Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga madidilim na kalye sa Poblacion, Kabacan; nirereklamo; brgy. officials, bibigyan na ng aksiyon

(Kabacan, North Cotabato/June 23, 2012) ---Matapos ireklamo ang matagal ng di naaksyunan na madilim na kalye sa bahagi ng Miracle St., dito sa Poblacion ng Kabacan. 

Tiniyak ngayon ng pamunuan ng brgy. Poblacion na agad nila itong bibigyan ng atensiyon.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni Brgy. Kagawad Edna Macaya sa panayam ng DXVL News kahapon.

Ayon sa opisyal, naantala umano ang paglalagay ng mga ilaw sa poste sa bahagi ng Miracle St., dahil sa wala silang makuhang electrician na mag-lalagay ng mga ilaw.

Mga motorsiklo ng ilang mga alagad ng batas, kawani ng gobyerno, sundalo, brgy opisyal at iba pa huli dahil sa paglabag sa traffic rules sa highway inspection sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/June 23, 2012) ---Abot sa daan-daang mga motorsiklo at sikad na may paglabag sa batas trapiko ang hinuli ng otoridad sa isinagawang “Oplan Lambat Bitag” sa mga pangunahing kalye ng Poblacion, Kabacan kahapon ng umaga.

Nanguna sa nasabing operasyon ang mga elemento ng Kabacan PNP na pinamumunuan ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, Supt. Alex Tagum ng Cotabato Police Public Safety Company, Kidapawan PNP, Carmen PNP at iba pa.

Ang mga naka-impound na motorsiklo ay may paglabag sa batas trapiko kagaya ng “No Helmet no Travel Policy”, walang registration o lisensiya at mga expired ang driver’s license.

Kabacan PNP, naka-alerto sa posibleng pagresbak ng mga kasamahan ng nahuling notorious kriminal

(Kabacan, North Cotabato/June 22, 2012) ---Naka-alerto na ngayon ang Kabacan PNP sa posibleng pag-resbak ng mga kasamahan ng nahuling notorious criminal na nagsasagawa ng mga panghohold-up sa bayan ng Kabacan at kalapit lugar na si Anwar Dagem.

Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP may ilan umanong mga armadong grupo ang umaaligid sa paligid ng himpilan ng pulisya simula pa nitong nakaraang gabi.

Field Trial ng BT Talong sa USM, Kabacan; suportado ng probinsiya

(USM, Kabacan, North Cotabato/June 22, 2012) ---Suportado ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang isinasagawang Field Trial ng BT Talong dito sa Univesity of Southern Mindanao o USM-Main Campus, Kabacan, Cotabato.

Aminado ang opisyal na dumadaan sa masusing pagsisiyasat ang trial sa ilalim ng Bureau of Plant and Industry o BPI guidelines makaraang magpalabas rin ang korte suprema ng writ of kalikasan kontra sa kontrobersiyal na BT Talong.

30-anyos na lalaki, maswerteng nakaligtas matapos makuryente sa Pikit, cotabato

(Pikit, North Cotabato/June 22, 2012) ---Maswerteng nakaligtas matapos makuryente ang isang 30-anyos na lalaki kahapon ng hapon sa Pobalacion, Pikit, Cotabato.

Ang biktima ay nakilalang si RandyFernandez Managit na resident eng Pioneer St., ng nabanggit na bayan.

Mahigit 50 na mga establisiemento sa Kabacan, nakatanggap ng 1st offense hinggil sa paglabag sa ordinance No. 2011-008

(Kabacan, North Cotabato/June 20, 2012) ---Simula ng ipinatupad ng pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan ang ordinance no. 2011-008 o ang pagbabawal at pagreregulate sa paggamit ng plastic, abot na ngayon sa mahigit sa 50 na mga establisiemento ang nakatanggap ng unang pinalidad.

Ito ayon kay Municipal Environment and Natural Resources Officer Jerry Laoagan dahil sa patuloy na paggamit ng mga ito ng plastic na siya namang ipinagbabawal sa batas.

SB Kabacan, walang naipasang batas hinggil sa pagbabawal panigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/June 20, 2012) ---Kung sa Kidapawan City, puspusan ang pagpapatupad ng “No smoking” sa lungsod, partikular na sa mga public places, sa Kabacan naman, hindi umano ipinursige ng mga lokal na mambabatas ng bayan ang ordinansang pagbabawal na panigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Kabacan.

Mga brgy opisyal ng Kabacan sumailalim sa training patungkol sa disaster preparedness and climate change, kasalukuyang ginaganap

(Kabacan, North Cotabato/June 20, 2012) ---Kasalukuyang ginaganap ang training ng dalawamput apat na baranggay sa bayan ng Kabacan sa Agricultural Training Institute- USM hinggil sa disaster preparedness and climate change.

Ang 2-day training ay nagsimula noong lunes at magtatapos sa Hunyo 26, 2012.

Passenger Van, hinold-up sa Matalam-Kidapawan Highway; mga personal na gamit, cash at alahas natangay ng mga suspek

(Kabacan, North Cotabato/June 20, 2012) ---Natangay ng mga hold-apers ang mga cash, alahas at iba pang mga personal na gamit ng mga pasahero ng Van makaraang ma-hold-up ang mga ito sa Kidapawan-Matalam highway nitong Lunes.

