Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa nasawi at dalawa sugatan ng araruhin ng karo ng patay ang mga nag-iinuman sa Midsayap, North Cotabato


(Midsayap/North Cotabato/July 8, 2012) ---Isa ang nasawi at dalawa ang nasugatan ng araruhin ng karo ng patay ang mga sasakyang nakaparada sa harap ng isang palamigan sa Midsayap North Cotabato dakong alas 2:30 ng madaling araw kanina.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Anthony Alameda habang sugatan naman sina Godofredo Duterte at Ian Tizon mga residente sa bayan ng Midsayap.

Mahigit sa P170K na halaga ng shabu nasamsam ng mga otoridad mula sa malaking Supplier ng illegal drugs sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/July 27, 2012) ---Nabingwit na ng pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng Kabacan PNP at ng Cotabato Police Public Safety Company, ang sinasabing isa sa mga malaking supplier ng illegal drugs sa Kabacan.

Ito makaraang isinagawa nila ang buybust operation sa pangunguna ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP sa isang bahay sa Abellera St., partikular sa inuupahang boarding house sa likurang bahagi ng Adelaide Oasis boarding House malapit sa harap ng Iglesia Ni Cristo, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:00 kagabi.

Seguridad sa mga Terminals sa Probinsiya ng North Cotabato; paiigtingin ng Cotabato Provincial Government


(Amas, Kidapawan City/July 26, 2012) ---Seryoso ngayon si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa kampanya nito na masawata ang anumang kriminalidad sa probinsiya matapos na lagdaan nito ang Executive Order No. 18.

Ang nasabing batas ay hinggil sa mga polisiya at batayan ng pag-iimplementa ng Land Transport Terminals Security System o LTTSS.

Sa kanyang mensahe kaninang umaga sa harap ng mga stakeholders ng nasabing batas, iginiit ng opisyal na dapat lahat ng mga alkalde sa lalawigan ng North Cotabato kasama na ang mga hepe ng kapulisan ang pangunguna sa pagpapatupad ng nasabing batas na nilagdaan ngayong araw sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City.

Probinsya ng Cotabato, magpapadala ng mga beauty titlist sa mga national pageants


(Amas, Kidapawan City/July 26, 2012) ---Magpapadala ng mga local beauty titlist sa mga national pageants ang probinsya ng Cotabato sa mga pambansang pageant.

Ito ang inihayag ni Board Member Aireen A. Pagal, Co-Chair ng Comiitee on the Search for Mutya ng Cotabato 2012, sa ginanap na presentation of candidates sa provincial capitol, Amas Kidapawan City kamakailan.

Sa labingdalawang kandidata ngayong taon para sa Mutya ng Cotabato, Pito lamang ang iprinesenta, ito sila Ma. Jemi Keziah Arroyo ng Alamada, Geraldine Claveria ng  Antipas, Micco Jane Kudanding ng Carmen, Jayner Pascual ng Kabacan, Jenny Ann Maghari ng Kidapawan City, Ailyn Cristobal ng Matalam and Reynagine Abalos ng Mlang.

Day Care Kids nakiisa sa Population day sa pamamagitan ng pagtanim ng mga punong kahoy


(Amas, Kidapawan City/July 26, 2012) ---Sa pamamagitan ng tree planting activity ipinagdiriwang  ng probinsiya ng North Cotabato ang World Population Month kasama ang mga kabataan partikular na ang mga day care pupils  upang ipabatid sa mga murang edad ng mga bata na malaki ang papel na ginagampanan nila sa pangangalaga ng kalikasan.

Sinabi ngayong umaga ni Population Officer Junmar Gonzales na nakatuon ang tema ng nasabing selebrasyon sa “Populasyon at Kapaligiran, Pagyamanin at Pangalagaan” kungsaan isangdaan at limampung mga seedlings ng Mahogany at Narra ang itinamin ng mga ito noong July 20-23 sa mga barangay ng Patadon at Amass a Kidapawan City, at Barangay Mangelen sa bayan ng Libungan.

Land Transport Terminals Security System, ilulunsad ngayong araw


(Amas, Kidapawan City/July 26, 2012) ---Pangungunahan  ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang paglulunsad ng Land Transport Terminals Security System sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City alas 9:00 ngayong umaga.

layon ng nasabing programa na mapaigting ang kampanya ng mga otoridad hinggil sa mga banta ng terorismo partikular na sa transportation sektor.

Probinsiya ng North Cotabato KALASAG Regional Winner


(Amas, Kidapawan City/July 26, 2012) ---Ideneklarang panalo ang Probinsiya ng North Cotabato sa Regional Level ng Gawad KALASAG for Best Provincial DRRMC (Disaster Risk Reduction and Management Council) sa 2012 Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance ng National DRRM Council.

Ito ang inihayag ng tanggapan ni Office of Civil Defense 12 Regional Director Lita B. Enok sa sulat na may petsang July 16, 2012 kungsaan natukoy ang probinsiya ng North Cotabato sa buong Region 12 sa may mataas na rating na 88.61 sa mga sumusunod na areas kagaya ngL Mitigation at Prevention, Preparedness, Response at Recovery at Rehabilitation.

Anggulong land conflict at extortion, sinusundang motibo ng mga otoridad sa panibagong pamamaril sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/July 25, 2012) ---Isa umano ang land conflict sa tinitingnang motibo sa panibagong shooting incident sa bayan ng Kabacan na ikinamatay ng isang Jerry Ramos na residente ng Malvar St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ito ang sinabi kahapon ni Supt. Raul Supiter sa panayam ng DXVL News kungsaan ang pangingikil din umano ng mga armadong grupo sa lugar ang posible umanong nakikita din nilang dahilan.

Kung matatandaan binaril ang biktima alas 9:00 kamakalawa ng gabi sa mismong palayan nito sa Sitio Dimas, Brgy. Lower Paatan.

Mga sundalo nakarekober na naman ng IED sa probinsiya ng North Cotabato


(Magpet, North Cotabato/July 24, 2012) ---Dalawang linggo matapos na makubkob ng mga sundalo ang kinukutaang kampo ng mga New People’s Army sa bayan ng Magpet, North Cotabato ay narekober naman nila nitong linggo ang isa pang Improvised Explosive Device o IED.

Ayon kay 57th IB Civil Military Operations Lt. Nasrullah Sema ang nasabing pampasabog ay tumitimbang ng walong kilo na may blasting cap may isang daang metrong detonating cord kungsaan kapareho nito ang isang IED na narekober din na sa Barangay Datu Celo,Magpet.

Posibleng solusyon sa riverbank erosion sa Midsayap, NCotabato tinukoy ng DPWH


(Midsayap, North Cotabato/July 24, 2012) ---Ininspeksyon ng mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways o DPWH at district office ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan ang sitwasyon ng Libungan River sa bahagi ng Barangay Nalin, Midsayap, North Cotabato.

Kung matatandaan, Nababahala ang mga residente ng nabanggit na Barangay dahil sa tuloy- tuloy na pagguho ng pampang ng Libungan River.

Nanganganib na ring mag- collapse ang drainage canal sa lugar at dagdag pa ang banta ng pagguho sa kinatitirikang lupa ng kanilang eskwelahan at mga kabahayang malapit sa ilog.

Trisikad driver na tulak droga, na-intercept ng mga element ng Kabacan PNP; estudyante ng USM sugatan sa vehicular accident kagabi


(Kabacan, North Cotabato/July 24, 2012) ---Huli ng pinagsanib na pwersa ng mga element ng Kabacan PNP at Cotabato Police Public Safety Company ang isang drug courier na trisikad driver makaraang maintercept ng mga otoridad sa bahagi ng M. H. del Pilar St., Purok Masagana, Poblacion, Kabacan, Cotabato bago mag-alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng kabacan PNP ang suspek na si Abdulkadir Gubad Calim, nasa tamang edad at residente ng brgy. Kayaga ng bayang ito.

2 magkahiwalay na shooting incident naitala ng Kabacan PNP; pagbaril patay sa plantsadora, mistaken identity umano—ayon sa otoridad


(Kabacan, North Cotabato/July 24, 2012) ---Hindi pa man nalutas ang mga nagaganap na krimen at katatapos lamang isinagawa ang prayer rally kahapon hinggil sa pagkondina sa sunod-sunod na patayan dito sa bayan ng Kabacan, dalawang magkahiwalay na pamamaril ang naitala din kahapon.

Ang una, isang Elsie Valmonte, 52 anyos na residente ng Upper Paatan ang patay on the spot matapos na barilin ng di pa nakilalang suspek sa loob mismo ng kanyang tinatrabahuang Wildwest Tailoring sa loob ng Public Market.

3rd State of The Nation Address of P-Noy

Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga kagalang-galang na miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga pinuno ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa kong nagseserbisyo sa taumbayan;At sa akin pong mga boss, magandang hapon po.
Ito po ang aking ikatlong SONA, at parang kailan lang nang nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daan. Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan.

52-anyos na Ginang panibagong biktima ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/July 23, 2012) ---Patay on the spot ang isang 52-anyos na Ginang makaraang pagbabarilin ng di      pa matukoy na suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas sa loob ng Kabacan Public Market alas 2:00 ngayong hapon lamang.