Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 2K na mag-aaral, lumahok sa Orientation ng Disaster Risk Reduction Management Act

(Kabacan, North Cotabato/ February 9, 2015) ---Abot sa dalawang libong studyante ng National Service Training Program (NSTP) sa USM Kabacan ang lumahok sa Orientation of the Disaster Risk Reduction Management act na ginanap sa Kabacan, Municipal Gymnasium nito lamang Biyernes a-6 ng Pebrero taong kasalukuyan.

Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Institute of Sports,Physical Education and Recreation sa pakikipagtulungan ng mga NSTP students.

Pambato ng Kabacan Water District, wagi sa 36th Philippine Association of Water District National Convention

(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2015) ---Nagbigay ng inspirasyon sa kapwa estudyante at mga kabataan ang 4th year student ng University Laboratory School o ULS ng USM na naging pambato ng Kabacan Water District sa ginanap na 36th Philippine Association of Water District National Convention sa Cebu City.

Ang naturang estudyante ay nagngangalang si Clark Anthony Fabros na taga- Matalam at kasalukuyang nakatira sa Kabacan. 

50-anyos, itinumba!

(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2015) ---Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ang pagbaril patay ng mga di pa nakikilalang mga salarin sa isang lalaki sa Purok Crislam, Brgy. Poblacion, Kabacan Cotabato alas 12:10 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni PI Arvin John Cambang ng Kabacan PNP ang biktima na si Monib Mantungan, 50 anyos at residente ng Brgy. Nangaan sa nasabing bayan.

2 miyembro ng 4H Club sa Cotabato tutungo ng Japan

AMAS, Kidapawan City – (Feb 6) – Dalawang miyembro ng Head, Heart, Hands and Health o 4H Club of the Philippines, Inc. sa Cotabato  ang nakatakdang magtungo ng Japan para sa 11-month Young Filipino Farmers Training ngayong Abril, 2015.

Ito ay sina Joey Belonio ng Barangay Tambac, Tulunan at Ronald Ariate ng Barangay New Israel, Makilala, Cotabato na pawang mga representante ng Region 12 para sa naturang training kung saan nakasentro sa pinakabagong technical training para sa pagsasaka.

Foundation Anniversary Celebration sa Kidapawan City, all set na

(Kidapawan City/ February 5, 2015) ---All set na ang Foundation Anniversary Celebration ng Kidapawan City na gaganapin sa darating na February 12, 2015.
Ang nasabing selebrasyon ay may temang Kidapawan City at 17: Celebrating Life, Sustaining Peace, Envisioning Prosperity. Ang mga aktibidad sa naturang anibersaryo ay sisimulan na sa darating na byernes February 6, 2015.
Ito ayon sa panayam ng DXVL news kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista.

6k mag-aaral sa Mamasapano di-pinapapasok

(North Cotabato/ February 5, 2015) ---Umaabot sa  anim na libung mag-aaral mula sa13 paaralan sa bayan ng Mamasapano, Maguinda­nao ang pansamantalang hindi muna pinapasok ng kani-kanilang mga magulang dahil sa takot na maapektuhan kaugnay sa pagmasaker ng mga rebeldeng Moro Islamic Li­beration Front (MILF) sa 44 miyembro ng PNP-Special Action Force  noong Enero 25, 2015.

Mababang presyo ng palay at pag-atake ng peste, problemang kinakaharap ng mga magsasaka sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ February 4, 2015) ---Problema ngayon ang mga magsasaka sa Kabacan, Cotabato dahil sa mababang presyo ng palay at sa mga pesteng nagdudulot ng sakit sa kanilang pananim.

Kabilang sa mga peste tulad ng Black Bug, Tsangaw at Tungro. Ito ay ayon sa panayam ng DXVL News sa ilang mga magsasaka sa bayan ng Kabacan.

Liblib na barangay sa Libungan, Cotabato dinalhan ng tulong ng PGO-PRRO-PMO

AMAS, Kidapawan City (Feb. 4) – Hindi naging hadlang ang layo ng paglalakbay at pagod para sa Provincial Governor’s Office Protracted Relief and Recovery Operation-Project Management Office o PGO-PRRO-PMO upang mabigyan ng tulong ang mga residente ng Sitio Akir-Akir, Barangay Sinapangan, Libungan, Cotabato.

Sakay ng mga kabayo, inakyat ng PGO-PRRO-PMO sa pangunguna ni Allan Matullano, Focal Person ang 7-kilometrong burol patungong Sitio Agkir-Agkir noong Jan. 20 kung saan naninirahan ang abot sa 50 pamilyang Lumad.

Seguridad sa Bayan ng Isulan mas pinaigting matapos ang nangyaring pagsabog ng granada

(Isulan, Sultan Kudarat/ February 4, 2015) ---Mas pinaigting pa ang seguridad sa Bayan ng Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat matapos ang nangyaring pagsabog ng granada sa Public Market ng bayan pasado alas- 11:00 ng umaga kahapon.
Tatlo-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang granada sa pamilihang bayan ng nasabing lugar.

Sa panayam ng DXVL News kay P/Supt. Joefil Siason, hepe ng Isulan PNP kinilala nito ang mga nasugatang biktima na sina Marlyn Vargas, 29; Abraham Sapal, 16; at ang may dala ng granada na si Rahid Demaloloy Pangilamin, 36, ng Paglat, Maguindanao.
Mabilis na isinugod sa Isulan Provincial Hospital ang mga biktima kung saan mahigpit na binabantayan ng pulisya si Pangilamin.

Panukalang pagpapalawig ng prankisa ng mga trycicle drivers sa bayan ng Kabacan, umani ng iba’t-ibang reaksiyon

(Kabacan, North Cotabato/ February 4, 2015) ---Nagkaroon ng ibat-ibang reaksyon mula sa ibat-ibang grupo ng mga trycicle drivers at sagguniang bayan ang naging diskusyon sa public hearing tungkol sa panukalang batas na ipinasa ng Kultoda hinggil sa pagpapalawig ng pagkuha ng prankisa.

Ayon kay Ginoong Jun Padagas, miyembro ng Kultoda sa panayam ng DXVL News, ay meroon umanong benepisyong makukuha ang trycicle at mga trysikad drivers kung sakali mang maaprobahan ang nasabing panukala.

2 sa 14 na mga barangay na naapektuhan ng pagbabaha sa bayan ng Kabacan ang nabigyan pa lamang ng tulong

(Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015) ---Nakatanggap na ng tulong ang dalawang barangay ng Kabacan, Cotabato mula sa pamahalaang lokal ng Kabacan sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development o MSWDO Kabacan sa mga apektado ng pagbaha kamakailan.

Ito ayon sa mga datos na ibinigay ni Municipal Social Welfare and Development Officer Susan C. Macalipat.

Mahigit 200 na mga batang naapektuhan ng pagbaha, nakatanggap ng libreng kagamitan mula sa LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015) ---Nakatanggap ng libreng kagamitan ang mga 225 na mga batang naapektuhan ng pagbaha mula sa LGU Kabacan.

Ito ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Susan Macalipat sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Dalawang Barangay sa Kabacan, nakatanggap ng Farm Inputs galing sa DAR PAMANA Program

(Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015) ---Dalawang Barangay sa bayan ng Kabacan ang nakatanggap na ng kanilang mga farm inputs na galing sa PAMANA Program ng Department of Agrarian Reform (DAR) kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay Administrative Aide VI, Myraflor D. Pamplona, kabilang sa mga na nakatanggap ng nasabing farm inputs ay ang Barangay Bangilan at Barangay Aringay.
Ilan sa mga farm inputs  ang kanilang naibigay ay ang abono.

Lantaw 2015 showing and awarding, masasaksihan na

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015) ---Masasaksihan na ang inaabangang Lantaw 2015, “Digital Short Film Festival” na gaganapin sa University of Southern Mindanao, Gymnasium sa darating na February 7, 2015 ala- 1 ng hapon.

Ang Lantaw 2015 ay katatampukan ng dalawang pelikula- ang “HILING” by  Mockeez Avenue Productions at “BUGTAW” by Abot Kamay Ministry.

Shooting incident sa Tulanan, Cotabato; Patuloy pa ring iniimbestigasyon

(Tulunan, North Cotabato/ February 5, 2015) ---Nagpapatuloy parin ang imbestigasyon sa nagyaring shooting incident sa Tulunan, Cotabato nitong kamakalawa lamang.
Kinilala ang biktima na si Roel Andog Lambayong, mambubuti at mambabakal.
Sa panayam ng DXVL News kay Police Inspector Rolando Dillera, mga alas 2 ng hapon umano ay may nakarinig ng putok at ito na umano ang hudyat ng pagbaril sa bektima, sinasabing lulan ng motorsiklo ang suspek.

3 sugatan sa grenade blast

(Isulan, Sultan Kudarat/ February 3, 2015) ---Tatlo-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang granada sa pamilihang bayan ng Isulan, Sultan Kudarat noong Martes ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News Kay P/Supt. Joefil Siason, hepe ng Isulan PNP kinilala nito ang mga nasugatang biktima na sina Marlyn Vargas, 29; Abraham Sapal, 16; at ang may dala ng granada na si Rahid Demaloloy Pangilamin, 36, ng Paglat, Maguindanao.