Ayon kay Police chief Inspector Jordine Maribojo, kasama sa mga tinangay din nila ang Van kungsaan ginamit nilang get away vehicle matapos iwanan ang mga biktima sa isang masukal na lugar sa bayan ng Carmen.

Lalaking may kasong pamomolestiya, arestado ng Carmen PNP

(Carmen, North Cotabato/June 19, 2012) --- arestado ng Trakers team ng Carmen PNP na pinangungunahan ni SPO2 Flet Jacinto ang isang Robert Subibe sa mismong bahay nito alas 9:10 kahapon ng umaga sa Brgy. Kibudtungan ng nabanggit na bayan.

Apat na libong puno itinanim ng mga pulis sa provincial headquarters ng Cotabato PNP sa Kidapawan City

(Amas, Kidapawan City/June 19, 2012) ---Sama-samang nagtanim ng abot sa apat na libong seedling ng mga fruit-bearing tree at iba pang specie ng mga puno ang itinanim ng mga pulis sa 3.7 ektaryang bakanteng lote sa provincial headquarters ng Cotabato Provincial Police Office sa Amas Complex, Kidapawan City.

Dam at stream check, pasisinayaan ng DA sa North Cotabato ngayong araw

(Pikit, North Cotabato/June 19, 2012) ---Pangungunahan ngayong araw ni Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala ang inagurasyon ng dalawang irrigation project sa unang distrito ng North Cotabato partikular sa Bayan ng Pikit.

Ang natukoy na irrigation projects ay ang Panicupan Chrislam Dam at Nalapaan Stream check na inimplementa ng Malitubog- Maridagao o Mal-Mar Irrigation Project Management Office, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Kapulisan sa North Cotabato; hinimok ng isang mataas na opisyal na, alamin ang toong problema sa ground at mga balakid sa katahimikan sa lugar

(Amas, Kidapawan City/June 19, 2012) ---“We have to win the heart and mind of the people”, ito ang ginawan pahayag ni PNP Regional director PCSupt. Alex Paul Menteagudo sa mga kasapi ng Cotabato Provincial Office.
                                                         
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isinagawang blessing at inauguration ng bagong Cotabato Public Safety Company na nasa headquarters ng Cotabato Provincial Police Office sa Amas Complex, Kidapawan City kamakalawa. 

Most wanted Notorious kriminal sa Kabacan at kalapit lugar; huli ng Kabacan PNP, suspek idinadawit sa mga shooting incident sa bayan

Anwar Dagem
(Kabacan, North Cotabato/June 19, 2012) ---Arestado ang isang pinaniniwalaang most wanted criminal sa Kabacan at mga kalapit na bayan sa pinagsanib na operasyon ng mga elemento ng Kabacan PNP at Cotabato Police Public Safety company alas 12:30 kahapon ng tanghali sa mismong kinukutaan ng grupo sa Brgy. Magatos ng bayang ito.

Nanguna sa isinagawang operasyon ng otoridad si Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP kungsaan naaresto nila ang isang Anwar Dagem, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.

North Cotabato nasa alert level na hinggil sa sakit na dengue

(Kidapawan City/June 17, 2012) ---Sinabi ni Dengue Surveillance Regional Epidemiologist Dr. Alah Baby Vingno na nasa alert level na sa ngayon ang North Cotabato hinggil sa sakit na dengue.

Ito batay sa resulta na isinagawa ng Regional epidemiologist na malapit na sa out break ang probinsiya, makaraang nasa more than WHO acceptable level na ang status ng North Cotabato.

Kabacan PNP, hinimok ang mamamayan ng Kabacan na makipag-tulungan para sa mabilis na pagresolba ng shooting incident sa bayan

(Kabacan, North cotabato/June 17, 2012) ---Sa limang shooting incident na nangyari sa Kabacan ngayong buwang ito lamang ni isa sa mga ito ay walang pang naresolba ang Kabacan PNP, ito dahil sa kakulangan din ng suporta ng mamamayan sa kapulisan.

Pinawi naman ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP na isolated lamang ang nasabing mga pangyayari at ilan sa mga anggulong tinitingnan nila ay personal grudge mula sa ibang lugar at dito sa Kabacan ginagawa ang krimen.

5th Army Artillery Regiment ng hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas; nagdiwang ng ika-limang taong anibersaryo

(Carmen, North Cotabato/June 18, 2012) ---Pinangunahan ni Kidapawan City Mayor Rodolfo Gantuangco ang ika-limang taong anibersaryo ng Army Artillery Regiment ng Philippine Army na nasa headquarters ng AAR Camp Lucero, Nasapian, Carmen, North Cotabato na isinagawa nitong Sabado ng umaga.

Binatilyong binaril sa Kabacan, Cotabato mistaken identity lamang ---Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/June 17, 2012) ---Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng otoridad na mistaken identity lamang ang pagkakabaril sa isang 21-anyos na tricycle driver na nakilalang si Jimmy Alay, residente ng Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, cotabato. 

Ayon sa Kabacan PNP, inutusan lamang umano ang binata na bumili ng pagkain at iba pang mga gamit upang dalhin sa Davao city kaya ng parahin umano ng suspek ay huminto ang biktima kaya agad na binaril ito sa ulo na nagging dahilan ng agara nitong kamatayan.