Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BREAKING NEWS: Harap ng Mababang Hukuman ng Kabacan, hinagisan ng granada

(Kabacan, North Cotabato/ July 6, 2013) ---Muli na namang niyanig ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan ngayong gabi lamang.

Sa live interview ng DXVL News kay PInsp. Tirso Pascual, inihagis ng mga di pa nakilalang mga salarin ang granada sa harap ng Regional Trial Court RTC Branch 22 na nasa Municipal compound ng Kabacan bago mag-alas 8:00 ngayong gabi.

Dalagita, patay matapos masagasaan ng sasakyan

(Kabacan, North Cotabato/ July 5, 2013) ---Patay ang 16-anyos na dalagita makaraang masagasaan ng sasakyan sa may roundball ng Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 9:15 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP traffic division ang biktima na si Rihana Gomonsang, 16 at residente ng Batulawan, Pikit, Cotabato.

Pikit PNP naka-alerto matapos na mamataan ang armadong grupo sa lugar

(Pikit, North Cotabato/ July 5, 2013) ---Nakaalerto ngayon ang pamunuan ng Pikit PNP matapos na mamataan ang ilang grupo ng mga armadong pangkat sa boundary ng Brgy. Langayen sa bayan ng Pikit at brgy. Dungguan sa bayan ng Aleosan.

Ayon kay PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP mag-limang araw na umanong namataan ang mga pinaniniwalaang grupo ng Bangsamoro Freedom Fighters o BIFF sa nabanggit na lugar.

Iskolars ng special study grant sa Distrito Uno ng N. Cotabato, inindorso na sa CHED- XII

(Midsayap, North Cotabato/ July 5, 2013) ---Abot sa labinglimang iskolar ang inindorso ng tanggapan ng Unang Distrito ng North Cotabato sa Commission on Higher Education o CHED Regional Office XII.

Sila ay inaasahang mabibigyan ng dagdag tulong pang- edukasyon sa ilalim ng CHED Special Study Grant Program na inilaan para sa unang distrito ng North Cotabato.

Natukoy ang mga pumasang aplikante sa pamamagitan ng mga isinumite nilang dokumento sa opisina ng kongresista alinsunod sa batayang itinakda ng CHED, ayon sa report ni PPALMA News correspondent Roderick Bautista.

Nakaw na motorsiklo narekober sa Kabacan; 3 suspek na nahuli, pinalaya

(Kabacan, North cotabato/ July 5, 2013) ---Narekober ng pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng Kabacan PNP at ng 7th IB kasama ng tropa ng Cafgu ang ninakaw na motorsiklo sa bayan ng Pikit.

Sa report ni 7th Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Larry Valdez isang kulay itim na DT YAMAHA ang ninakaw alas 6:00 ng umaga nitong Miyerkules.

31st Annual General Membership Meeting ng Cotelco, isasagawa

(Kabacan, North Cotabato/ July 5, 2013) ---Gagawin ang 31st  Annual General Membership Meeting ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco sa bayan ng Matalam ngayong Hulyo a-14 taong kasalukuyan.

Sa isang kalatas na ipinadala sa DXVL ni Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez gagawin ang taunang aktibidad sa Matalam Municipal gymnasium, Manubuan, Matalam.

Pamamahagi ng permanenteng pananim magpapatuloy sa Unang Distrito ng N. Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ July 4, 2013) ---Sisikaping tugunan ng pamunuan ng Unang Distrito ng North Cotabato ang mga kahilingan ng iba’t- ibang grupo na mabigyan ng mga pananim sa ilalim ng Agri- Pangkabuhayan Para Sa Kapayapaan Program.

Una nang inihayag ni Rep. Jesus Sacdalan na magpapatuloy ang pamamahagi ng permanenteng pananim sa mga magsasaka at interesadong grupo katuwang ang Department of Agriculture Regional Office 12.

Kauna-unahan PPOC meeting sa ikalalawang termino ng gobernador, isinagawa

(Amas, Kidapawan City/ July 4, 2013) ---Isinagawa ang kauna-unahang Peace and Order council meeting ilang araw matapos na manumpa sa kanyang ikalawang termino si Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza.

Mismong ang gobernador ang nanguna sa nasabing pagpupulong na isinagawa sa Capitol Rooftop, Amas, kidapawan city, kahapon.

‘Gobyerno ng konsultasyon’ itataguyod sa bayan ng Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ July 4, 2013) ---Aasahan umano ng mga Midsayapeá¹…o ang isang ‘gobyerno ng konsultasyon.’

Ito ang inihayag ni Vice Mayor at Sangguniang Bayan of Midsayap Presiding Officer Engr. Albert Luis Garduque sa kanyang pagharap sa mga mamamayan ng bayan kamakailan.

Dagdag na sasakyan ng Kidapawan City PNP, hiniling dahil sa mataas na kaso ng krimen sa lugar

(Kidapawan City/ July 4, 2013) ---Dahil sa pagtaas ng krimen sa Kidapawan City nakatakdang magkaroon ng karagdagang sasakyan ang Kidapawan City PNP.

Ito ang tugon ni Mayor Joseph Evangelista sa lumalalang kaso ng krimen sa lungsod.

Lalaki, arestado habang at large ang kasama sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 4, 2013) ---Arestado ang isang lalaki habang pinaghahanap pa ang mga kasama nito matapos inireklamo sa pagnanakaw ng isang motorsiklo sa Brgy. Manarapan, Carmen North Cotabato.

Kinilala ng Carmen PNP ang suspek na si Mohammed Dalid na umano’y tumangay sa Kawasaki Bajaj motorcycle na pagmamay-ari ni Kagawad Ingko Dalid.

Rape suspect arestado sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 4, 2013) ---Arestado ang 47-anyos na magsasaka na akusado sa kasong panggagahasa sa isang 50-anyos na kapitbahay nila sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.
       
Nanguna sa pag-aresto sa suspect na si Silverio Padojinog ng Barangay Sibsib, Tulunan ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato, kasama ng kanilang mga civilian investigation support (CIS) agents.

“No mining policy” sa Tulunan, North Cotabato; isinusulong ng mambabatas

(Tulunan, North Cotabato/ July 3, 2013) ---Tutol ang ilang lokal na mambabatas sa bayan ng Tulunan sa panukalang pagpasok ng large Scale mining sa lugar.

Ayon kay Councilor Ruel Pipip Limbungan, kanyang isusulong sa Sanggunian ang panukalang “No mining policy” sa bayan.

Ilang mga opisina ng LGU Kabacan, inilipat

(Kabacan, North Cotabato/ July 3, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang pag-sasaayos sa ilang tanggapan ng pamahalaang lokal ng Kabacan matapos na nagkaroon ng lipatan ng opisina.

Ang nasabing hakbang ay batay sa memo 2014-004 na inilabas ng bagong administrasyon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. layon ay para pagbutihin pa ang serbisyong ibinibigay ng LGU Kabacan.

Pagsasara sa mga daanan ng mga grupo ng MILF, walang katotohanan

(Kabacan, North Cotabato/ July 3, 2013) ---Kinumpirma sa DXVL Radyo ng Bayan ni MILF Spokesperson Von Al Haq na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita hinggil sa pagsasara ng mga daanan sa Poblacion at lungsod sa Central Mindanao.

Ito ang ginawang paglilinaw ng opisyal matapos na kumalat ang mga text messages kahapon ng umaga na naglalaman ng all out war ng grupo ng MILF kontra sa tropa ng gobyerno.

Tensiyon sa isang brgy sa Tulunan, North Cotabato; walang kinalaman sa tri-boundary dispute sa lugar

(Tulunan, North Cotabato/ July 2, 2013) ---Iginiit ngayon ng Pambansang Pulisya sa Tulunan, North Cotabato na walang kinalaman ang nangyaring palitan ng putok sa pinag-aawayang lupa sa Brgy. Maybula sa bayan ng Tulunan.

Ito ang kinumpirma ni PCInsp. Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP makaraang naging tensyunado ang brgy. Dungos matapos na inatake ng armadong grupo ang nasabinbg lugar alas 10:30 kagabi.

Hiniwalayan ni Misis, Mister nagbigti!

(Tulunan, North Cotabato/ July 2, 2013) ---Problema sa pamilya ang tumulak sa isang mister para tapusin ang buhay makaraang magpatiwakal sa puno ng Mangga sa brgy. Lampagang sa bayan ng Tulunan, North Cotabato alas 6:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ang biktima na si Rexton Macabales kungsaan ginamit nito ang tali ng Kalabaw para kitlin ang buhay.

4 na bangkay biktima ng salvaging sa Makilala, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ July 2, 2013) ---Apat-katao na pinaniniwalaang nadale ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng national highway sa Barangay Sinkatulan, bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling-araw.

Sa report ni P/Chief Insp. Joyce Birrey, hepe ng Makilala PNP ang mga biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala ng baril partikular sa mukha at ulo.

Tomboy, panibagong biktima ng shooting incident sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 2, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa panibagong shooting incident na naganap sa Tomas Claudio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:00 ng gabi nitong linggo.

Kungsaan isang 25-anyos na pinaniniwalaang tomboy ang panibagong biktima ng pamamaril.

Abot sa 40 mga Bangsamoro writers nagsanay sa larangan ng pamamahayag

(Sultan Kudarat, Maguindanao/ July 2, 2013) ---Abot sa 40 na mga manunulat na Bangsamoro mula sa iba’t ibang panig ng Mindanao ang sumailalim sa tatlong araw na Basic Journalism Seminar na nagtapos kanina sa Camp Darapanan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa may crossing Simuay sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sinabi ni MILF panel chairman Mohaqher Iqbal na ito ang una’ng pagkakataon na sinanay nila sa larangan ng pamamahayag ang kanilang mga manunulat.

Dating dean ng USM-CBDEM, ginawaran bilang outstanding finance educator in Mindanao

(Kabacan, North Cotabato/ July 1, 2013) ---Iginawad kamakailan kay Dr. Lope Dapon ang parangal bilang outstanding finance educator in Mindanao sa Taguig city, Metro Manila.

Ayon kay College of Business Development and Economic Management Dean Dr. Gloria Gabronino ang nasabing parangal na tinanggap ni Dr. Dapon ay nagsimula ng dumalo siya sa isang kumprehensiya kasama ang ilang mga faculty ng University of Southern Mindanao hinggil sa finance education na ginanap sa Cagayan de Oro city.

Responsibilidad, Limitasyon at Accountability paalala ng gobernador sa mga bagong halal ng opisyal ng lalawigan

(Amas, Kidapawan City/ July 1, 2013) ---Binigyang diin ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza sa kanyang inaugural speech ang tatlong bagay na dapat isaisip ng mga bagong halal na opisyal ng lalawigan matapos na manumpa ito sa kanyang katungkulan noong Biyernes sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan city.

Pinaalalahanan nito ang lahat ng mga bagong opisyal ng lalawigan kasama na ang mga kawani ng gobyerno at lahat ng ahensiya ng pamahalaan na may responsibilidad, limitasyon at accountability ang mga ito.

Alkalde ng Pagalungan, Maguindanao; pumanaw dahil sa kumplikadong sakit

(Pagalungan, Maguindanao/ July 1, 2013) ---Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Datu Norodin Matalam ang alkalde ng Pagalungan, Maguindanao.

Iginupo si Matalam ng kanyang iniindang karamdaman na ayon sa mga doktor ay kumplekadong sakit.

Guro ng USM, panibagong biktima ng nakawan

(Kabacan, North Cotabato/ July 1, 2013) ---Tinangay ng mga di pa nakilalang mga magnanakaw ang bag ng isang guro sa College of Agriculture-USM na naglalaman ng higit sa P5,000 cash, nitong Sabado ng tanghali.

Batay sa report, kinilala ang biktima na si Dr. Raquel Evangelista, Plant Pathology teacher ng College of Agriculture, residente ng Roxas St, Poblacion, Kabacan.

‘RENEWAL’ governance isusulong ng LGU Pigcawayan

(Midsayap, North Cotabato/ July 1, 2013) ---Sa kanyang mensahe, binigyang- diin ni Pigcawayan elected Mayor Heminio Roquero na nakasentro sa ‘RENEWAL’ governance agenda ang mga programang isusulong ng lokal na pamahalaan ng bayan.

Ito ang magsisilbing gabay ng administrasyong Roquero sa loob ng tatlong taong termino.

North Cotabato First District Representative, pormal nang nanumpa sa pwesto

(Midsayap, North Cotabato/ July 1, 2013) ---Sa ikalawang pagkakataon ay nanumpa si Jesus Sacdalan bilang kinatawan ng Unang Distrito ng North Cotabato.

Ginawa ito ng opisyal sa harap ng mga mamamayan ng bayan ng Pigcawayan nitong Linggo, a-30 ng Hunyo sa seremonya na pinangunahan mismo ni Judge Alexander Yarra.

Oath taking and turn over ceremony ng mga bagong opisyal ng Kabacan, gagawin ngayong umaga

(Kabacan, North Cotabato/ June 28, 2013) ---Isasagawa ngayong umaga ang oath taking at turn over ceremony ng mga bagong halal na lokal na opisyal ng Kabacan.

Batay sa opisyal na programang inihanda ng pamahalaang lokal ng Kabacan gagawin ang nasabing programa sa Municipal gymnasium alas 8:00 ngayong umaga.

Mga otoridad blanko pa sa suspek sa panibagong shooting incident sa Kidapawan

(Kidapawan city/ June 28, 2013) ---Patay ang habal-habal driver makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang mga salarin habang tinatahak ang kahabaan ng Kidapawan-Magpet National Highway alas 8:30 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Pocholo Reyes Orolla ng Barangay Tagbak, Magpet.

Lalaki, arestado sa buybust operation sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ June 27, 2013) ---Arestado ang isang lalaki sa buy bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Midsayap PNP sa Barangay Poblacion 7, Midsayap, North Cotabato, dakong alas 3:30 kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Gilbert Degamo na taga Poblacion 7, Midsayap.