(Midsayap,
North Cotabato/ July 1, 2013) ---Sa kanyang mensahe, binigyang- diin ni
Pigcawayan elected Mayor Heminio Roquero na nakasentro sa ‘RENEWAL’ governance
agenda ang mga programang isusulong ng lokal na pamahalaan ng bayan.
Ito
ang magsisilbing gabay ng administrasyong Roquero sa loob ng tatlong taong
termino.
Ang RENEWAL ay nangangahulugang; Roads and infrastructure, Environment protection and energization
of barangays, Nutrition, health and
social services, Education and
people empowerment, Water and
sanitation, Accountability,
transparency and agriculture development, at Livelihood and enterprise development.
Hinikayat naman ng alkalde ang mga kawani ng
lokal na pamahalaan na suportahan ang adhikaing ito upang mas lalo pang
mapaunlad ang bayan ng Pigcawayan.
Samantala, nagpahayag naman ng kanilang
suporta ang mga nanumpang kasapi ng sangguniang bayan sa mga isinusulong na
proyekto at programa ng punong ehekutibo ng bayan.
Nabatid na pinalitan ni Mayor Roquero si
dating Mayor Roberto Blase.
Si Blase ay naglingkod bilang alkalde ng
Pigcawayan sa loob ng tatlong taon.
Ginanap
ang oath taking and turn- over ceremony ng mga bagong halal na opisyal ngayong
araw sa Pigcawayan Municipal Gymnasium.
Ang
seremonya ay pinangunahan ni Judge Alexander Yarra. (Roderick Rivera Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento