AMAS,
Kidapawan City (Feb. 4) – Hindi naging hadlang ang layo ng
paglalakbay at pagod para sa Provincial Governor’s Office Protracted Relief and
Recovery Operation-Project Management Office o PGO-PRRO-PMO upang mabigyan ng
tulong ang mga residente ng Sitio Akir-Akir, Barangay Sinapangan, Libungan,
Cotabato.
Sakay ng mga kabayo, inakyat
ng PGO-PRRO-PMO sa pangunguna ni Allan Matullano, Focal Person ang
7-kilometrong burol patungong Sitio Agkir-Agkir noong Jan. 20 kung saan
naninirahan ang abot sa 50 pamilyang Lumad.
Malapit lamang sa Mt.
Akir-Akir sa Pigcawayan ang naturang barangay at may kalayuan ito sa sentro ng
Libungan.
Si Al Manggong, Sitio leader
ng Agkir-Agkir ang siyang nanguna sa pagsalubong sa grupo ng PGO-PRRO-PMO.
Ayon kay Matullano, dala
nila ang ilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, damit, gamot at
iba pa at ipinamahagi ito sa mga pamilya.
Sinabi ni Matullano medyo
mahirap ang sitwasyon ng taga Sitio Agkir-Agkir dahil na rin sa layo ng
kanilang lugar.
Kaya naman kailangan raw na
tulungan sila at at ipadama sa kanila ang adbokasiya ng “Serbisyong Totoo” ni
Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza at ng Provincial Government of Cotabato.
Nagpasalamat naman si
Manggong kasabay ang pahayag na malaking bagay para sa kanilang ang pagtungo ng
PGO-PRRO-PMO sa kanilang lugar dahil sa bukod sa malayo ito sa kabihasnan ay
mahirap pa biyahe paakyat sa kanilang sitio.
Ipinarating rin niya ang
pasasalamat ng mga residente kay Gov. Taliño-Mendoza na aniya ay di nakalilimot
sa mga mahihirap na tulad nila.
Samantala, kamakaylan ay
sinimulan na rin sa Barangay Sinayawan ng Arakan ang On-Site School Feeding
Program ng PGO-PRRO-PMO kaakibat ng World Food Program.
Layon ng programa na
mabigyan ng karagdagang nutrisyon ang mga mahihirap na mag-aaral upang maging
masigla sila sa pag-aaral at mailayo sa mga karamdaman. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center/Fariza M. Kambang-PGO-PRRO-PMO)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento