Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkakabalam ng sahod ng mga estudyanteng sumailalim sa SPES, ipinaliwanag ng PESO Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 22, 2014) ---Ipinaliwanag ng pamunuan ng Public Employment Services Office o PESO Kabacan na may prosesong sinusunod bago ma-i-release ang sahod ng mga estudyanteng sumailalim sa Special Program for the Employment of Student o SPES.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PESO Designate George Graza kungsaan ang 60% ng sahod ng mga ito ay na counterpart ng LGU Kabacan ay kanila ng naibigay noon pang buwan ng Mayo.

Power Supply ng Mindanao, sapat -NGCP

(Kabacan, North Cotabato/ August 22, 2014) ---Tiniyak ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines na hindi nagkukulang ang Mindanao Grid sa mga sinusupply nilang kuryente.

Sa isang pahayag, sinabi ni NGCP spokesperson Milfrance Capulong, abot sa 1,391MW ang kasalukuyang generation capacity ng Mindanao Grid habang 1,343MW naman ang average power demand ng mga konsumidores.

BPAT, dedo, 2 sugatan sa engkwentro ng rebeldeng grupo

(Midsayap, North Cotabato/ August 22, 2014) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action o BPAT habang sugatan ang dalawa pa nito’ng mga kasama nang makipagbakbakan sila sa isang armadong grupo sa Barangay Tugal sa bayan ng Midsayap, alas-3:25 ng hapon ng Huwebes.

Ayon sa report ng Midsayap PNP, nagka-enkwentro ang grupo ni Barangay Chairman Pulalon ng Barangay Tugal at grupo na pinamumunuan ng isang Kagi Tandoy na taga-Barangay Kapinpilan, bayan pa rin ng Midsayap.

2 modular steel tank pinasinayaan sa N Cotabato

(North Cotabato/ August 22, 2014) ---Aasahan na ang magandang serbisyo ng tubig sa ilang barangay sa Kidapawan City at bayan ng Makilala matapos na pinasinayaan ang dalawang naglalakihang modular steel tank ng Metro Kidapawan Water District o MKWD kahapon.

Ayon kay MKWD general manager Stella Gonzales, abot sa P19 million ang halaga ng naturang mga proyekto kungsaan ito ay matatagpuan sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City at Barangay Saguing sa bayan ng Makilala.

Mag-asawa, arestado sa droga!

(Kidapawan City/ August 22, 2014) ---Hinalughog ng mga otoridad ang bahay ng mag-asawang nagtutulak ng illegal na droga sa isinagawang raid sa kanilang bahay sa Corner Bautista at Datu Ingkal streets, Poblacion, Kidapawan City kahapon.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang mga suspek na sina Christian Roy Casayuran Velasco alyas Roy-roy, 31-anyos at Leona Gatchalian Velasco, 34 na taong gulang.

Clan War; 1 patay, marami nag-silikas

(Sultan Kudarat/ August 22, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka sa nangyaring krimen sa Barangay Maindang, bayan ng Lutayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat kahapon ng hapon.

Ayon kay Police Senior Inspector Melvin Balba, hepe ng Lutayan PNP away sa pagitan nina Carali Mama at Oscar Gaya ang nangyari sa lugar.

CPPO nagpasalamat sa malaking suporta ng mga gun owners at gun clubs sa katatapos lamang na 5th Gov Lala Taliño-Mendoza Cup 2014 Level 2 Shoot Fest

By: JIMMY STA. CRUZ

(AMAS, Kidapawan City/August 21, 2014) --– Nagpapasalamat ngayon ang pamunuan ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO sa mga gun owners at gun clubs mula sa Cotabato at iba’t-ibang lalawigan tulad ng South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani at mga lungsod ng Davao, General Santos at Cotabato.

Ayon kay Sr. Insp. Ramel Hojilla, Chief of  Planning and Operations ng CPPO, abot sa 162 shooters ang aktibong lumahok sa shoot fest na ginanap sa Mt. Apo Shooting Range na nasa compound ng CPPO noong Aug.16-17, 2014.

Security Plan para sa mga negosyante, binabalangkas na ni Kabacan Mayor Guzman

(Kabacan, North Cotabato/ August 21, 2014) ---Binabalangkas na ng pamahalaang lokal ang security plan para sa mga negosyante sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi ni Mayor Herlo Guzman Jr., matapos na matagumpay na security measures na ipinatupad sa katatapos na 67th founding Anniversary ng bayan ng Kabacan.

Pagsasa-ayos ng mga lubak-lubak na kalsada sa bayan ng Kabacan, prayoridad ng punong ehekutibo

(Kabacan, North Cotabato/ August 21, 2014) ---Prayoridad ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang pag-sasa-ayos ng mga lubak-lubak na daanan sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi ng opisyal sa DXVL News kahapon matapos na mainterbyu kaugnay sa mga reklamo ng ating mga ka-unlad hinggil sa mga di pa naayos na daanan at kalsada sa bayan ng Kabacan.

Una nang nagreklamo sa DXVL ang isang senior citizen ng Plang Village matapos na mauntog dahil sa di maayos na daanan sa Plang Village, maliban pa sa reklamo din sa Villanueva Subdivision at baha kagabi sa Purok Masagana, Roxas St., at sa iba pang lugar sa Poblacion.

5 mga bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur, 10 buwan ng di pa nakakatanggap ang mga 4P’s beneficiaries

(Kabacan, North Cotabato/ August 21, 2014) ---Umaabot na umano sa sampung buwan at hanggang ngayon ay di pa rin natatanggap ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s beneficiaries sa limang bayan sa Lanao del Sur ang kanilang buwanang sustento.

Ito ang napag-alaman ng DXVL News mula kay Ret. Col. Macabayao Casim na residente ng Purok Bukang Liwayway, Poblacion, Kabacan makaraang magsumbong ang mga kamag-anak nito na residente ng Lanao del Sur sa kanya.

Suspek na nagmartilyo sa estudyante ng USM, arestado na!

(Kabacan, North Cotabato/ August 21, 2014) ---Arestado ng mga otoridad ang suspek na responsable sa pag-martilyo sa ulo ng isang estudyante ng University of Southern Mindanao.

Sa panayam ng DXVL News kay PO1 Genesis Bendor ng Kabacan PNP kinilala ang suspek na si Jockson Usman, 24, ng Pagalungan, Maguindanao.

Pagsisimula ng konstruksyon ng Poblacion 1- Sadaan Road pinasalamatan ng konseho ng barangay

By Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ August 20, 2014) ---Nagagalak ang konseho ng Barangay Poblacion 1 sa Midsayap, North Cotabato dahil sa nasimulan na ang concreting ng kalsadang nagdurugtong sa kanilang barangay at Barangay Sadaan patungo sa national highway.

Sa kanyang sulat ay sinabi ni Poblacion 1 Barangay Chairperson Grace Dearos- Singco
na lubos ang kanilang pasasalamat sa inisyatibo ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan upang maisakatuparan ang proyekto.

1 Sundalo, 4 na iba pa sugatan sa malakas na pagsabog ng IED sa Cotabato City

(Cotabato City/ August 20, 2014) ---Binulabog ng malakas na pagsabog ng Improvised Explosive Device o IED na gawa sa 60 millimeter mortar sa panulukan Makakua Street at Almonte Extension Cotabato city kagabi.

Sa ulat  ni City PNP Dir. Police Sr. Supt. Rolen Balquin na tatlo katao ang sugatan sa naturang pagsabog.

25-anyos na lalaki, panibagong biktima ng hold-up sa Kidapawan City

(Kidapawan city/ August 20, 2014) ---Hinold-up ng dalawang di pa nakilalang mga suspek ang isang 25-anyos na lalaki sa bahagi ng Datu Piang St., Kidapawan City alas 3:40 kahapon ng hapon.

Sa ulat ni PSI Jojet Nicolas, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office kinilala ang biktima na si Elmundo Flores, 25-anyos, binata at residente ng Brgy. Takepan, Pikit, Cotabato.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, naglalakad umano ang biktima ng biglang nilapitan ito ng dalawang suspek na lulan ng itim na single motorcycle na walang plaka.

Inmate, patay matapos mag suicide sa loob ng palikuran ng BJMP, Amas, Kidapawan City

(Amas, Kidapawan City/ August 20, 2014) ---Pinaniniwalaang matinding depression at problema sa buhay kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 37-anyos na preso sa loob ng palikuran ng Bureau of Jail Management Penology o BJMP sa Amas, Kidapawan City.

Sa ulat ni CPPO Spokesperson PSI Jojet Nicolas, nakilala ang biktima na si Crisanto Lupo, 37-anyos, binata at residente ng Madrid St., Kidapawan City at nahaharap sa kasong rape.

3 katao sugatan sa magkahiwalay na pananaksak sa lalawigan ng Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ August 20, 2014) ---Patuloy na nagpapagaling ngayon sa ospital ang drayber ng habal-habal makaraang saksakin ng kanyang mga pasahero sa Barangay Sta Felomina, Makilala, Cotabato.

Sa ulat ng Makilala Municipal Police Office, nagtamo ng matinding sugat sa tiyan ang drayber na si Leo Degrio Lagaras, residente ng Barangay San Vicente, Makilala.

Kampanya kontra illegal na sugal mas pinaigting ng Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/ August 20, 2014) ---Mas pinaigting ngayon ng Matalam PNP ang kanilang kampanya kontra illegal na sugal sa bayan.

Ayon kay PCInsp. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP patuloy ang kanilang ginagawang operasyon para masawata kung di man tuluyang mahinto ang sugal sa bayan.

CPPO, nag-uwi ng apat na malalaking karangalan sa katatapos na 113th PNP anniversary

(Amas, Kidapawan City/ August 20, 2014) ---Ginawaran ng apat na malalaking karangalan ang Cotabato Police Provincial Office ng Police Regional Office 12 sa katatapos na ika-113th Police Service Anniversary sa PRO 12, Brgy. Tambler, General Santos City kahapon.

Ayon kay CPPO Spokesperson PSI Jojet Nicolas na ang naturang karangalan ay iginawad ng government at Non-government Units sa mga Police Units at sa mga kagawad ng pulisya na nagpamalas ng kapuri-puring pagganap ng kanilang tungkulan.

Lola, natusta sa sunog!

(Banisilan, North Cotabato/ August 20, 2014) ---Natusta ang isang 84 na taong gulang na lola makaraang masunog sa loob mismo ng bahay nito sa nangyaring sunog sa Purok 4, Brgy. Pinamulaan, Banisilan, Cotabato.

Sa ulat ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas kinilala ang biktima na si Hermohena Sanikolas, balo at residente ng nasabing lugar.

Estudyante ng USM, sugatan makaraang pukpukin ng martilyo sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, Cotabato/ August 20, 2014) ---Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang estudyante ng USM makaraang pukpukin ng di pa nakilalang suspek ng martilyo sa ulo nito sa bahagi ng brgy. Oasis, Kabacan, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa panayam ng DXVL News kay Vice Mayor Myra Dulay Bade kinilala nito ang biktima na si Richard Nimer, BS Ag Econ Student ng CBDEM-USM.

Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza, nagpaabot ng pasasalamat sa bawat Kabakeños sa matagumpay na kapiestahan

(Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2014) ---Nagpaabot ng pagbati si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa bawat Kabakeños sa naging matagumpay na selebrasyon ng 67th Founding Anniversary ng Kabacan.

Aniya, ak-mang akma ang naging tema ng selebrasyon sa sitwasyon ng Kabacan ngayon na “Unlad Kabacan, Kaya Natin Ito”.

Wala umanong pagsubok na di makakayanan kung ang lahat ay nagsama-sama, ayon pa sa gobernador.

PDRRMC North Cotabato, patuloy na nakatutok sa mga hazard prone areas sa lalawigan bunsod ng mga pag-ulan

(Amas, Kidapawan City/ August 19, 2014) ---Tiniyak ng pamunuan ng North Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na walang mga naitalang kalamidad na tumama sa lalawigan sa kabila ng mga malalakas na ulan ilang araw na ang nakakalipas.

Ayon kay PDRRMC Officer Cynthia Ortega, tinututukan nila ang ilang mga flood-prone municipalities sa lalawigan pero wala namang binaha sa mga ito.

Pagsama-sama at pagsuporta ng bawat mamamayan ng Kabacan, hinikaya’t ni Moreno

(Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2014) --- Binigyang diin ni National chairperson ng Philippine councilor’s League Hon. Alma Moreno ang pagsama-sama at pagsuporta ng bawat Kabakeños para lalo pang mapaunlad ang bayan ng Kabacan.


Ginawa ng opisyala ng pahayag sa harap ng libu-libong mamamayan ng Kabacan at mga opisyal ng bayan sa katatapos na 67th founding Anniversary Program ng Kabacan kahapon umaga.

Giit pa nito na kung mag-sama-sama ang lahat anumang proyekto at programa ng alkalde o ng gobernador ay matutuloy.

Pagbubukas Kalivungan Centennial Celebration at Market-Market sa Kapitolyo, Kasado Na

(Amas, Kidapawan City/ August 18, 2014) ----Kasado na ang mga nailatag na aktibidad hinggil sa Kalivungan Centennial Celebration 2014 o ang ika-isang daang taong anibersaryo ng lalawigan ng Cotabato.

Kaugnay nito, nakatakda namang bubuksan ang Market-Market sa Kapitolyo, Tourism and Trade Fair ngayong Agosto a-25, alas 10 ng umaga sa Covered Court partikular sa harapan ng Agricenter Complex, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City, ito ayon sa report ni OPAG News Correspondent Ruel Villanueva.

Magiging panauhing pandangal at tagapagsalita sa nasabing okasyon si Mindanao Development Authority Chairperson Lualhati Antonino.

Hon. Alma Moreno, bibisitahin ang bayan ng Kabacan ngayong araw, 67th Founding Anniversary ng Kabaca, ipinagdiriwang

(Kabacan, Cotabato/ August 18, 2014) ---Ipinagdiriwang ng bayan ng Kabacan ang kanyang ika-67 taong anibersaryo ngayong araw.

Kaugnay nito, magiging panauhing pandangal at tagapagsalita sa Anniversary program ngayong umaga si National Pres. ng Philippine Councilor’s League Hon. Alma Moreno.

Sa ngayon, isinasagawa naman ang Grand Parade sa mga pangunahing kalsada ng Kabacan na nagsimula sa Kabacan Pilot Central Elementary School alas 6:30 ngayong umaga, bilang bahagi ng culmination program sa isang linggo pagdiriwang nito.

Punong Brgy. ng Pisan, patay matapos atakehin sa puso

(Kabacan, Cotabato/ August 18, 2014) ---Pagdadalamhati ngayon ang nararamdaman ng mga kapamilya at kaibigan ni Brgy. Kapitan Armando Peralta ng Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato makaraang pumanaw na ito dahil sa atake sa puso Biyernes ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News sa kalihim ng Brgy. Pisan na si Corazon Antonio na nagdaramdam na umano ng kumplikasiyon ang opisyal.

3 katao nahulihan ng ipinagbabawal na droga sa Kabacan sa magkahiwalay na operasyon ng Kabacan PNP kontra illegal drugs

(Kabacan, Cotabato/ August 18, 2014) ---Kalaboso ngayon sa Kabacan PNP lock up cell ang tatlo katao makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa Kabacan, Cotabato kahapon.

Alas 3:30 kahapon ng hapon ng unang mahuli ang dalawa katao sa panulukan ng Maria Clara at Lapu-lapu St., Poblacion ng bayang ito.

Kinilala ni supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Pj Sinapan Mintog, 18-anyos, may asawa at residente ng Quirino St., Poblacion ng bayang ito habang huli din ang isa pa nitong kasama na si Adan Calim, 35-anyos residente ng Malapag, Carmen, Cotabato.

Magsasaka , pinatay ang kasamang magsasaka dahil sa away sa baraha sa Mlang, Cotabato

(Mlang, Cotabato/ August 18, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng nakalaban nitong magsasaka dahil sa pinagtalunang away sa baraha  sa Purok Mabinuligan, Brgy. Bagontapay ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson Sr. Inspector Jojet Nicolas ang biktima na si Giovanni Gonzales,tinatayang nasa 20-25 anyos, binata at residente ng nasabing lugar.

COA employee ng Region 12 , pinaslang

(Cotabato City/ August 18, 2014) ---Patay ang isang emple­yado ng Commission on Audit (COA) Region 12 matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng Brgy. Rosary Heights sa lungsod ng Cotabato nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng Cotabato City Police, kinilala ang nasawing biktima na si Engineer Oliver Samonte, 54 anyos, naninirahan sa Kutawato Homes sa Brgy. Rosary Heights 10 ng nasabing siyudad.

On-line voting at texting para sa People’s Choice Award ng Mutya ng North Cotabato 2014-Centennial lalo pang umiinit

By: JIMMY STA. CRUZ

AMAS, Kidapawan City (Aug. 17) – Isang buwan matapos simulan ang On-line voting sa fan page ng Mutya ng North Cotabato 2014 –centennial queen Face Book account at ang kabubukas lamang na Text Poll ng SMART Communications ay naging mainit na ang tugon ng mga supporters at fans.

Katunayan, ilan sa mga kandidata ay mahigpit na naglalaban para sa may pinakamaraming likes sa fan page at pinakamaraming boto naman para sa text poll.