Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

47th Founding Anniversary ng Brgy. Dagupan sa bayan ng Kabacan, ipinagdiriwang!

(Kabacan, North Cotabato/ October 16, 2015) ---Iba’t-ibang mga aktibidad ang inilatag ng pamunuan ng Brgy. Council ng Dagupan hinggil sa kanilang ika-47 taong anibersaryo ngayong taon.

Pinangunahan mismo ni Dagupan Kapitan/ABC President Raymundo Gracia kasama ng kanyang mga konsehal ang kanilang kapiestahan.

Nagsimula ang iba’t-ibang aktibidad nito pang October 13 hanggang sa 17.

Mayor Guzman at mga kaalyado nito naghain na ng kanilang COC sa ilalim ng Liberal Party

(Kabacan, North Cotabato/ October 17, 2015) ---Naghain na ng kanyang kandidatura si Incumbent Mayor Herlo Guzman Jr. para sa kanyang ikalawang termino sa pagka-alkalde sa bayan ng Kabacan kahapon ng umaga.

Bago nagtungo sa Comelec Kabacan ay, nagkaroon muna ng maikling programa ang line up ng opisyal sa ilalim ng Liberal Party kungsaan isa-isang prenisinta ang mga tatakbong konsehal sa ilalim ng kanyang partido political.

Kasama ni Mayor Guzman ang kanyang running mate sa pagka-vice Mayor na si incumbent vice Mayor Myra Dulay Bade.

Magsasaka, patay sa riding criminals

(North Cotabato/ October 16, 2015) ----Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 48-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng riding tandem criminals sa bahagi ng Abellera St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato pasado alas 7:10 kanina.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Felipe Quilas Jr., 48-anyos, may asawa at residente ng Quirino St., Brgy. Osias ng nabanggit na bayan.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa kanyang kulay itim na Honda beat Motorcycle (for Registration) mula sa Brgy. Aringay at sinundan ng riding criminals na lulan ng Kawasaki 125 motorcycle at pagdating sa nabanggit na lugar ay pinagbabaril ito.

3 bombers ng NGCP tower natimbog!

(Pikit, North Cotabato/ October 16, 2015) ---Tatlong lalaki na hinihinalang nasa likod ng pambobomba sa dalawang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kamakailan ang nasakote sa isang checkpoint sa Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa panayam ng DXVL News kinilala ni PInsp. Sindato Karim, pinuno ng Pikit PNPang mga nasakoteng suspek na sina Sam Hasan ng Datu Paglas, Maguindanao; Jonathan  Pangawilan at Kuyog Sultan.

BOTOHAN 2016: Gov. Lala Taliño Mendoza, naghain na ng kanyang COC

(Amas, Kidapawan City/ October 15, 2015) ---Sa pamamagitan ng isang press conference ay inihayag ni Incumbent Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang kanyang line-up sa ilalim ng partidong Liberal, bago ito naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC).

Bagama’t wala pang tiyak na makakalaban ang gobernadora, hindi naman siya kampante at kailangan pa rin nitong mangangampanya.

North Cotabato MILF Spokesperson Guiabar, nagdeklara ng kanyang kandidatura sa pagka-Board Member ng 3rd District

(Kabacan, North Cotabato/ October 14, 2015) ---Pormal ng nagdeklara ng kanyang kadidatura bilang board member aspirant ng ikatlong distrito ng North Cotabato si Local Monitoring Team chair Jabib Guiabar.

Mismong sa himpilan ng DXVL-Radyo ng Bayan nag-anunsiyo noong Martes (October 13) ng kanyang intensiyon na tumakbo sa nasabing posisyon para sa 2016 na halalan si Guiabar.

Aniya, marami umanong mga konsultasiyon ang ginawa ng kanyang mga taga-suporta kasama na ang kanyang mga pamilya na nag-kumbinsi sa kanya na sumabak uli sa pulitika.

Sa ngayon ay wala pang partido political ang opisyal at maghahain ito ng kanyang kandidatura bilang independent sa Biyernes, October 16.

Ilang Mga barangay sa 3 bayan sa 1st District ng North Cotabato, kinukunsiderang ‘na nasa watch list ng Comelec’

(Kabacan, North Cotabato/ October 15, 2015) ---Kinukunsidera ngayon ng Commission on election North Cotabato ang ilang mga barangay sa tatlong bayan sa unang distrito ng lalawigan na posibleng ilagay sa ‘areas of immediate concern’.

Ayon kay Provincial Comelec Officer Atty. Duque Kadatuan, ilan sa mga barangay na ito ay buhat sa bayan ng Pikit, Pigcawayan at Midsayap.

Hindi pa naman matukoy ng opisyal kung ilang mga barangay ang kanilang tututukan dahil isailalim pa ito sa validation ng National Police at Armed Forces of the Philippines.

Mga naghain ng kandidatura para sa Mayoralty bid sa Comelec Kabacan, nasa 4 na!

(Kabacan, North Cotabato/ October 16, 2015) ---Nasa apat na katao ang naghain ng kanilang kandidatura para sa Mayoralty bid sa bayang ng Kabacan, as of 11am kahapon umaga.

Batay sa datos na inilabas ng Comelec Kabacan alas 8:24 ng umaga kahapon ay naghain na ng kanyang kandidatura si Poblacion Kapitan Mike Remulta sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition o NPC.

PSA-North Cotabato, nagpaliwanag hinggil sa pagkakabalam ng sweldo ng ilang mga Enumerators ng Census

(Kabacan, North Cotabato/ October 15, 2015) ---Ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority PSA-North Cotabato ang dahilan kung bakit delayed ang sahod ng ilang mga nag-served bilang enumerators sa nagdaang census of population sa lalawigan.

Ayon kay PSA-North Cotabato staff Helen Konango na bago gawan ng payroll ang mga enumerators ay dapat nakumpleto nila ang mga i-susumeting mga dokumento at idadaan din nito sa masusing screening.

Paliwanag ng opisyal na ang unang sampung araw ng kanilang sahod bilang enumerators sa PSA ay naibigay na ng ahensiya.

2 Katao huli sa pinaigting ng kampanya ng Matalam PNP kontra illegal na droga

(Matalam, North Cotabato/ October 14, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang mahulihan ng illegal na droga sa mas pinaigting na kampanyan ng Matalam PNP laban sa ipinagbabawal na gamot.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang unang na-aresto na si Bejay Posadas Roduta, 20-anyos, residente ng Purok Bagong Silang, Brgy. Kibudoc, Matalam, Cotabato kungsaan nakuhaan ang suspek ng isang heat sealed plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Taxi driver, nahulihan ng higit 1 kilo ng tuyong Marijuana, shabu at mga bala sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ October 13, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang taxi driver makaraang mahulihan ng mga illegal na droga sa inilatag sa highway check ng mga kapulisan sa National Highway ng Kidapawan City alas 4:00 ng hapon kanina.

Kinilala ni P/SSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng CPPO ang suspek na si Jose Mari Tang na taga-Marfori Heights, Matina, Davao City.

Nakuha mula sa suspek ang higit isang kilo ng tuyong dahon ng marijuana, isang sachet ng shabu, cash na abot sa P4,000, at dalawang bala mula sa 9mm pistol.

Islamic New Year, ipagdiriwang Bukas

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 13, 2015) ---Ipagdiriwang ng mga kapatid na Muslim ang Amon Jadeed o ang Islamic New Year bukas, (October 14, 2015).

Ang selebrasyon ay batay sa deklarasyon ng pamahalaan na isang National Holiday ang nasabing petsa batay sa P.D. 1083 na mas kilala sa tawag na ‘Code of Muslim Personal Laws in the Philippines’.

Kaugnay nito, naglabas ngayon ng deriktiba si USM Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang sa pamamagitan ng kalatas na nilagdaan ni Director for Instruction Abubakar Murray na ilipat ang araw ng pagsusulit ng USM sa nasabing araw.

Bangkay ng paslit at binatilyo magkahiwalay na narekober sa North Cotabato at Maguindanao

(Kabacan, North Cotabato/ October 13, 2015) ---Isang bangkay ng batang lalake ang natagpuan sa isang ilog sa barangay Talapas, Datu Montawal, Maguindanao kahapon ng hapon.

Ayon kay PO1 Ramil Dilawangen Montawal, imbestigador ng Datu Montawal PNP, dakong alas 4 ng hapon kahapon nang matagpuan ng mga residente sa lugar ang naturang bangkay at inireport ito sa pulis.

Ang bangkay ayon kay Montawal ay isang batang lalake, nasa lima hanggang 6 na taong gulang, nakasuot ng itim na shorts at walang damit. Wala namang residente sa lugar ang nakakakilala sa bangkay  kaya posible umanong inanod na lamang ito ng tubig.

Mga illegal na droga, nasabat sa inabandonang motorsiklo ng suspected drug courier sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ October 12, 2015) ---Nasamsam ng mga otoridad ang mga illegal drugs sa narekober na motorsiklo na inabandona ng isang drug courier sa may panulukan ng kalye Langka, Purok Daisy, Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato ala 1:30 ng hapon nitong Sabado.

Ayon sa report ng Matalam PNP inabandona ng pinaniniwalaang drug courier ang minamaneho nitong sasakyan matapos na malaman na may ikinasang highway check ang pinagsanib na pwersa ng Matalam PNP kasama ang pwersa ng Cotabato Provincial Public Safety at ng sundalo sa National Highway ng Matalam-Antipas road.

COTELCO-PPALMA, magpapatupad ng scheduled brown-out re: NGCP Tower Repair

(Midsayap, North Cotabato/ October 11, 2015) ---Magpapatupad ng mahabang scheduled brownout ang Cotabato Electric Cooperative o COTELCO sa PPALMA area simula October 11 hanggang October 21 ng taong kasalukuyan.

Ito ay upang bigyang daan ang pagsasaayos ng dalawang steel tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa bayan ng Pikit, North Cotabato na pinasabog noong Biyernes ng gabi.

Tulak Droga, arestado ng Aleosan PNP

(Aleosan, North Cotabato/ October 11, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 36-anyos na tulak droga makaraang mahuli ng mga otoridad sa pamamagitan ng drug buy bust operation sa Brgy. Sta. Cruz, Aleosan, North Cotabato, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni PCI Arniel Cagud Melocotones, hepe ng Aleosan PNP ang suspek na si Alvin Deniega, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

COMELEC Kabacan, handa na para sa pagtanggap ng COC ng mga kakandidato sa lokal na posisyon

(Kabacan, North Cotabato/ October 11, 2015) ---Handa na ang Commission on Elections (Comelec Kabacan) para sa gagawing filing ng certificate of candidacy (COC) na magsisimula bukas Oktubre 12 at magtatapos sa Oktubre 16.

Ayon kay Kabacan Election Officer III Ramon Mario Jaranilla sa panayam ng DXVL News pansamantala muna nilang ititigil sa mga nabanggit na petsa ang registration, activation at pagpa-biometrics sa mga regular na botante.

Pagkatapos ng filing ng COC ng mga lokal na kandidato ay kanilang ianunsiyo ang mga ito.

Gov Taliño-Mendoza nanguna sa turnover ng 4 DOH upgraded birthing facilities sa Kidapawan City

Kidapawan City (Oct 11) – Mismong si Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza and nanguna sa formal turnover ng apat na mga upgraded birthing facilities o bahay paanakan sa Kidapawan City noong Biyernes, Oct 9, 2015.

Ito ay ang mga birthing facilities sa Barangay Meohao na nagkakahalaga ng P400,000; Barangay Perez-P350,000; Nuangan-P300,000 at Macebolig-P300,000 na pawang pinondohan ng Dept of Health sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program nito.

Gov Taliño-Mendoza nanguna sa turnover ng P13.7M Kidapawan City Hospital expansion at water treatment facility project

AMAS, Kidapawan City (Oct 11) – Abot sa P13.7M ang halaga ng Kidapawan City Hospital expansion at water treatment facility project ang pormal na binuksan at pinasinayaan ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza kasama si Dept of Health 12 Regional Director Teogenes F. Baluma noong Oct 9, 2015.

Nakapaloob sa expansion project ang pagpapalawak ng gusali nito kabilang na ang bagong Out-Patient Department o OPD ng naturang hospital.

Magsasaka, patay matapos paulanan ng bala sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ October 11, 2015) ---Pinabulagta ng di pa nakilalang suspek ang isang magsasaka sa nangyaring pamamaril sa Purok Islam, Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 5:40 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Pian Dimaagos Andug ‘aka’ Datu Saging nasa hustong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Natutungan, Matalam, Cotabato.