sambutol Bansilan, residente ng Plang Village, USM Compound, Poblacion, Kabacan.

Mag-ina, bumili ng pagkain, pinabulagta!

(Cotabato City/ September 3, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-ina makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa hangganan ng Bagua 1 at Bagua 2, Cotabato City alas 8:50 kaninang umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Saimona Abdulla Dimatingkal, 42 at anak nitong si Saada Dimatingkal, 4 years old, residente ng brgy. Timako, ng lungsod.

Sunod-sunod na holdapan sa Kidapawan City, ikinaaalarma na; CCTV, ikinabit na rin sa mga pangunahing lugar sa lungsod para makatulong na makasugpo ng kriminalidad


(Kidapawan City/ September 3, 2014) ---Nagpalabas na ng deriktiba si Kidapawan city mayor Jospeh Evangelista sa mga kapulisan na tugisin ang mga nasa likod ng sunod-sunod na holdapan sa Kidapawan City.

Ito makaraang maalarma na ang ilang mga residente ng lungsod sa nasabing insidente.

Inatasan na rin ng punong ehekutibo ang kapulisan na alamin kung sino ang mga nasa likod ng sunod-sunod na holdapan sa lungsod at arestuhin ang mga ito.

Bayan ng Kabacan, posibleng isailalim sa State of Calamity dahil sa nakaraang pagbabaha; mga naapektuhang pamilya sumampa na sa mahigit sa 2 libu

(Kabacan, Cotabato/ September 3, 2014) ---Nagpapatuloy pa ngayon ang ginagawang validation ng pamunuan ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Kabacan sa mga lugar na sinalanta ng pagbabaha.

Ayon kay MSWDO Head Susan Macalipat sa panayam ng DXVL News abot na sa 2,903 na pamilya ang naapektuhan ng pagbabaha o katumbas sa 14,515 na mga indibidual buhat sa siyam na mga barangay na niragasa ng baha simula pa nitong nakaraang linggo.

Centennial ng Cotabato patunay raw na malayo na ang narating ng lalawigan – ayon kay DOJ Sec. Leila De Lima

By: Jimmy Sta. Cruz

 AMAS, Kidapawan City (Sep 3) – Humanga ang panauhing pandangal ng pagdiriwang ng centennial o ika-100 taon ng Cotabato na si Department of Justice Secretary Leila De Lima sa narating ng probinsiya sa larangan ng pagbabago at pag-unlad.

Ayon kay De Lima, maraming dahilan kung bakit nararapat na magdiwang ang lalawigan sa centennial nito at kabilang rito ay ang pagkakaroon ng mahusay na lider sa katauhan ni Gov. Emmylou “Lal” J. Taliño-Mendoza na halimbawa raw ng magaling na pinuno na nagsusulong ng reporma at kaunlaran.

Sa kanyang mensahe sa  culmination program na dinaluhan ng humigit-kumulang sa 50,000 katao, sinabi ni De Lima na may mas malalim na kahulugan ang ika-100 taon ng lalawigan at ito ay hindi hanggang numero lamang.

Binigyang-diin ng Kalihim na ang Cotabato ay may mga pinuno na tunay na nagsusulong ng pagbabago kung kaya’t masasabing ang lalawigan ay handang-handa na sa lahat ng mga pagsubok o hamon.

Pagkakapatiran sentro ng mensahe ng dating gobernador ng Cotabato Empire Province

By: Roderick Rivera Bautista

(Amas, Kidapawan City/ September 3, 2014) ---Sinariwa ni dating Cotabato Empire Province Governor Simeon Datumanong ang malalim na pagkakapatiran ng mga Lumad, Muslim at Christian Settlers sa kanyang talumpati sa Culmination Program ng ikasaandaang anibersaryo ng Lalawigan ng Cotabato kahapon.

Sa harap ng libu- libong tao ay binigyang- diin ni Datumanong na sa panahon ng kaniyang pamumuno ay nakita niya ang pagkakaisa at ugnayan ng mga mamamayan sa buong imperyo ng Cotabato.

Pagkakapatiran sentro ng mensahe ng dating gobernador ng Cotabato Empire Province

By: Roderick Rivera Bautista

(Amas, Kidapawan City/ September 3, 2014) ---Sinariwa ni dating Cotabato Empire Province Governor Simeon Datumanong ang malalim na pagkakapatiran ng mga Lumad, Muslim at Christian Settlers sa kanyang talumpati sa Culmination Program ng ikasaandaang anibersaryo ng Lalawigan ng Cotabato kahapon.

Sa harap ng libu- libong tao ay binigyang- diin ni Datumanong na sa panahon ng kaniyang pamumuno ay nakita niya ang pagkakaisa at ugnayan ng mga mamamayan sa buong imperyo ng Cotabato.

PDRRMC, Nag papaalala sa publiko na maging alerto sa lahat ng oras

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 3, 2014) ---Muling nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council sa publiko na maging alerto sa lahat ng oras.

Ginawa ni PDRRMC Head Cynthia Ortega ang pahayag sa DXVL News matapos ang nararanasang mga pagbabaha sa limang mga bayan sa lalawigan ng Cotabato.

Dengue Shock Syndrome, dahilan ng pagkamatay ng 6-anyos na bata sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ September 2, 2014) ---Tinamaan ng dengue shock syndrome ang isang anim na taong gulang na bata dahilan ng pagkamatay nito.

Unang naisugod sa ospital sa Kidapawan ang biktimang si Jolly Mansera ng Madrid Subdivision ng lungsod.

DepEd Cotabato, nagdadalamhati sa pagpaslang sa District Supervisor ng Midsayap

(Kabacan, North Cotabato/ September 2, 2014) ---Nagpaabot ngayon ng pakikiramay ang pamunuan ng Department of Education Cotabato Division sa pamilya ng napatay na DepEd Supervisor sa Midsayap, Cotabato.

Ito ang ipinarating ni Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya agad namang nagbigay ng tulong pinansiyal ang Division ng Cotabato at nagpalabas na rin ng deriktiba si Obas sa lahat ng sakop nito na magbigay ng tulong, panalangin at bulaklak sa mag asawang biktima ng pamamaril.

P8.00 na singil pasahe, aprubado na sa isinagawang public hearing sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 2, 2014) ---Bagama’t pasado na sa isinagawang public hearing ang dagdag singil na P1.00, hindi pa maaring makasingil ngayon ang mga tricycle draybers at operators.

Ito dahil sa di pa dumaan sa tatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala. 

Ayon sa sangguniang bayan, epektibo ang paniningil ng mga ito sampung araw matapos na maaprubahan sa Sanggunian ang nasabing petisyon.

Validation sa mga crops at mga pamilyang naapektuhan ng pagbabaha sa bayan ng Kabacan, patuloy na isinasagawa ng MDRRMC

(Kabacan, Cotabato/ September 2, 2014) ---Iginiit ng tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na patuloy pa ngayon ang gingawa nilang validation sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbabaha sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi ni MDRRMC Head David Don Saure na posibleng ngayong araw pa makapag sumite ng kumpletong data ang MSWDO at DA sa mga pinsalang naiwan ng baha sa bayan ng Kabacan.
Dahil dito, nilinaw ng MDRRMC Kabacan na wala pang tulong na naiaabot ang LGU dahil sa binahang residente.

Mga miyembro ng NPA, sumalakay sa Arakan, Cotabato; brgy. hall tinadtad ng bala

By: Mark Anthony Pispis

(Arakan, Cotabato/ September 2, 2014) ---Nag iwan ng pinsala sa Barangay Hall at natamaan pa ng mga stray bullets ang isang kalabaw ng paulan ng bala ng mga miyembro ng NPA ang elemento ng kasundaluhan sa Barangay Caridad, Arakan North Cotabato alas 9:30 ng gabi kamakalawa.

Ayon sa report, nagsasagawa umano ng Peace Development Outreach Program ang mga elemento ng sundalo sa ilalim ng 57th IB, ng paulanan sila ng bala ng Rebeldeng grupo.
Natamaan ang ilang parti ng Barangay Hall ng nasabing Barangay pati ang kalabaw na nakatali malapit ditto.

Grupong Midiyayong ng Midsayap, wagi sa Centennial Street dancing at Showdown competition provincial category; Mati City kampeon naman sa Mindanao-Open category

(Amas, Kidapawan City/ September 2, 2014) ---Tinanghal na kampeon ang Grupong Midyayong ng Midsayap Dilangalen National High School sa katatapos lamang na Kalivungan Festival Street Dancing and Showdown competition sa Provincial Sports Complex, Amas, Kidapawan City ngayong araw sa pagdiriwang ng ika-100 taon o centennial ng Cotabato.

Nanguna ang Grupong Midyayong sa score sheets ng mga judges dahil sa performance kabilang ang mahusay na synchronization, coordination, style at execution.

Nag-uwi ng premyong P150,000 at trophy ang Grupong Midyayong ng Midsayap mula sa Provincial Government of Cotabato.

Dept of Justice Secretary Leila de Lima panauhing pangdangal ng centennial ng Cot Province, pinakaaabang Street Dancing and Showdown competition gaganapin na bukas

AMAS, Kidapawan City (September 1) – Darating sa Cotabato Province si Dept. of Justice Secretary Leia De Lima bilang panauhing pandangal ng ika-100 anibersaryo ng lalawigan bukas Sep. 1, 2014.

Inaasahan ang presensiya ni De Lima sa provincial grandstand bago mag-tanghali bukas upang magbigay ng mensahe sa mahalagan okasyon ng Cotabato.

USM, itinanghal na kampeon sa katatapos na Provincial Skills competition

(USM, Kabacan, Cotabato/ September 1, 2014) ---Nakuha ng University of Southern Mindanao ang kampeonato sa katatapos na Provincial Skills competition sa larangan ng tourism sector na isinagawa sa USM Compound, Kabacan, Cotabato nitong Sabado.

Sa ulat ni event Coordinator Shirl Mae Malacad Bebit na naka-kuha ng 230 points ang USM sinundan ng University of Southern Mindanao-Kidapawan City Campus ng 160 Points na itinanghal na 1st Runner up habang 70 points naman ang nakuha ng I-Link College of Science and Technology.

MDRRMC Pikit, patuloy na naka alerto sa anumang kalamidad sa lugar, mga binahang barangay sumampa na sa 19

(Pikit, North Cotabato/ September 1, 2014) ---Pumalo pa sa 19 na mga barangay ang sinalanta ng tubig baha dahil sa nakaraang pagbuhos ng malakas na ulan sa bayan.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Pikit MDRRMC Head Tahira Kalantongan kasabay ng pagtitiyak nito na nakahanda ang kanilang tanggapan sa anumang kalamidad.

Mga pamilyang naapektuhan ng pagbabaha sa bayan ng Kabacan, madadagdagan pa

(Kabacan, North Cotabato/ September 1, 2014) ---Abot sa sampung mga barangay sa bayan ng Kabacan ang nalubog sa tubig baha nitong nakaraang araw matapos ang sunod-sunod na pagbuhos ng ulan sa bayan at mga karatig na lugar.

Ito ang kinumpirma ng tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa panayam ng DXVL News kahapon.

Special Non-Working Day, ideneklara sa buong lalawigan ng Cotabato hinggil sa ika-100 anibersaryo ngayong araw

(Amas, Kidapawan City/ September 1, 2014) ---Deklaradong Special Non-working day sa buong lalawigan ng Cotabato kaugnay sa pagdiriwang ng Araw ng Cotabato ngayong Setyembre a-uno.

Sa isang kalatas na ipinalabas ng Provincial Government ang naturang deklarasyon ay nakabatay sa Proclamation # 868 ng Office of the Executive Secretary Pachito Ochoa Jr. sa Malakanyang.