(Kabacan, Cotabato/ September 2, 2014) ---Iginiit
ng tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na
patuloy pa ngayon ang gingawa nilang validation sa mga pamilyang naapektuhan ng
pagbabaha sa bayan ng Kabacan.
Ito ang sinabi ni MDRRMC Head David Don
Saure na posibleng ngayong araw pa makapag sumite ng kumpletong data ang MSWDO
at DA sa mga pinsalang naiwan ng baha sa bayan ng Kabacan.
Dahil dito, nilinaw ng MDRRMC Kabacan na
wala pang tulong na naiaabot ang LGU dahil sa binahang residente.
Dahil dito, patuloy pa ang beripikasyon ng
LGU at sa tulong ng Sangguniang bayan ay maaring magdeklara ng under state of
Calamity ang bayan upang magamit ang pondo sa pagbibigay tulong mga mga
sinalanta ng pagbabaha.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Kabacan Quick
Response Team Latip Akmad ng MSWDO Kabacan na ang tulong na kanilang naibigay
ay doon lamang sa mga armed conflict affected families na nagsilikas dahil sa
presensiya ng armadong grupo sa brgy. Pedtad, pero ang tulong sa mga residenteng
binaha ay hindi pa dumating. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento