Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PNP Director General bumisita sa bayan ng Alamada at nanguna sa proyekto ng pangangalaga ng kalikasan


(Alamada, North Cotabato/August 18, 2012) ---Bumisita sa bayan ng Alamada, North Cotabato ang pinakamataas na opisyal ng Phil. National Police sa buong bansa kasama ang kanyang maybahay upang pangunahan ang isang proyektong mangangalaga sa kalikasan.

Nanguna si PNP Director General Nicanor Bartolome at ni Dra. Noimie Bartolome sa isang tree planting activity kasama ang PNP Ladies Club at iba pang opisyal ng PNP.

EDC tutol sa plano na bigyan ng direktang linya ang Cotelco mula sa itatayong geothermal power plant sa Mt Apo


(Kidapawan city/August 18, 2012) ---Tutol ang Energy Development Corporation o EDC na bigyan ng direkta at hiwalay na linya ang Cotelco mula sa itatayong geothermal power plant sa Mount Apo.
       
Sinabi ni EDC president at chief operations officer Richard Tantoco na kapag ‘embedded’ na ang koneksyon ng planta sa Cotelco, tiyak, hindi na magiging ‘financially viable’ ang proyekto.
       
Paliwanag ni Tantoco na sa mga nauna’ng pag-uusap ng EDC sa Cotelco, abot lamang sa 20 megawatts ng kuryente ang bibilhin ng kooperatiba mula sa Mindanao-3 geothermal power plant.

Drug courier na kamag-anak ng brgy opisyal sa Kabacan; huli sa buybust raid ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/August 18, 2012) ---Huli ang isang Rahib Mamaluba, nasa tamang edad at residente ng Mapanao extension, Pobalcion, kabacan alas 8:30 kamakalawa ng gabi.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek si Supt. Raul Supiter, hepe ng kabacan PNP, Task Force Chrislam head P/Insp. Tirso Pascual kasama si P/Insp Rolando Dillera at ilang mga elemento ng Kabacan MPS.

Vendors’ associations sa Midsayap, sumailalim sa business management and skills enhancement training


(Midsayap, North Cotabato/August 18, 2012) ---Nagpapatuloy sa unang distrito ng North Cotabato ang Community- Based Basic Business Management and Skills Enhancement Training sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Partikular na sumabak sa dalawang araw na training ang Midsayap Umbrella Vendors Association at Midsayap Sidewalk Vendors and Jambolers’ Association.

3 special detainees, binigyang prayoridad sa bagong pasinayang District Jail Annex ng provincial government



(Amas, Kidapawan City/August 16, 2012) ---Dahil sa lumulubong bilang mga mga inmates sa Cotabato Provincial Jail, iginiit ngayon ni Cotabato Governor Emmylo “Lala” Talino Mendoza na mabigyan ng prayoridad ang tatlong mga special detainees ng probinsiya.

Ito ang pagtitiyak ng gobernadora kasabay ng isinagawang pagpapasinaya ng bagong North Cotabato District Jail Annex sa Amas, Kidapawan City kahapon ng hapon.

1 libung mga mangingisda malapit sa liguasan marsh, nabiyayaan ng gill nets mula sa provincial government



(Amas, Kidapawan city/August 16, 2012) ---Abot sa isang libung mga residente na malapit sa Liguasan Marsh ang nabigyan ng gill nets mula sa provincial government ng North Cotabato kahapon.

Ang nasabing distribution ay isinagawa sa provincial gymanasium kungsaan pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang nasabing seremonya.

Iba’t-ibang sektor, grupo o indibidwal hinikaya’t na mag-donate ng dugo sa gagawing blood letting activity ngayong araw sa Kabacan



(Kabacan, North Cotabato/August 16, 2012) ---Hinikaya’t ngayon ng pamunuan ng Kabacan Rural Health Unit ang lahat na sektor, mapa-indibidual man o grupo na magbigay ng dugo sa gagawing Bloodletting, isang voluntary blood donation bilang bahagi ng aktibidad ng 65th founding Anniversary ng bayan ng Kabacan.

Ayon kay Disease Surveillance Officer Honey Joy Cabellon, gagawin ang bloodletting ngayong araw sa Municipal Plaza ng bayan kungsaan pangungunahan ito ng Philippine National Red Cross- Cotabato Chapter.

3 mga estudyante ng USM, nalason sa kinaing patel



(Kabacan, North Cotabato/August 16, 2012) ---Nangingitim at sumama ang pakiramdam ng dalawa sa tatlong mga estudyante ng University of Southern Mindanao makaraang dinala sa USM Hospital nitong Lunes matapos malason ng kinaing patel.

Sa report, kinilala ang mga biktima na sina Chem Dumlao Oyagsan, 20, residente ng brgy Bannawag, Jordan Ardanie, 17 residente ng bayan ng M’lang at ang isa pang estudyante rin ng USM na di pa nakilala.

IED, natagpuan ng isang magsasaka na itinago sa dayami sa isang sakahan sa Sitio Lumayong, Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 14, 2012) ---Isang High Explosive na Improvised Explosive Device o IED ang natagpuan ng isang magsasaka sa bagong ani nitong palayan sa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 4:50 kahapon ng hapon.

Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing ied ay nakasilid sa isang malaking cellophane at itinanim umano sa mga dayami ng bagong aning palay.

Negosyante, na-hold-up sa Kabacan; 2 mga anak nito na trauma


(Kabacan, North Cotabato/August 14, 2012) ---Nahold-up ang isang 36-anyos na negosyante ng mga di pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa may Brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Wilma Pajarillo, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Brgy kagawad sugatan sa isang shooting incident sa Matalam, NCot; Granada sumabog


(Matalam, North Cotabato/August 14, 2012) ---Kritikal  ang kondisyon ng kagawad ng Barangay Marbel sa bayan ng Matalam, North Cotabato matapos pagbabarilin ng ‘di kilalang mga lalaki sa loob ng public market, pasado alas dyes ng umaga, kahapon.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan niya ang biktima na kinilalang si Bong Palalay, kagawad ng Barangay Marbel.

Sec. Jessie Robredo; binisita ang bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 13, 2012) ---Nakipagpulong si DILG Secretary Jessie Robredo sa ilang mga lokal na opisyal ng bayan ng Kabacan ngayong araw.

Kabilang sa kanilang napag-usapan ay hinggil sa peace and order ng bayan ng Kabacan matapos na napaulat ang diumano’y banta ng pambobomba at ang panibagong pagpasabog ng 40mm grenade

Suspected drug courier arestado sa buy-bust raid sa Kidapawan City


(Kidapawan City/August 13, 2012) ---Arestado ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP, sa pangunguna ng intelligence division, ang suspected drug courier na si Juanday Sarip, 27, kilala sa alias na ‘Anep’, sa isang buy-bust raid sa loob mismo ng Mega Market sa lungsod, alas-dos ng hapon, kahapon.
     
Nakumpiska mula sa suspect ang tatlong sachet ng shabu, marked money, at ilang drug paraphernalia.
     
Sa raid na ginawa ng PNP sa palengke, napatunayan ng mga awtoridad na maging ang public market ng lungsod sentro rin ng operasyon ng illegal na droga.

Pagtawag sa kanilang grupo na ‘prente’ ng NPA pinasinungalingan ng Kabataan-North Cotabato


(Kidapawan City/August 13, 2012) ---Hindi na maitatago ang desperasyon ng reaksyonaryong gubyerno sa patuloy na pagsasakatuparan ng minatamis nitong kontra-insurhensiyang OPLAN BAYANIHAN maging ang mga pampublikong mga pamantasan ay kabilang na sa mga pinapasok ng mga ito upang ipalaganap ang bulok at pasibo nitong mga paniniwala.
Ito ang ginawang pahayag ng Kabataan Partylist sa isinagawang forum ng mga sundalo.

Kungsaan, tinawag na pangha-harass at ‘black propaganda’ ng Army ang pagtawag sa Kabataan party-list North Cotabato at iba pang grupo’ng maka-kaliwa na prente ng ‘New Peoples’ Army’ o NPA.
      
Itinuring din ni Rey Morante, coordinator ng Kabataan party-list sa North Cotabato, ang forum na ginawa noong Biyernes ng 10th Infantry Division ng Philippine Army sa USM Kidapawan City campus, na isang uri ng ‘pagba-balatkayo’ at ‘panlilinlang’.

Brgy. Tanod patay sa sagupaan ng mga rebeldeng grupo sa Midsayap, North Cotabato



(Midsayap/August 13, 2012) ---Pinasok ng tinatayang 50 armadong kalalakihan ang barangay Ulandang sa bayan ng Midsayap North Cotabato .

Ito ay nagresulta sa bakbakan ng mga armado at barangay tanod sa lugar.

Nasawi sa bakbakan ang isang barangay tanod at pagkakasunog ng ilang bahay sa nabanggit na barangay.

Grupo ng BIFF, itinuturong nasa likod ng panibagong pagsabog sa Kabacan



(Kabacan, North Cotabato/August 13, 2012) ---Kagagawan umano ng mga tagasuporta ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) ang tatlong magkakasunod na pagsabog sa lalawigan ng North Cotabato at Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Ang unang pagsabog ay naitala nitong Biyernes ng gabi dakong alas-7:40 sa Barangay Crossing Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguinadanao malapit sa airport at 6th ID headquarters.