Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Asik-asik Water spring falls, pormal ng binuksan sa publiko


(Alamada, North Cotabato/September 21, 2012) ---Pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou Lala Talino Mendoza ang pagpapasinaya ng pavilion at stairways papunta ng asik-asik springfalls kahapon sa Sitio Dulao, Upper Dado, Alamada, North Cotabato.

Ang ginawang inagurasyon ay bilang hudyat ng pormal na pagpabatid sa publiko na bukas na muli ang asik-asik paguranan spring falls na bisitahin ng publiko.

Farm implements, tinanggap ng G-7 Space for Peace communities sa Pikit, North Cotabato


(Pikit, North Cotabato/September 19, 2012) ---Kasabay ng pagbisita ni Department of Agriculture Assistant Secretary Dante Delima sa unang distrito ng North Cotabato, walong water pumps na may kumpletong accessories ang ipinamahagi para sa mga magsasaka ng bayan ng Pikit.

Benipisyaryo ng nabanggit na farm machineries ay ang GiNaPaLaD- TaKa communities na kinabibilangan ng Ginatilan, Nalapaan, Panicupan, Lagunde, Dalengaoen, Takepan, at Kalacakan na mas kilala sa tawag G- 7 Space for Peace, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

ASec. Delima pinasinayaan ang P20 Milyon irrigation projects sa Alamada, North Cotabato


(Alamada, North Cotabato/September 19, 2012) ---Pinangunahan ni Department of Agriculture Assistant Secretary Dante Delima ang inagurasyon ng dalawang irrigation facilities sa bayan ng Alamada noong Biyernes, September 14 ng taong kasalukuyan.

Kabilang sa pinasinayaang Small Scale Irrigation Project o SSIP ay nakabase sa Sitio Nica-an, Barangay Barangiran na pinaglaanan ng pondong P10 Milyon.

LGU-Kabacan, Nakiisa sa Selibrasyon ng Philippine Civil Service Anniversary


(Kabacan, North Cotabato/September 19, 2012) ---Matagumpay na idinaos ng LGU-Kabacan sa pangunguna ni Mayor George B. Tan ang pagdiriwang ng ika- 112th Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Kawani,  Ikaw ay Isang Lingkod bayani” na isinagawa kahapon.

Mahigit sa 450 na mga estudyante ng elementarya ang nabigyan ng tsinelas, toothbrush, toothpaste, face towel, at school supplies sa Barangay Lower Paatan at Barangay Salapungan.

Tulak droga, huli sa loob ng Kabacan Public Market


(Kabacan, North Cotabato/September 18, 2012) ---Arestado ang isang tindero ng gulay makaraang nahuling nagtutulak ng illegal na droga sa loob ng Kabacan Public Market sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad dakong alas 2:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Thongan Ebrahim Agmas, nasa tamang edad, residente ng Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.

Higit 300 runners sa Midsayap, nakitakbo sa Race for Peace 2012


(Midsayap, North Cotabato/September 18, 2012) ---Umabot sa higit 300 mga runners mula sa iba’t- ibang sektor ang sumali sa Race for Peace Fun Run 2012 na ginanap nitong September 16 sa MIdsayap, North Cotabato.

Sa mga distansyang; 1- kilometer, 3- kilometer at 5- kilometer runs, nagsama- sama ang sektor ng kabataan, grupo ng kababaihan, people’s organizations, government lined agencies, academe at private companies na tumakbo para sa kapayapaan.

Ang inistyatibong ito ay pinangunahan ng Southern Christian College- Community Education, Research and Extension Administration o SCC- CEREA, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Cafgu sugatan sa pagsabog ng granada sa Pikit, North Cotabato



(Pikit, North Cotabato/September 17, 2012) ---Isang Cafgu ang sugatan sa pagsabog ng granada pasado alas 4:00 ng madaling araw kahapon sa may highway ng Pikit, North Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Tirso Wacan na tinamaan ng shrapnel ng pampasabog sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon kay 6th Infantry Division Public Affairs Chief Colonel Prudencio Asto na hinagisan ng granada ang detachment ng Cafgu sa Brgy Batulawan Pikit ng mga di kilalang suspek na agad namang tumakas lulan sa isang motorsiklo.

Marami ang naniniwala na posibling sympathy attack ito sa patuloy na pagbatikos sa pelikulang Innocence of Muslims o kaya kagagawan ng mga taga suporta ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at militar sa naturang pangyayari.



