Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

11 anyos na bata, patay sa pamamaril sa Matalam, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Matalam, North Cotabato/ February 26, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 11-anyos na bata makaraang paulanan ng bala ang pamilya nito at ang katiwala sa may bahagi ng Sitio Israel, Barangay New Abra, Matalam, North Cotabato pasado alas 7:00 ng umaga kahapon.

Sa impormasyong ipinarating sa DXVL News ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, kinilala nito ang biktima na si Jeseryl Diosma, nasa ikatlong baitang ng New Tigbawan Elementary School sa nasabing lugar.

Tulak Droga, tiklo!

(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2015) ---Kalaboso at naghihimas ngayon ng malamig na rehas na bakal ang isang lalaki makaraang mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang Mobile Chokepoint ng Kabacan PNP sa Lapu-lapu St. Purok Crislam, Brgy. Poblacion Kabacan Cotabato alas 5:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na isang Saba Ebrahim.

Nakuha mula sa suspek ang 3 sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang piraso ng aluminum foil.

Isa sa malayong Brgy. ng Kabacan, mabibigyan ng libreng Solar Panels mula sa DoE

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2015) --- Mabiyayaan ng pailaw ang Brgy. Tamped sa bayan ng Kabacan matapos na mabibigyan ang mga ito ng 291 Solar Panels na libreng ilalagay sa nasabing lugar buhat sa Department of Energy.

Ayon kay USM-Affiliated Renewable Energy Center Technical Division Head Engr. Arnulfo Ocreto sa panayam ng DXVL News na anumang araw simula ngayon ay kanila ng ilalagay ang nasabing kagamitan sa Brgy. Tamped.

4 na bilanggo na pumuga, tinutugis

(North Cotabato/ February 26, 2015) ---Apat na mga preso ang pumuga sa mula sa Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP) sa Malapatan sa lalawigan ng Sarangani alas 7:30 kagabi.

Kinilala ni C/Insp. Robert Gabayeron, hepe ng Malapatan Police station ang mga pumuga na sina Ronald Upos, 23, may kasong pagnanakaw; Roberto Carapayko, 21; Gerald Lipasan may kasong carnapping at Romnick Poster na nahaharap sa kasong murder. Ang mga ito ay pawang mga residente ng Malungon, Sarangani.

Mga nasunugan ng bahay, bibigyan ng tulong ng LGU Pikit

(Pikit, Cotabato/ February 26, 2015) ---Bagama’t humupa na ang tensiyon sa ilang barangay ng Pikit , North Cotabato ang ilang mga residente naman partikular sa Brgy. Kabasalan ay wala ng mababalikang tirahan, ito makaraang sunugin ng mga armadong grupo.

Kaugnay nito, magpapalabas naman ng tulong ang LGU Pikit sa mga residenteng naapektuhan matapos na isinailalim ang bayan sa state of Calamity.

Sa panayam ng DXVL News, sinabi naman ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Head Tahira Kalantongan na nasa 40 posiento pa ng mga bakwit ang nakatira ngayon sa mga evacuation center.

Bigtime na Drug Pusher, arestado!

(Cotabato City/ February 26, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang pinaniniwalaang bigtime na Tulak Droga sa Cotabato City pasado alas 6:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PDEA ARMM Director Filemon Ruiz ang suspek na Mona Musa Bagundang alias Bai na taga Boliao 2, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.

Responsable sa pagsunog ng bahay ni Marwan, hindi pa tukoy sa kasalukuyan

by: Christine Limos 

(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2015) ---Hindi pa tukoy hanggang sa kasalukuyan ang armadong grupo na responsable sa pagsunog ng bahay ni Malaysian National at International Terrorist Zulkifli Binhir alyas Marwan sa Brgy. Timbalakan Mamasapano, Maguinadanao.

Ito ang inihayag ni PSI Reggei Albellera ang hepe ng Mamasapano PNP sa panayam ng DXVL News. 

Aniya isolated ang lugar at wala masyadong tao at hindi alam kung anong materyales ang ginamit sa pagsunog.

P25M na halaga ng shabu, nasamsam!

(North Cotabato/ February 25, 2015) ---Nasamsam ng mga otoridad ang malaking halaga ng shabu sa isinagawnag operasyon ng kapulisan sa isang bahay sa Purok Malipayon, Barangay Ambalgan, Sto. Niño, South Cotabato alas-10:30 kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya, abot sa P25M ang halaga ng nasabing shabu.

USM, walang planung magtaas ng matrikula sa susunod na pasukan

(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2015) ---Mananatili pa rin sa isa sa mga State Universities  na may pinakamababang singil sa matrikula sa buong South Central Mindanao ang University of Southern Mindanao.

Ito ang inihayag ni USM President Francisco Gil N. Garcia sa panayam ng DXVL News.

80 mga OFW, sumailalim sa OFW Orientation sa Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2015) ---Matagumpay na idinaos ang Municipal OFW Oreintation and Consultaive Assembly sa Kabacan Municipal Gym alas 9:00 kahapon ng umaga.

Ayon kay Kabacan Municipal OFW Desk Officer Yvonne Saliling, 80 mga Balik-bayan at OFW-active members ang dumalo sa nasabing aktibidad. 

“Walk for a fire-free and fire-safe nation” ng Kabacan Cental Fire Station, gagawin sa pagbubukas ng Fire Prevention Month sa buwan ng Marso

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2015) ---Sa layuning mabigyan ng sapat na kaalaman hinggil sa kaligtasan sa sunog ay isasagawa ang isang walk for Walk for a fire-free and fire-safe nation na may temang “Kaligtasan sa Sunog, Alamin, Gawin at isabuhay natin” sa darating na Marso a-1 sa susunod na buwan.

Magsisimula ang nasabing aktibidad alas 4:00 ng madaling araw.

Mga armas na narekober ng MILF kasalukuyang bineberipika pa

By: Christine Limos

(North Cotabato/ February 25, 2015) ---Kasalukuyan pang beniberipika ang mga armas na narekober sa mga Moro Islamic Liberation Front. Ito ang inihayag ni MILF Spokesperson Jabib Guiabar sa panayam ng DXVL news. 

Aniya beniberipika pa ng ibat ibang mga kumander ng MILF na na-assign sa sa ibat ibang area sa bayan ng Pikit at Pagalungan ito upang magkakaroon pa umano ng pagpupulong sa Eastern command.

Mga bakwit sa Pikit at Pgalungan, unti-unti ng bumabalik sa kanilang lugar

(North Cotabato/ February 25, 2015) ---Ligtas ng nakabalik sa kani kanilang mga bahay ang mga bakwit na lumikas sanhi ng kaguluhan matapos na magsagawa ng clearing operation ang 7th Infantry Battalion at 602nd Brigade kamakalawa sa Baranggay Kabasalan, Pikit, Cotabato.

Sa panayam ng DXVL News kay 602nd Brigade Commander Col. Noel Clement inihayag nitong wala ng tropa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa area.

Naki usap din si Clement sa mga residente na kung sakaling may makikita pang mga eksplosibo sa lugar agad na ipagbigay alam sa mga otoridad.

Militar, patuloy na nakaalerto

(North Cotabato/ February 25, 2015) ---Hindi ibinaba ng militar ang kanilang antas ng seguridad na mga lugar na sakop ng 6th infantry Division, Philippine Army.

Ito matapos na makasagupa ng 1st Mechanized Brigade  ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedon Figthers o BIFF sa Brgy Mapayag Datu Angal  Midtimbang, Maguindanao noong linggo.

Magkapatid, patay sa pamamaril sa Cotabato City

(North Cotabato/ February 25, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa dalawang magkapatid makaraang pagbabarilin sa bahagi ng Jose Lim Sr. St. corner General Corcuera, Cotabato City pasado alas otso ng umaga kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Buagas Abdul, 16-anyos at kapatid nitong si Dido Abdul, 25-anyos.

Serbisyo ng RHU Kabacan, pinalalakas pa

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2015) ---Sa inaprobahang proposal ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr na isinumite ni Municipal Health Officer, Dr. Sofronio T. Edu, Jr. iba’t-ibang mga health instruments, equipment, furniture at fixtures gaya ng 1 unit air-condition, refrigerator, weighing scale, examining table with stirrups at maraming iba para sa pagpapagana sa katatayo lamang na Barangay Poblacion Health Center.

Ang layunin ng nasabing proyekto ay upang magkaroon ng mas epektibo at karampatang serbisyong maihahatid sa mga mamamayan at ang pagpapalakas at pagpapatibay pa sa Local Health System sa bayan ng Kabacan.

Reklamo re: maraming bayarin sa KNHS, ipinauubaya ni Supt. Obas sa PTA

(Kabacan, Cotabatao/ February 24, 2015) --- Ipinauubaya ni Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas sa Parents Teachers Association ang reklamo hinggil sa maraming bayarin sa Kabacan National High School.

Ito ang reaksyon ni Obas sa reklamo sa Kabacan National High School na marami umanong sinisingil maliban sa weekly dues at iba pang bayarin, matapos na mainterbyu ng DXVL News.

Mahigit 30 mga kabahayan, sinunog ng BIFF sa Brgy. Kabasalan, Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ February 24, 2015) ---Nasa 38 mga kabahayan ang sinunog ng mga pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ng makubkob nila ang ilang bahagi ng Brgy. Kabasalan sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Naaktuhan mismo ng DXVL News ang isang bahay na naabu na matapos na sunugin ng mga armadong grupo.

Ang nasunog na bahay ay malapit lamang sa Kabasalan Elementary School.

Ilang araw na ring walang pasok sa nasabing paaralan dahil sa nasabing kaguluhan.

Ilang paaralan sa mga baranggay sa Pikit na apektado ng kaguluhan suspendido ang klase

(Pikit, North Cotabato/ February 24, 2015) ---Nag suspende ng klase ang ilang mga paaralan sa mga baranggay sa bayan ng Pikit na apektado ng kaguluhan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF. 

Ito ang inihayag ni Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL news.

Inihayag din niya na abot humigit kumulang dalawang libo at limang daang estudyante ang apektado ng kaguluhan mula sa dalawang secondary schools at anim na paaralang elementarya. 

Ilang mga armas ng BIFF, narekober ng MILF sa isinagawang clearing operations sa Pikit, Cotabato, planung i-turn-over ng MILF sa mga sundalo

(Pikit, Cotabato/ February 24, 2015) ---Narekober ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF ang ilang mga armas ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa isinagawang clearing operation ng mga ito kamakalawa.

Ito ayon kay Local Monitoring Team Jabib Guiabar, na siya ring tagapagsalita ng MILF North Cotabato.

Aniya, nagpaabot na ng sulat ang kanyang pamunuan sa Central Committee ng MILF upang i-turn-over sa militar ang mga narekober na armas sa nangyaring girian sa ilang brgy. sa bayan ng Pikit.

Magsasaka, patay sa pamamaril sa Matalam, Cotabato; 1 pang kasama nito nakaligtas

(Matalam, North Cotabato/ February 23, 2015) ---Patay on the spot ang isang 42-anyos na magsasaka makaraang paulanan ng bala sa bahagi ng Purok 3, brgy. Estado, Matalam, Cotabato alas 6:30 kagabi.

Sa report ni SPO4 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala nito ang biktima na si Reynaldo Villega Alquiza, 42-anyos, may asawa at residente ng Purok 2 ng nasabing lugar.

BNS, BHW, Day Care Workers, Tanod at BPAT, ng bayan ng Kabacan, nakatanggap ng biyaya mula Provincial Government of Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ February 23, 2015) ---Dinagsa ng BNS, BHW, Day Care Workers, Brgy. Tanod at BPAT, mula sa ibat-ibang barangay mula sa bayan ng Kabacan ang municipal gym ng bayan, matapos na namigay ng bonus ang Provincial Government of Cotabato noong biyernes.

Ayon kay Kabacan Hon. Vice Mayor Myra Dulay Bade sa naging panayam ng DXVL,

Negosyante sa bayan ng Carmen, North Cotabato; itinumba

(Carmen, North Cotabato/ February 23, 2015) ---Patay on the spot ang isang negosyante matapos itong pinagbabaril ng mga mga di pa nakikilalang mga salarin sa panulukan ng Dima dalid St. Poblacion Carmen, Cotabato alas 5:30 ng hapon kamakalawa.

Kinilala ng Camen PNP ang biktima na isang Fernando Managit, 46 anyos, may asawa, negosyante at residente ng nasabing lugar.

North Cotabato PNP, naka Full alert status pa rin

(Kabacan, North Cotabato/ February 23, 2015) ---Naka full alert pa rin ang mga kapulisan ng North Cotabato dahil sa nangyayaring kaguluhan sa lalawigan.

Ito ang inihayag ni P/SSupt. Danilo Peralta Provincial Director ng Cotabato PNP sa panayam ng DXVL news.

Mga bakwit, maari ng bumalik sa kanilang lugar matapos na magsagawa ng opensiba ang militar sa boundary ng Pagalungan, Maguindanao at Pikit, Cotabato

(Pikit, Cotabato/ February 23, 2015) ---Pinayuhan ngayon ng mga militar ang libu-libung mga residente na nagsilikas na maari ng makabalik sa kanilang lugar ang mga ito anumang oras ngayong araw.

Ito ang pagtitiyak ng mga otoridad sa impormasyong ipinarating sa DXVL News ni Col. Orlando Edralin, ang Commanding Officer ng 7th IB.

Roadside Bomb, sumabog; 2 dedo, 11 sugatan

(North Cotabato/ February 23, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang dalawang sundalo habang ng 11 ang sugatan ng magkaroon ng roadside bombing sa Kampo 5, Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato ala-1:30 kahapon ng hapon.

Batay sa ulat, sumabog ang improvised explosive device (IED) ng dumaan ang sinasakyan ng mga sundalo sa lugar, maaring natabunan lamang ang naturang IED na itina-on ang pagsabog ng dumaan ang sasakyan ng militar.

Mga High School Students sa Pikit, ni-rerecruit na umanib sa armadong grupo?

(Pikit, Cotabato/ February 23, 2015) ---Bagama’t humupa na nag tensiyon at naitaboy na ng mga sundalo ang pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa ilang brgy. sa bayan ng Pikit, patuloy pa rin ang ginagawang negosasyon ng pamahalaang lokal ng Pikit sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at Moro Islamic Liberation Front o MILF upang mapaki-usapan na iwasan na lang ang kaguluhan para di na madamay ang mga sibilyan.

Ito ang inihayag ni PI Sindato Karim hepe ng Pikit PNP sa panayam ng DXVL news.

Pinabulaanan din ni PI Karim ang report na may mga estudyante na nire-recruit para umanib sa mga armadong grupo.