Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Walang Picture at Biometrics sa Comelec, matatanggal ang pangalan sa masterlist

(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014) ---Posibleng matatanggal sa master list ang pangalan ng mga botanteng walang picture at biometrics na kuha mismo mula sa tanggapan ng Commission on Elections o Comelec.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Kabacan Comelec Officer Gideon Falcis.

Aniya, sisimulan nilang tanggalin sa listahan ang walang mga picture at maraming discrepancies sa susunod na taon.

Mass Measles Vaccination, sisimulan na ngayong buwan ng Setyembre

(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014) ---Gagawin sa buong buwan ng Setyembre ang mass measles vaccination at polio vaccine immunization na magsisismula sa Setyembre a-2 hanggang a-30.

Ayon kay Kabacan Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon na magsasagawa sila ng ‘door-to-door’ na pagbabakuna sa mga batang may edad siyam na buwang gulang hanggang walong taon.

Kabacan PNP Traffic Division, muling nagpaalala sa publiko na maging maingat sa pagmamaneho

(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014) ---Muling nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Kabacan PNP traffic division sa publiko na maging maingat sa pagmamaneho.

Ginawa ng himpilan ang pahayag matapos na mapatay sa aksidente sa banggaan ng motorsiklo at tricycle ang isang drayber na kinilalang si Jeniper Rapista ng Bonifacio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Public Hearing hinggil sa taas singil pasahe sa Kabacan, isasagawa ngayong umaga

(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014) ---Gagawin ngayong umaga ang isang public hearing hinggil sa taas piso na singil pasahe sa lahat ng puroks dito sa Poblacion ng Kabacan na isasagawa sa Municipal gymnasium.

Ayon kay Councilor Herlo Guzman Sr., may hawak ng Committee on transportation and Communication sa Sanggunian ma layon nito na amiendahan ang ordinance No. 2008-008.

Mindanao wide Skills sa IT at Tourism sector competition, isinasagawa sa USM

(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014) ---Isasagawa  ngayong araw dito sa University of Southern Mindanao ang Provincial at Mindanao wide Skills Competition na pangungunahan ng College of Human Ecology and Food Sciences o CHEFS at ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Cotabato na gagawin sa USM gymanasium.

Ayon kay event coordinator Shirl Mae Malacad Bebit na handing-handa na ang kanilang pamunuan para sa gagawing competisyon.

2 mga budol-budol gang na nahuli sa Kabacan, tukoy na ang pagkakakilanlan

(Kabacan, North Cotabato/ August 28, 2014) ---Tukoy na ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan ng dalawang mga budol-budol gang na nahuli ng mga otoridad nitong Martes ng tanghali dito sa Poblacion, Kabacan.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang dalawang mga naarestong budol-budol gang na sina: Alfredo Valdez, 65-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Dolo, Bansalan, Davao del sur at Anthony Ancajas Corcuera, 32-anyos, kasado at residente ng Javier St., Rosary Heights Subdivision, Cotabato City.

Concierto Centenario, dinumog ng maraming tao sa kabila ng masungit ng panahon

(Amas, Kidapawan City/ August 28, 2014) ---Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at sungit ng panahon di pinalampas ng libu-libong manonood ang Concierto Centenario kagabi sa Provincial Capitol Grandstand, Amas, Kidapawan City masilayan lamang ang isa sa pinakasikat at teenage idol ngayon ng Philippine cinema na si Daniel Padilla.

Di mahulugang karayom ang mga manonood na mga Cotabateños simula ng mag perform ang mga local bands kungsaan humataw din ang mga ito bago nag-perform ang mga artista kasama na dito ang Maki-Rudy Band ng Makilala, Cotabato, AWA band at Malacasso Band at si Vincent Ibañez.

Hindi rin nag pahuli si Max Surban na tinaguriang “King of Visayan Songs”  ang nagpasikat sa mga Visayan songs na “Turagsoy”, “Kurdapya”, “Kwarta” at iba pa.

Binatilyong tubong Kabacan na magaling kumanta, kumalat na parang viral ang video sa social media

(Kabacan, North Cotabato/ August 28, 2014) ---Kumalat na parang viral sa social media ang video ng 15-anyos na binatilyo na tubong Kabacan, Cotabato.

Sa panayam ng DXVL News kay Jong Madaliday na di nito, inakala na magiging sikat ito sa facebook dahil sa umaabot na sa 200,000 ang likes nito na umaabot na rin ngayonng 33,000 shares ang kanyang video.

Si Jhong Madaliday ay residente ng Plang Village at nag-aaral sa Lumayong High School at panganay sa apat na magkakapatid.

Nagpa audition na rin ito sa The Voice Season 2 kung saan pumasa na ito sa unang screening.

Sa eksklusibong interview sa DXVL, napag-alaman na kinunan umano sila ng video nang nagngangalang si Zacky Kandalayang habang nagtutugtugan sa isang sari-sari store sa Plang Village kasama ang kanyang kaibigan.

Mga naglalakihang movie stars at banda tampok sa Concierto Centenario

AMAS, Kidapawan City (Aug. 27) – Tiyak na magiging bit hit ang Concierto Centenario na gagawin sa Provincial Capitol Grandstand, Amas, Kidapawan City sa Aug. 27, 2014 ganap na alas-singko ng hapon.

Kumpirmado na kasi ang pagtatanghal ng isa sa pinakasikat at teenage idol ngayon ng Philippine cinema na si Daniel Padilla na bago lamang ay pinahanga ang lahat sa kanyang pelikulang “She’s dating with a gangster” na naging super blockbuster.

Ayon kay Jevie Curato ng Provincial Treasurer’s Office at siyang Focal Person ng Concierto Centenario, kumpirmado na ang pagpunta ni Padilla sa Cotabato upang mag-perform sa harap ng libo-libong katao.

Lalaki, sugatan sa pamamaril sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ August 27, 2014) ---Patuloy ngayong nagpapagaling sa isang ospital sa Kidapawan City ang isang lalaki makaraang pagbabarilin sa bahagi ng Sitio Napanlahan, Poblacion bayan ng Arakan, Cotabato alas 11:45 kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang biktima na si Randy Bendol Rivera, 37-anyos, binata at residente ng Kasiyahan, Poblacion ng nasabing bayan.

Magsasakang nahaharap sa kasong homicide, boluntaryong sumuko sa Arakan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 27, 2014) ---Bulontaryong sumuko ang isang magsasakang nahaharap sa kasong homicide sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Arakan, Cotabato kahapon.

Ayon kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang sumukong si Hernei Jangco Teves, 52-anyos at residente ng Datu Ladayun, Arakan, Cotabato.

Agaw Motorsiklo, naitala sa Libungan PNP

(Libungan, North Cotabato/ August 27, 2014) ---Tinangay ng mismong kaibigan ng biktima ang motorsiklo nito sa nangyaring agaw motorsiklo sa bahagi ng Sitio Bangar Batiocan sa bayan ng Libungan, Cotabato alas 12:20 ng madaling araw kahapon.

Sa ulat ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas na tinagay ng suspek na si Mark Marvin Hilarion Senarosa, nasa tamang edad ang motorsiklo ng kanyang kaibigang biktima na si Julius Cesar Duque at residente ng Pobalcion 8, Midsayap, Cotabato.

Seguridad sa mga lugar na madalas sinasalakay ng BIFF, hinigpitan ng militar

(Aleosan, North Cotabato/ August 27, 2014) ---Mas hinigpitan ngayon ng militar ang kanilang pagbabantay sa mga lugar na madalas sinasalakay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF kasabay ng pagtitiyak na walang dapat ikabahala sa panibagong pagsalakay ng ng BIFF sa Barangay Dungguan, Aleosan, North Cotabato.

Ito ang ipinahayag ni 602nd Brigade spokesperson Captain Calvin Makatangay kungsaan kanilang napaghandaan ang anumang pag-atake ng BIFF dahil na rin sa mga naunang impormasyong kanilang natatanggap mula sa intelligence reports.

Mga kawatan muli na namang naglipana sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ August 27, 2014) ---Nilooban ng mga di pa nakilalang mga kawatan ang isang Internet Cafe sa Dayaw street, Kidapawan city kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga gamit na natangay ang isang System unit, Computer monitor at Digital camera kungsaan abot sa P6,000 ang nalimas ngmga ito.

Carmen, North Cotabato niyanig ng 3.2 magnitude na lindol

(Carmen, North Cotabato) ---Niyanig ng 3.2 Magnitude na lindol ang Carmen,North Cotabato alas 3:11 ng madaling araw kanina.

Batay sa ulat ng Phivolcs ay tectonic ang pinagmulan.

Ang lindol ay may lalim na 1 kilomentro.

2 mga budol-budol gang, arestado sa Kabacan, Cotabato!

(Kabacan, North Cotabato/ August 27, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng dalawang mga pinaniniwalaang budol-budol gang makaraaang maaresto ang mga ito sa bahagi ng National Highway , partikular sa harap ng the Generic Pharmacy, Poblacion, Kabacan, Cotabato kahapon ng tanghali.

Nahuli ang dalawang mga suspek sa tulong ng Traffic Management Unit, mga tanod at kapulisan ng maispatan ng security guard ng nasabing establisiemento na kaduda-duda ang ikinikilos ng mga ito.
Planu sanang biktimahin ng mga ito ang isang matanda.

4 barangay sa Kabacan, apektado ang serbisyo ng tubig -KWD

(Kabacan, North cotabato/ August 26, 2014) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang pag-sasaayos ng Kabacan Water District sa kanilang submersible motor pump station.

Dahil dito, tatlong mga barangay ngayon ang apektado ng serbisyo ng tubig at ito ay ang brgy. Malanduage, Pisan, Bannawag at ilang bahagi ng Brgy. Aringay.

P200K, danyos sa nangyaring sunog sa isang residential House sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 26, 2014) ---Abot sa P200,000 ang natupok sa nangyaring sunog sa isang residential house sa bahagi ng Quirino St., Poblacion, Kabacan, Cotabato kahapon ng tanghali.

Sa panayam ng DXVL news kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer David Don Saure na tuluyan ng na fire out ng mga kagawad ng pamatay apoy ng Bureau of Fire Protection Kabacan ang nasabing sunog alas 12:45 ng tanghali.

Pambato ng Alamada itinanghal na Mutya ng North Cotabato 2014 Centennial Queen

From left to right) Aleana Grace F. Corpuz - 4th Runner Up, Stephanie Joy G. Abellanida - 3rd Runner Up, Ma. Jemi Keziah D. Arroyo-Mutya, Charnaine R. Fajanela - 1st Runner Up, Clarice Faith V. Tero - 2nd runner Up. (Photo by Jimmy Sta. Cruz)
AMAS, Kidapawan City (Aug. 25) – Dahil sa ipinakitang husay sa pagrampa, pagdala ng sarili at kasuotan at pagsagot sa Question and Answer, napili bilang Mutya ng North Cotabato 2014-Centennial Queen ang kandidata mula sa bayan ng Alamada na si Ma. Jemi Keziah D. Arroyo.

Tinalo ni Arroyo ang 14 na iba pang mga kandidata at iniuwi ang korona bilang pinakamagandang dilag sa lalawigan ngayong taon na siya ring tinaguriang Centennial Queen kaugnay ng ika-100 taon ng Cotabato.

Si Arroyo ay 22 taong gulang at nagtatrabaho bilang isang nurse. 

GRANADA, sumabog sa highway ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

(Cotabato city/ August 25, 2014) ---Nagulantang ang mga residente ng Datu Odin Sinsuat o DOS, Maguindanao matapos makarinig ng malakas na pasabog pasado alas sais kagabi.

Sinabi ni DOS PNP Chief Police Insp. Datu Tulong Penguiaman na naganap ang pagsabog sa isang madalim at isolated na lugar sa crossing Tamontaka.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng DOS PNP, lalaking naka-motorsiklo ang naghagis ng naturang Granada.