Pagkumpuni sa Central Mindanao Airport sa M’lang, N Cotabato inaasahang masisimulan bago magtapos ang 2012


(M’lang, North Cotabato/September 18, 2012) ---Tinatayang abot sa 160M pesos ang inilaang pondo ng Department of Transportation and Communication o DOTC para sa pagkukumpuni ng Central Mindanao Airport sa bayan ng M’lang, N Cotabato.

Ayon kay North Cotabato 2nd district representative Nancy Catamco, mismong si Secretary Mar Roxas ng DILG ang nagbigay ng sulat kay Secreytary Butch Abad ng Department of Budget and Management upang makapalabas ng pondo para sa commercial airport.

17 most wanted person arestado sa Region 12


(Kidapawan City/September 18, 2012) ---Abot sa 17 na mga wanted person ang inaresto ng mga operatiba ng PNP sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon sa loob lamang ng isang linggo. 

Sa bayan ng Midsayap, North Cotabato, walong mga may kasong attempted murder sa ilalim ng Criminal Case Number 12-200 ang inaresto ng mga pulis. Kinilala ni Sr. Insp. Benjamin Mauricio, information officer at spokesman ng PNP Reginal Office Number 12, ang mga inaresto sa bayan ng Midsayap na sina Norberto Suico, 53, ng Poblacion, Libungan; Ricky O. Alquino, 38, ng Barangay Bual Sur, Midsayap; Danny D. Peñas, 54, ng Barangay Nicaan, Libungan; Nestor B Gabatilla Sr., 56, ng Barangay Balogo, Libungan; Felipe P. Lagancia, 45, ng Poblacion, Libungan; Zoilo Q. Alamo, 44, ng Barangay Sinawingan, Libungan; Teofilo V. Marescal, 57, ng Poblacion-6, Midsayap; at Alexander J. Braza, 55, ng Poblacion-6, Midsayap.

BELGIAN dog na pag aari ng isang board member sa NCotabato tinaguriang bayani matapos makapatay ng isang malaking cobra


(Kidapawan City/ September 18, 2012) ---Malaki ang panghihinayang ng isang mambabatas sa lalawigan ng North Cotabato dahil nasawi ang kanyang Belgian na aso matapos na makagat ng ahas sa kanilang dirty kitchen.

Sa kuwento ni North Cotabato 1st district Board Member Shirlyn Macasarte-Villanueva kay GMAnews-7 stringer Williamor Magbanua  habang nagluluto sa kanilang dirty kitchen ang kanyang close in security, isang nanghihinang palaka daw ang nakita nito.

1 patay, 2 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Kidapawan City


(Kidapawan City/ September 18, 2012) ---Patay on-the-spot ang driver ng Yamaha motorcycle pagkatapos bumangga sa kasalubong na Krypton motorcycle sa may national highway, partikular sa Barangay Sudapin, Kidapawan City, bandang alas-6:30 kagabi.
      
Kinilala ang nasawi na si Tata Ponce, dating trabahante sa isang restaurant sa lungsod.
      
Sugatan naman ang angkas niya’ng babae na ‘di kinilala sa report.

Pagtatatag ng Third District sa N Cotabato, aprubado na


(Kidapawan City/September 18, 2012) ---Nilagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino noong byernes ang Republic Act 10177 o ang paghati sa probinsya ng North Cotabato sa tatlong mga distrito.
      
Ang third district ay magiging epektibo sa May 2013 national elections.
      
Dahil dito, kasama na sa sa ikatlo’ng distrito ang mga bayan ng Banisilan, Carmen, Kabacan, Matalam, M’lang at Tulunan.
      

3 suspected drug courier, arestado sa magkahiwalay na operasyon ng sa Kabacan at Midsayap PNP


(Kabacan, North Cotabato/September 17, 2012) ---Arestado ang tatlo katao sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad kontra illegal na droga sa bayan ng Kabacan at Midsayap nitong Sabado.

Nahuli ang dalawang tulak droga na taga-Kabacan na kinilalang sina Michael Bona Flores, 28-anyos, may asawa at isang Bayan Makakwa Sandialon, 36, may asawa, driver at kapwa residente ng Roxas St., Poblacion ng baying ito bandang alas 7:43 ng umaga nitong Sabado.