Mabilis na isinugod sa Isulan Provincial Hospital ang mga biktima kung saan mahigpit na binabantayan ng pulisya si Pangilamin.

Kabacan PNP, pinaalerto ang publiko

(Kabacan, North Cotabato/ February 2, 2015) ---Nagbigay ng paalala ang pamunuan ng Kabacan PNP sa lahat, lalong-lalo na sa mga taga Kabacan na maging responsable at wag basta-basta iwan nalang ang gamit kahit saan.

Sa panayam ng DXVL News kay PCI Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP inihayag nitong isa ito sa kampanya ng Kabacan PNP para lalo pang paigtingin ang seguridad sa bayan ng Kabacan.

Public hearing ng pagpapalawig ng pagkuha ng prangkisa ng mga trysikel drivers and operators, kinukwestion ng ilang assosasyon ng mga trysikel sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2015) ---Sa kabila ng matagumpay ang ginawang public hearing kahapon sa pagpapalawig ng pagkuha ng prangkisa ng mga trysikel drivers and operators sa bayan ng Kabacan, ilan naman sa mga asosasyon sa nasabing grupo ay tumutol dito.

Sa panayam ng DXVL News kay Councilor Reyman Saldivar Vice chairman ng Committee on Transportation, inihayag nitong ang naturang public hearing ay tungkol sa pag amienda sa trysikel code bilang pagtugon sa petition letter ng Kabacan Unity Lines Tricycle and Operators Drivers Association (KULTODA) sa Sangguniang Bayan sa Chairman ng Committee on Transportation sa pangugunguna ni Hon. Herlo Guzman Sr na palawigin ng dalawang taon ang pagkuha ng prangkisa.

BFP Kidapawan patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Lanao, Kidapawan City; 9 na kabahayan naabu

(KidapawanCity/ February 3, 2015) ---Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ng Kidapawan hinggil sa nangyaring sunog pasado alas dyes ng umaga kahapon sa residential area sa Brgy. Lanao, Kidapawan City.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni FO2 Tongan Jalo na gawa sa light materials ang siyam na bahay na tinupok ng apoy. Aniya umaabot sa mahigit kumulang limampung libong piso ang halaga ng mga nasunog.

Ilang Kabacan PNP personnel, nagpakalbo bilang pakikiramay sa PNP-SAF FALLEN 44

Nagpakalbo ang ilang Kabacan PNP personnel’s kasali si Kabacan PNP OIC Chief PCI Ernor Melgarejo bilang pakikiramay sa PNP-SAF FALLEN 44.

Ayon kay PI Arvin Jhon Cambang ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL News, ito ang kanilang pagpapakita ng pakikisimpatya sa mga pamilya ng mga nasawing PNP-SAF members sa Mamasapano, Maguindanao at pananawagan narin sa pagkamit ng hustisya para sa mga ito.

602nd Brigade naka Heightened Alert

(North Cotabato/ February 2, 2015) ---Aminado ang pamunuan ng 602nd Brigade Philippine Army na nakakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa mga gagawing pagsalakay ng BIFF.

Ayon kay 602nd Brigade Commanding Officer Col. Noel Clement sa panayam ng DXVL News.

Aniya, may mga specific targets at movements ang mga ito pero nagiging bigelante naman ang 602nd brigade at hindi nila hahayaan na mamayani ang mga armadong grupo at kokontrolin ang mga tao sa lalawigan.

Paghihiwalay ng USM KCC sa USM Main Campus, isinusulong ng isang kongresista sa North Cotabato

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 2, 2015) ---Nagpasa ng House Bill No. 1077 si Congresswoman Nancy Catamco para sa paghihiwalay ng USM-KCC sa USM Main Campus.

Ito ayon kay USM-KCC Dean, Dr. Luz Tapusok sa panayam ng DXVL News.

Aniya, kung maghihiwalay umano ang USM-KCC sa USM Main Campus ay papangalanan itong North Cotabato State College.

602nd Brigade nakiramay sa Pambansang Araw ng Pagluluksa

(North Cotabato/ February 2, 2015) ---Nakiramay ang 602nd Brigade sa Pambansang Araw ng Pagluluksa na pinangunahan ni 602nd Brigade Commanding Officer Col. Noel Clement sa mga kasamahang SAF na namatay sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa panayam ng DXVL News kay Col. Clement, naka half mast umano ang kanilang bandera at inaasahang magpapatuloy ito sa loob ng limang araw na syang direktiba galing sa kanilang General Head Quarters.