Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Security Plan para sa mga negosyante, binabalangkas na ni Kabacan Mayor Guzman

(Kabacan, North Cotabato/ August 21, 2014) ---Binabalangkas na ng pamahalaang lokal ang security plan para sa mga negosyante sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi ni Mayor Herlo Guzman Jr., matapos na matagumpay na security measures na ipinatupad sa katatapos na 67th founding Anniversary ng bayan ng Kabacan.

Aniya, unti-unti na umanong bumabalik ang tiwala ng taong bayan sa kapulisan, LGU Kabacan sa tulong ng mga BPAT at ng publiko kung usapin sa peace and order sa bayan ng Kabacan.

Pinasalamatan din nito ang lahat ng mga KAbakenyos sa suporta ang tiwala ng mga ito sa kanyang administrasyon.

Samantala, tiniyak naman ng Alkalde na kanya bibigyang pansin ang reklamong inihain ng pamilya Gelacio sa kanyang tanggapan kaugnay sa pagkamatay ni DXVL Newscaster Irah Palencia Gelacio.


Ayon kay Mayor Guzman, naka time table sa Sangguniang ang naturang imbestigasyon at katunayan aniya ay may committee of the whole nan a nakatutok sa kaso ni DXVL Traffic Broadcast Officer Irah Palencia Gelacio. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento