(USM,
Kabacan, North Cotabato/ March 21, 2013) ---Umalma ngayon ang mga raliyesta sa
hindi pag-tanggap ng Commission on Higher Education o CHED ng buuing fact
finding committee ng Federation of Organization to Oust Derije o FOOD, dahilan
ng muling pagsasara ng mga lagusan ng Pamantasan ngayong hapon.
Ito
ayon kay Dr. Alimen Sencil, isa sa mga lider at tagapagsalita ng mga raliyesta,
sa kabila pa man umano ng pagbibigay financial assistance ni Cotabato Gov.
Emmylou “Lala” Taliño Mendoza para tututok sa mga kasong kinakaharap ngayon ni
Dr. Jesus Antonio Derije.