Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

LGU Kabacan; bumalangkas ng Oplan USM para tutukan ang krisis na kinakaharap ng Unibersidad


(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 5, 2013) ---Matapos bumalangkas ng mga posibleng solusyon ang Municipal Peace and Order Council ng LGU Kabacan nitong nakaraang linggo hinggil sa nagpapatuloy na gusot sa University of Southern Mindanao.

Nagpalabas ngayon ng isang “open letter” si Kabacan Mayor George Tan ng kanyang binuong oversight committee, bilang chairman para bigyang pansin ang krisis sa USM.

Isang Paaralan sa Midsayap, Cotabato; pinasabugan


(Midsayap, North Cotabato/ April 5, 2013) ---Pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga grupong armado ang isang Paaralan sa bayan ng Midsayap dito sa lalawigan ng Cotabato alas 11:00 kagabi.

Ayon kay North Cotabato PNP Provincial Director SSupt Danilo Peralta na pinaputukan ng bala ng m203 grenade launchers ang Kapinpilan Annex High School sa Brgy Kapinpilan ng nasabing bayan.

K5-isang NGO sa Kabacan, magsasagawa ng pre election activity kabilang na ang Peace Pact-signing sa mga lokal na kandidato ng Kabacan; bukas


(Kabacan, North Cotabato/ April 5, 2013) ---Magsasagawa ang Kilusan tungo sa Kapayapaan, Kalinisan at Kaunlaran ng Kabacan o K5 ng Voter’s Education, Peace Pact Signing at Candidates forum para sa mga kandidato sa Municipal Level na gagawin sa Notre Dame of Kabacan Inc. Pavilion bukas.

Ayon kay NDKI Peace and Advocacy Coordinator James Anthon Molina, magsisimula ang registration alas 8:00 ng umaga bukas.

Volunteer Marshall; ilalagay ng mga grupo ng raliyesta sa araw ng graduation sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 4, 2013) ---Iginiit ngayon ng kampo ng mga raliyesta na bukas ang USM Main gate para di magambala ang nagpapatuloy na enrollment ng mga mag-aaral ngayong summer. 
                                                                                                                  
Ito ang inihayag ngayong umaga sa DXVL radyo ng Bayan ni Dr. Alimen Sencil, tagapagsalita ng grupo ng raliyesta.    

Mga grade 5 Pupils sa Arakan, North Cotabato; isailalim sa Summer Peace Kids Camp ngayong araw



(Arakan, North Cotabato/ April 4, 2013) ---Abot sa higit sa dalawang libung mga mag-aaral ng grade 5 buhat sa iba’t-ibang mga elementary sa Arakan ang inaasahang sasailalim sa tatlong araw na Summer Kids Peace Camp na magsisimula ngayong araw.

Layunin ng programang ito na maturuan ang mga kabataan tungkol sa kapayapaan at respeto sa bawat isa.

PPALMA One Rice Mill Association, isinusulong sa North Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/ April 3, 2013) ---Nagsagawa ng inisyal na hakbang ang Project Management Office ng PALMA-PB Alliance of Municipalities kaugnay ng iminumungkahing solusyon sa krisis ng kuryente.

Sinabi ni PALMA-PB Project Manager Orly Maraingan na may ginawa na silang ‘mapping’ ng malalaki at maliliit na rice millers sa buong distrito.

Reklamo hinggil sa mga campaign materials na nakakalat sa daan nakarating na sa Provincial Comelec ng North Cotabato


(North Cotabato/ April 3, 2013) ---Nakarating na kay COMELEC North Cotabato Acting Provincial Supervisor Atty. Kendatu Lagialam ang mga reklamo laban sa mga campaign materials na nakakalat sa daan.

Pero ayon kay Lagialam, wala pang formal complaint na isinampa sa kanyang tanggapan patungkol sa naturang mga reklamo.

NPA at militar nagkasagupa sa Makilala, North Cotabato


(Makilala, North Cotabato/ April 3, 2013) ---Nagkasagupa ang tropa ng 57th IB ng Philippine Army at New People’s Army sa Barangay Bulatukan, Makilala, North Cotabato noong Huwebes, isang araw bago ang anibersaryo ng pagkakatatag ng NPA.
Ayon kay Lt, Nasrullah Sema, Civil Military Operations Officer ng 57th IB, namataan ng army ang isang grupo ng armadong kalalakihan sa isang liblib na lugar ng barangay Bulatukan, alas dose ng tanghali noong Huwebes Santo.

Katawan ng lalaki na biktima ng salvaging natagpuan sa highway sa Makilala, N Cotabato



(Makilala, North Cotabato/April 3, 2013) ---Natagpuan duguan pero wala nang buhay ang katawan ng isang ‘di pa kilalang lalaki sa may Cotabato-Davao national highway, particular sa Makilala, North Cotabato, alas-6 ng umaga kahapon.
      
Ayon kay Inspector Rizal Alolod, hepe ng Makilala PNP, may tatlong tama sa ulo at tiyan ang lalaki.
      
Nang makita raw nila ang bangkay, balot pa ng masking tape ang mukha at nakatali ang mga kamay.
      

Mga residente ng ilang mga barangay sa Kidapawan City at Magpet, North Cotabato naalarma sa presensiya ng mga naka-bonnet at armadong kalalakihan


(North Cotabato/ April 3, 2013) ---Ilang beses na raw namataan ng mga residente ng mga barangay ng Bongolanon at Magcaalam sa Magpet at sa mga barangay ng Balabag at Perez sa Kidapawan City ang mga armadong grupo na umiikot sa kanilang lugar.

Bitbit daw ng mga ito ang iba’t-ibang uri ng armas at tila nag-momonitor sa mga barangay na pinapasok nila.

Kidapawan City PNP, may lead ng sinusundan sa serye ng holdapan sa lungsod


(Kidapawan City/ April 3, 2013) ---May mga suspect nang sinusundan ang Kidapawan City PNP sa serye ng hold-up sa Kidapawan City.

Ayon kay Supt. Joseph Semillano, Police Director ng Kidapawan City, iisa ang grupong nang holdap sa tatlong business establishment sa lungsod.

Isang organisasyon ng Lumad sa North Cotabato; magsasagawa ng fact-finding mission hinggil sa pagkamatay ng kanilang kasama


(Makilala, North Cotabato/April 3, 2013) ---Isasagawa ng Katribu, isang organisasyon ng mga Lumad sa North Cotabato ang isang fact-finding mission kaugnay ng pagkamatay ni Junnie Antac at pagkakasugat ni Roel Igkil sa Barangay Buhay, Makilala, North Cotabato noong nakaraang buwan.

Ayon sa Katribu, sadyang pinaslang si Igkil matapos na pumasok ito sa liblib na bahagi ng Brgy. Buhay para mag hunting.

Bakwet dumani sa sagupaan ng militar at BIFM sa Maguindanao


(Maguindanao, April 3, 2013) ---Mas dumami pa ngayon ang mga sibilyan na nagsilikas dahil sa takot na muling sumiklab ang sagupaan sa lalawigan ng Maguindanao.

Matatandaan na dakong 9 kagabi sinalikay ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) ang detachment ng militar sa brgy Pagatin,Datu Piang Maguindanao.

Tumagal ng kalahating oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig dahilan ng pagsilikas ng libo-libong mga residente.

Kandidato ng UNA sugatan makaraang tinambangan sa North Cotabato


(Banisilan, Cotabato/ April 3, 2013) ---Tatlo ang sugatan ng tambangan ng mga armadong grupo ang isang kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) kahapon dakong alas 5:20 ng hapon sa lalawigan ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Banisilan Municipal Councilor Bobby Radjamuda na tumatakbo sa ikalawang termino nito sa ilalim ng UNA,sugatan naman ang kasama nitong sundalo na si Sgt Vernie Hollero ng 40th Infantry Battalion Philippine Army at driver na si Bobby Delfin.

USM Main gate, muling binuksan ng mga raliyesta kahapon ng hapon


(USM, Kabacan, North Cpotabato/ April 2, 2013) ---Para bigyang daan ang recognition day ng University Laboratory School ngayong araw, napagdesisyunan kahapon ng hapon ng Federation of Organization to Oust Derije  o FOOD ang muling pagbubukas sa USM Main gate alas 4:30 ng hapon kahapon.

Ito ayon kay Mr. William dela Torre, isa sa mga tumatayong lider ng mga nag-rarally sa University of Southern Mindanao.

2 mag-tutuba sa Kabacan, patay sa mga carnapper


(Kabacan, North Cotabato/ April 2, 2013) ---Carnapping o agaw motorsiklo ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa pamamaslang sa dalawang magtutuba na natagpuang patay sa Presto Sugarcane, Brgy. Sanggadong, Kabacan, Cotabato alas 12 ng tanghali kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Michael Kagot at Tom Gabuyog nasa tamang edad at tuba vendor kapwa mga residente ng Sitio Liton, brgy. Kayaga ng bayang ito.

Buy and Sell sa Kabacan, hinold-up; di matukoy na halaga ng cash, natangay


(Kabacan, North Cotabato/ April 2, 2013) ---Hinold-up ng dalawang mga di pa nakilalang mga salarin ang Garcia Agri Buy and Sell na nasa National Highway, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato ala 1:30 kahapon ng hapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP tinutukan ng baril ang may ari ng nasabing establisiemento na si Geraldine Garcia nasa tamang edad.

Mga mangingisda sa lalawigan ng North Cotabato nakinabang sa fingerling dispersal ng OPA


(Amas, Kidapawan City/ April 2, 2013) ---Libu-libong mga fingerlings ang ipinamahagi sa mga fisherfolks sa lalawigan ng North cotabato sa unang quarter ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Fisheries Chief Division Magdalena Gasang ang fingerlings dispersal ay isinagawa sa kanilang tanggapan na nasa Capitol compound, Amas, Kidapawan City.

36-anyos na lalaki, patay sa pamamaril sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ April 2, 2013) ---Patay ang isang 36-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng tatlong mga di pa nakilalang mga salarin sa Purok 2, Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 10:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Jerry Palen residente ng nabanggit na lugar.

Negosyante, pinagbabaril patay sa loob ng “Peryahan” sa bayan ng Tulunan



(Tulunan, North Cotabato/ April 1, 2013) ---Patay ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang armadong riding in tandem sa loob ng peryahan’  sa bayan ng Tulunan, Cotabato, pasado alas 12 kaninang madaling araw.

Kinilala ni Senior Inspector Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Marcial Ylanan may ari ng isang negosyo sa loob ng nasabing peryahan.

5 kawani ng OPA, ginawaran bilang Outstanding Agricultural Extension Workers



(OPA, Amas, Kidapawan City/ April 1, 2013) ---Kamakailan ay pinarangalan ang limang kawani ng Office of the Provincial Agriculturist bilang mga Outstanding Agricultural Extension Workers sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Mismong si Secretary Proceso J. Alcala ang nag-abot ng parangal kina Provincial Agriculturist Engr. Eliseo M. Mangliwan, Dr. Sustines Balanag, Dr. Lucita Daval, Ms. Judy Gomez at Mr. Allan Coronado. Ang parangal na ito ay bahagi ng Agri-Pinoy Rice Achiever’s Award, ito ayon sa report ni OPA Correspondent Ruel Villanueva.

Graduation sa USM, itinakda sa April 13; enrollment sa summer class, simula na ngayong araw



(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 1, 2013) ---Bagama’t walang pang tiyak na venue kungsaan gagawin ang graduation ng mga graduating students para sa school year na ito ng University of Southern Mindanao, tuloy naman ito sa April 13.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni OIC Dr. Teresita Cambel sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.

PNP at Comelec sa North Cotabato, magsasagawa ng coordinated conference sa pagsisimula ng kampanya sa lokal



(CPPO, Amas, Kidapawan City/ April 1, 2013) ---Umarangkada na nitong Sabado ang unang araw ng pangangampanya sa lokal na posisyon.

Ngayong araw, magsasagawa ng coordinated conferences ang kada hepe ng PNP ng munisipyo at Comelec election Registrar sa bawat bayan para tiyaking maayos, tapat at malinis ang gagawing halalan sa Mayo.

Oplan Sumvac, itinatag ng Provincial Police para ngayong summer



(CPPO, Amas, Kidapawan City/ April 1, 2013) ---Itinatag ngayon ng Cotabato Police Provincial Office ang Oplan Sumvac o Summer Vacation bilang paghahanda ng hanay ng PNP ngayong summer season.

Ito ang sinabi ni Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Pagdiriwang ng Semana Santa sa bayan ng Kabacan, naging matiwasay sa Kabuuan



(Kabacan, Cotabato/ April 1, 2013) ---Sinabi ngayon sa DXVL Radyo ng Bayan ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP na naging matiwasay sa kabuuan ang pagdiriwang ng Semana Santa sa bayan ng Kabacan.

Aniya simula Huwebes santo hanggang sa Pasko ng pagkabuhay kahapon ay naging mapayapa at tahimik ang bayan.

Mga estudyante ng USM na lulan ng multicab na nahulog sa bangin; nakalabas na ng ospital matapos masugatan



(Carmen, North Cotabato/ April 1, 2013) ---Sugatan ang 11 mga estudyante ng University of Southern Mindanao o USM makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyang multicab sa Brgy. Kitulaan, Carmen, North Cotabato alas 12:30 ng tanghali nitong Miyerkules.

Ayon sa report galing umano ng Brgy. Liliongan ang mga estudyante na scholars ng Partnership for Youth Leadership Enrichment, Inc. (PYLE) ng magsagawa ang mga ito ng tree planting activity.