Lalaki, pinagtataga ng mismong kapatid

(Maguindanao/ August 24, 2014) --- Pinagtataga hanggang sa maputol ang daliri ng isang lalaki ng mismong kapatid nito dahil sa matinding galit sa Sitio Lomboy, Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Roel Bello, 28-anyos at residente ng nasabing lugar habang ang tinuturong suspek naman na kanyang kapatid ay kinilala sa pangalang Freddie.

Pamangkin ng Vice Mayor na pinukpok ng martilyo, naoperahan na, pamilya patuloy na humihingi ng tulong pinansiyal

(Kabacan, North Cotabato/ August 25, 2014) ---Nasa mabuti ng kalagayan ngayon si Richard Nimer, ang estudyante ng University of Southern Mindanao at Pamangkin ni Kabacan Vice Mayor Myra Dulay Bade na pinukpok ng adik ng martilyo sa ulo.

Ito makaraang maoperahan ang sugatang ulo nito sa Davao City, ayon pa kay Vice Mayor Bade.
Aniya, planu ng pamilya na ma discharge na sa hospital si Nimer upang di na lumaki ang kanilang bill sa isang bahay pagamutan.

3 suspected drug courier, huli sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 25, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang tatlong mga pinaniniwalaang tulak droga sa magkahiwalay na operasyon ng kapulisan sa bayan ng Matalam at Kidapawan City.

Batay sa ulat, unang natiklo si Jusayn Sison Kintanar, 43-anyos, negosyante at residente ng last block, Bautista Street, Kidapawan City pasado alas 10:00 ng umaga nitong Biyernes.

Narekober mula sa bahay ng suspek ang isang  sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at ilang drug paraphernalia.

Lalaki, bulagta sa riding in tandem

(Pikit, North Cotabato/ August 25, 2014) ---Pinagbabaril muna bago tinangay ang motorsiklo ng isang di pa nakilalang biktima sa nangyaring krimen sa bahagi ng National Highway ng brgy. Dalingaoen, bayan ng Pikit, North Cotabato alas 11:45 kamakalawa ng gabi.

Sa report ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas na binabaybay ng biktima ang kahabaan ng National Highway papunta sa bayan ng Aleosan sakay sa kanyang kulay asul na Honda XRM 125 ng buntutan ng riding tandem sa nabanggit na lugar.

Armadong Kawatan, patay sa pamamaril, 1 pang BPAT member, sugatan din

(Kabacan, North Cotabato/ August 25, 2014) ---Napaslang ang isa sa dalawang sinasabing notoryos na akyat bahay gang na armadong magnanakaw sa nangyaring pamamaril sa bahagi ng Bonifacio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato Sabado ng gabi.

Ayon sa report ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP pinasok ng dalawang armadong lalaki ang establisiemento ng isang Cristin Joy Cagud na naging dahilan ng pagkabulahaw ng mga umuukupa sa bahay.

Mga naglalakihang celebrities darating sa Grand Coronation Night ng Mutya ng North Cotabato 2014 Centennial Queen



AMAS, Kidapawan City (Aug 25) – Kabilang ang tatlong former Bb. Pilipinas-Universe at Miss Universe runner-ups na sina Venus Raj, Shamcey Supsup at Ariella Arida at ang kasalukyang Bb. Pilipinas-Universe na si MJ Lastimosa sa mga bituin na darating sa Grand Coronation Night ng Mutya ng North Cotabato 2014 Centennial Queen.

Gaganapin ito mamayang gabi sa Provincial Capitol gymnasium, Amas, Kidapawan City bandang alas-sais.

Ayon kay Ralp Ryan Rafael, Focal Person ng Provincial Governor’s Office Media Affairs at Head ng Screening Committee at Technical Working Group ng search, kumpirmado na ang pagdating ng naturang mga celebrities upang makibahagi sa isa sa pinakamalaking aktibidad kaugnay ng centennial celebrations at Kalivungan Festival ng lalawigan ng Cotabato.