(Kabacan, North cotabato/ August 26, 2014)
---Patuloy pa ngayon ang ginagawang pag-sasaayos ng Kabacan Water District sa
kanilang submersible motor pump station.
Dahil dito, tatlong mga barangay ngayon ang
apektado ng serbisyo ng tubig at ito ay ang brgy. Malanduage, Pisan, Bannawag
at ilang bahagi ng Brgy. Aringay.
Ayon sa KWD, posibleng makakaranas ng
mahinang pagdaloy ng tubig hanggang sa mawalan ng tubig ang mga residente sa
nabanggit na lugar.
Agad namang maibabalik ang serbisyo ng tubig
sa naturang mga lugar matapos ang ginagawang pagkukumpuni ng pamunuan ng
Kabacan Water District. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento