(Amas,
Kidapawan city/August 16, 2012) ---Abot sa isang libung mga residente na
malapit sa Liguasan Marsh ang nabigyan ng gill nets mula sa provincial
government ng North Cotabato kahapon.
Ang
nasabing distribution ay isinagawa sa provincial gymanasium kungsaan
pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang nasabing
seremonya.
Tatlumpu’t
tatlong mga Barangay sa probinsiya ang nabigyan ng nasabing gill nets, ito ayon
kay Chief Fisheries Division ng Office of the Provincial Agriculturist
Magdalena Gasag.
Kabilang
sa mga bayan na ito ang Pikit na may siyam na
brgy, Pigcawayan-12, Kabacan-1 at ang bayan ng Carmen-1.
Sa
kanyang mensahe, sinabi ni Mendoza na ang nasabing distribution of gill nets sa
mga magsasaka ay bilang bahagi ng peace initiatives ng provincial government at
ang pagtutok din nito sa pankabuhayan ng mga residente sa mga nabanggit na
lugar.
Hinimok
din ng opisyal ang kooperasyon ng bawat isa sa pagpapanatili ng kapayapaan at
kaayusan sa lugar.
Dumalo
din sa nasabing programa si BM Celestino Rapacon, BM Dulia Sultan at ilan pang
mga opisyal ng probinsiya. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento