(Tulunan,
North Cotabato/ July 3, 2013) ---Tutol ang ilang lokal na mambabatas sa bayan
ng Tulunan sa panukalang pagpasok ng large Scale mining sa lugar.
Ayon kay
Councilor Ruel Pipip Limbungan, kanyang isusulong sa Sanggunian ang panukalang
“No mining policy” sa bayan.
Ginawa ng
opisyal ang pahayag sa isinagawang oath taking ceremony sa ABC Hall ng
munisipyo ng Tulunan nitong Lunes.
Sinabi
nitong matindi ang pinsalang maidudulot ng large scale mining sa pagkasira ng
kabukiran nang bayan.
Matindi din
umano ang maidudulot nito na kalamidad gaya ng mga pagbaha.
Dagdag pa ng
opisyal na malaki rin ang iniwang pinsala ng nakaraang pagbaha sa bayan.
Sa kabila
nito, hindi naman tutol si Limbungan sa small scale mining.
Nagpahayag
din aniya siya ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya kungsaan nais din
nitong ibalik sa mamamayan ng tapat na serbisyo dahil may malaking
responsibilidad na nakaatang sa kanya. (Rhoderick Beñez and Ronald Ronald
Padojinog)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento