Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seguridad sa Bayan ng Isulan mas pinaigting matapos ang nangyaring pagsabog ng granada

(Isulan, Sultan Kudarat/ February 4, 2015) ---Mas pinaigting pa ang seguridad sa Bayan ng Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat matapos ang nangyaring pagsabog ng granada sa Public Market ng bayan pasado alas- 11:00 ng umaga kahapon.
Tatlo-katao ang nasugatan makaraang sumabog ang granada sa pamilihang bayan ng nasabing lugar.

Sa panayam ng DXVL News kay P/Supt. Joefil Siason, hepe ng Isulan PNP kinilala nito ang mga nasugatang biktima na sina Marlyn Vargas, 29; Abraham Sapal, 16; at ang may dala ng granada na si Rahid Demaloloy Pangilamin, 36, ng Paglat, Maguindanao.
Mabilis na isinugod sa Isulan Provincial Hospital ang mga biktima kung saan mahigpit na binabantayan ng pulisya si Pangilamin.
Ayon kay Siason, dala ni Pangilamin ang granada na nakatago sa suot na jacket nang biglang nahulog at su­mabog sa meat at fish section ng palengke bandang alas-11:15 ng umaga.
Nabalot ng tensyon at nagtakbuhan ang mga mamimili at tindero palabas ng palengke.
Nabatid na naunang isinailalim sa heightened alert ang Sultan Kudarat dahil sa ulat na pambobomba ng mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Sinabi ni Siason na naghigpit na sila ng seguridad sa bayan katuwang ang Armed Forces of the Philippines.
Dagdag pa niya na mayroon umanong mga Checkpoint na inilagay sa mga highway at naglagay din umano ng mga kapulisan sa bawat kalye sa bayan.
Batay naman sa impormasyong nakuha ng Isulan PNP sa isang testigo ay nakita nya umano ang suspek na pinaglalaruan nito ang granada sa loob ng CR. 
"Nataranta umano ang suspek nang nakita nito ang nagpapatrolyang mga sundalo at pulis dahilan upang aksidente umano nitong naihulog ang granada mula sa kanyang jacket at gumulong sa kanal na may tubig bago sumabog.", wika pa ni Siason.

Inihayag din ni Siason na ayon sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay wala umano kina-aanibang grupo ang sinasabing suspek na may dala ng granada subalit patuloy parin ang imbestigasyon patungkol sa katauhan ng suspek. Christine Limos 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento