By: Christine
Limos
(North Cotabato/ February 25, 2015)
---Kasalukuyan pang beniberipika ang mga armas na narekober sa mga Moro Islamic
Liberation Front. Ito ang inihayag ni MILF Spokesperson Jabib Guiabar sa
panayam ng DXVL news.
Aniya beniberipika pa ng ibat ibang
mga kumander ng MILF na na-assign sa sa ibat ibang area sa bayan ng Pikit at
Pagalungan ito upang magkakaroon pa umano ng pagpupulong sa Eastern command.
Hanggang sa ngayon ay wala pa silang
aktwal na record kung ilan at anong klase ng armas ang narekober.
Inihayag din ni Guiabar na halos 50
hanggang 60 percent na ang mga residente na nakabalik sa kani kanilang mga
bahay.
Samantala, matagal na daw umanong may
nangyayaring pag uusap at hindi pa rin makita ang magandang resulta at ang
labanan umanong nangyayari sa Pikit at sa ibat ibang bahagi ng Maguindanao ay
tungkol sa pulisiya ng MILF na pagproprotekta sa kanilang mga area.
Dagdag pa niya na sa ngayon ay di
niya masabi na may ugnayan ang MILF at BIFF.
Nanawagan din si Guiabar sa kahit
anong grupo na habang nagpapatuloy ang peace process ay obserbahan at kung
sakaling magbunga ng maganda para sa kapakanan ng karamihan ang usaping
pangkapayapaan ay suportahan ng lahat hindi lamang sa Bangsamoro kundi pati sa
mga Kristiyano at hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong Pilipinas. With Rhoderick Beñez DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento