(Kabacan, North Cotabato/ August 7, 2015) --Kinilala
ng Department of the Interior and Local Government ang Bayan ng Kabacan bilang
isang Munisipyo na nagpakita ng isang totoong Good Local Governance.
Ang Bayan ng Kabacan ay pumasa sa lima sa
anim na aspeto ng Local Governance Assessment Areas para sa taong 2014.
Ito ang inihayag ni Kabacan Mayor Herlo P.
Guzman, Jr., sa panayam ng DXVL News kanina kungsaan ang mga nasabing areas na
ito ay ang (1) Good Financial Housekeeping, (2) Disaster Preparedness, (3)
Business-friendliness and Competitiveness, (4) Peace and Order, at (5)
Environmental Management.
Ayon naman kay pagsisikapan pa umano ng
Lokal na Pamahalaan ng Kabacan na maipasa ang mga requirements para sa Social
Protection Component ng nasabing Seal of Good Local Governance.
Ang nasabing Social Protection Component ng
SGLG ang hindi napasahan ng LGU Kabacan.
Kinakailangan pa umanong bigyang
pansin ng LGU Kabacan ang pagkakaroon ng LGU-managed Youth Home, Bahay-Pag-asa
at iba pa, Compliance with Accssibility Law at Maternal Care Package.
Ang nasabing Assessment Activity ay ginawa
noong June 25, 2015.
Dagdag pa ni Mayor Guzman na ang pagkilala
umano ng ibat-ibang ahensiya ng Gobyerno sa Bayan ng Kabacan ay isang
indikasyon na ang mga programa at serbisyo ay naibibigay ng tama sa lahat ng
mga Kabakenyos.
Matatandaan na naging Top 4 Most Competitive Municipality din
ang Bayan ng Kabacan sa buong Pilipinas ayon sa National Competitive Index ng
National Competitiveness Council of the Philippines. (Sarah Jane C. Guerrero,
Office of the Municipal Mayor, Kabacan)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento