Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kauna-unahan PPOC meeting sa ikalalawang termino ng gobernador, isinagawa

(Amas, Kidapawan City/ July 4, 2013) ---Isinagawa ang kauna-unahang Peace and Order council meeting ilang araw matapos na manumpa sa kanyang ikalawang termino si Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza.

Mismong ang gobernador ang nanguna sa nasabing pagpupulong na isinagawa sa Capitol Rooftop, Amas, kidapawan city, kahapon.


Nagbigay naman ng ulat hinggil sa sitwasyon ng probinsiya sa Peace and Order ang pamunuan ng 602nd brigade ng Philippine Army at Police Provincial Office.

Ayon kay 602nd Brigader General Ademar Tomaro nakahanda umano ang kasapi ng sundalo sa posibleng kaguluhan na magaganap sa probinsiya kungsaan hawak nito ang 11 mga munisipyo ng lalawigan.


Iniulat din nito ang ilang mga insedente ng harassment sa ilang mga lugar ng tulunan, Matalam at Midsayap kungsaan kanyang binigyang diin ang bayan ng tulunan na humupa na ang kaguluhan matapos na maglagay ng Task Force Barko-barko sa may Barangay Maybul.

Samantala sa kabilang dako, inilahad naman ni Police Senior Superintendent Danilo Peralta, ang Police Director ng Cotabato ang crime index ng probinsiya.

Aniya, mas mataas ang krimen sa buong probinsiya sa unang quarter ng taon kung ikukumpara sa ikalawang quarter sa larangan ng streets, property at physical crimes.

Ito makaraan ang serye ng mga operasyon ng kanyang mga tauhan.

Sa kabila nito, aminado naman si Peralta na ang peace and order sa lalawigan ay “unpredictable” ito dahil na rin sa presensiya ng ilang armadong grupo kagaya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa kabuuan, kapwa humihingi ngayon ng suporta ang dalawa sa kooperasyon ng bawat isa. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento