Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Katao huli sa pinaigting ng kampanya ng Matalam PNP kontra illegal na droga

(Matalam, North Cotabato/ October 14, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang mahulihan ng illegal na droga sa mas pinaigting na kampanyan ng Matalam PNP laban sa ipinagbabawal na gamot.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang unang na-aresto na si Bejay Posadas Roduta, 20-anyos, residente ng Purok Bagong Silang, Brgy. Kibudoc, Matalam, Cotabato kungsaan nakuhaan ang suspek ng isang heat sealed plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Ang markey value na nakuha kay Roduta ay umaabot sa P1,000.00.

Maliban dito, huli din ang isang Norberto Uboza, 33-anyos, may asawa at isang ahente ng softdrinks at residente ng Malasila, Makilala, North Cotabato.

Nakuha mula kay Uboza ang tatlong mga transparent plastic heat sealed sachet na tumitimbang ng abot sa .26 grams at may market value na P2,000.00.

Ang mga suspek ay nahuli sa harap ng Machine shop na pag-mamay-ari ng Camaddo Family ng Poblacion, Matalam.

Ayon kay SPO2 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, inihahanda na nila ang kasong isasampa laban sa mga suspek na paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento