(Kidapawan City/ July 4, 2013) ---Dahil sa
pagtaas ng krimen sa Kidapawan City nakatakdang magkaroon ng karagdagang
sasakyan ang Kidapawan City PNP.
Ito ang tugon ni Mayor Joseph Evangelista sa
lumalalang kaso ng krimen sa lungsod.
Ang public Safety ay isa sa apat na mga
programang tututukan ng bagong administrasyon kabilang din ang suporta sa
dekalidad na edukasyon, makamasa na health services at pagpapalakas ng market
enterprise na isa sa mga income generating project ng city government.
Samantala, malaking hamon ngayon para sa bagong
hepe ng Kidapawan City na si Supt. Leo Ajero ang pagtaas ng kaso ng
kriminalidad na naganap sa siyudad.
Ito ay matapos ang pormal na pag-upo ni
Ajero bilang bagong Chief of Police ng Kidapawan City PNP.
Kasabay ng kanyang panunungkulan ang
pagharap sa mga problema, tulad ng motorcycle theft, snatching, robbery,
pamamaril, at ang tila walang katapusang problema sa illegal gambling.
Matatandaang sunod-sunod ang mga krimen na
nangyari sa lungsod na karamihan ay hindi pa rin nareresolba na ikinadismaya
naman ng iba’t-ibang sektor.
Ayon kay Ajero, nakalatag na umano ang
kanilang security plan actions upang mabigyan ng solusyon ang naturang mga
problema.
Si Ajero ay dating chief of Police ng
Kabacan PNP, kungsaan nanungkulan ito ng walong buwan at inilipat sa Kidapawan
nitong Lunes lamang.
Inilagay naman bilang OIC si Police Major Jubernadine
Panes, ang deputy chief of Police ng Kabacan PNP. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento