(Kabacan, North Cotabato/ February
25, 2015) ---Mananatili pa rin sa isa sa mga State Universities na may pinakamababang singil sa matrikula sa
buong South Central Mindanao ang University of Southern Mindanao.
Ito ang inihayag ni USM President
Francisco Gil N. Garcia sa panayam ng DXVL News.
Anya hindi umano kasali ang USM sa
mga nagbabalak na magtaas ng singil sa matrikula at ito ay mga pribadong
Unibersidad at Kolehiyo lamang, dagdag pa ni Dr. Garcia.
Anya, bagamat hinidi magtataas ng
singgil ang pamantasan ay hinahanapan parin nila ng paraan upang mapaglaanan ng
pondo ang lahat mga pangangailangan nito sa pamamagitan pagpapaigting ng mga
Income Generating Projects at malaking tulong din umano ang ibinibigay ng
tulong na ibinibigay pamahalaan.
Binigyang diin ng opisyal na kanilang
binibigyang prioridad ang pab bigay ng pondo sa talagang nangagailangan lalong
lalo na ng mga estudyante.
Ipinagmalaki naman si President
Garcia ang patuloy pang ginagawang P25 milyung pisong halaga na gusali at
nagpasalamat din ito sa binigay na covered Court ng Provincial Government of
Cotabato sa pangunguna ni Gov. Lala Taliño Mendoza at nagpaabot din ng pagbati
sa kaarawan ng Gobernadora ngayong araw. Mark
Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento