Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Multicab; hinold-up sa Kabacan, Cotabato; Mahigit sa P3,000 natangay mula sa mga pasahero

(Kabacan, North Cotabato/April 20, 2012) ---Abot sa mahigit P3,400 ang natangay ng tatlong mga di pa nakilalang mga kalalakihan mula sa isang pampasaherong multicab makaraang mahold-up sa may Sitio Agpa, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 7:20 kagabi.

Ayon kay P/Supt. Raul Supiter, ang OIC Chief of Police ng Kabacan PNP, galing ng Kabacan ang nasabing multicab na may plate # MVX 475 na minamaneho ni Edwin Aledilla Alago residente ng Poblacion, Carmen ng mahold-up sa nabanggit na lugar.

Normal Load dispatch sa Cotelco; aasahan sa susunod na buwan

(Kabacan, North Cotabato/April 20, 2012) ---Posibleng matatapos na ang kalbaryo ng mga taga-North Cotabato patungkol sa problema sa kuryente sa mga susunod na buwan.

Ito dahil maibabalik na ang kontrata ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco na 28 megawatts mula sa NPC.

Ito ang sinabi ni Cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio sa panayam ng DXVL- Radyo ng Bayan kungsaan bukod sa 28 megawatts ay magagamit na rin nila ang dagdag na 8 megawatts mula sa Therma Marine Incorporated, isang private barge na pag-mamay-ari ng Abiotiz.

Marijuana plantation sa Sultan Kudarat, natunton

(Columbio, Sultan Kudarat/April 20, 2012) ---Natunton ng mga kasapi ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang plantasyon ng marijuana sa Sitio Libon, Brgy. Maacas, Columbio, Sultan Kudarat.

Ordinansa na mangangasiwa sa operasyon ng Kabacan Terminal Complex, Aprubado na


(Kabacan, North Cotabato/April 20, 2012) ---Inaprubahan na sa ika-70 regular session ng Sanggunian Panlalawagin ang Ordinance No. 2011-014 o ang ordinansang magtatatag ng guidelines, rules at regulation sa pamamahala at operasyon ng Kabacan Terminal Complex (KTC).

44-anyos na lalaki nadagdag sa mga nasawi sa “grenade blast” sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/April 19, 2012) ---Sumampa na sa apat ang nasawi sa pagsabog ng granada sa isang sabungan sa bayan ng Aleosan, North Cotabato, nitong hapon ng Sabado.

Ito ang sinabi sa DXVL – Radyo ng Bayan ni Aleosan Mayor Loreto Cabaya makaraang binawian ng buhay si Silvestre Barnadio, 44-anyos at residente ng New Leon ng nabanggit na bayan.

Si Barnadio ay namatay habang ginagamot sa Cotabato Provincial Hospital dahil sa matinding tama nito sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Suspek na may kasong frustrated homicide; boluntaryong sumuko sa Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/April 18, 2012) ---Boluntaryong sumuko kahapon sa himpilan ng pulisya ang isang 44-anyos na lalaki matapos ang mahigit sa limang taon nitong pagtatago sa batas.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspetsado na si Eddie Camilosa, may asawa at residente ng Lower Paatan, Kabacan, Cotabato na nahaharap sa kasong frustrated homicide sa sala ni Judge Laureano Alzate ng RTC branch 22.

Kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan , mas bumaba ngayong taon

(Kabacan, North Cotabato/April 18, 2012) ---Bumaba ang kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan sa batay sa kapareho ding quarter ng nakaraang taon.

Ito batay sa ipinalabas na data ni Disease Surveillance Coordinator/Health Emergency Management Coordinator Honey Joy Cabellon, base sa nasabing tala nakamonitor na lamang sila ng labin dalawang dengue cases mula buwan ng Enero hanggang Marso kumpara sa 16 na kaso ng nakaraang taon.

Mahigit sa 6 na oras na black-out sa service area ng cotelco, aabutin pa ng halos 1 buwan

(Kabacan, North Cotabato/April 18, 2012) ---Aabutin pa umano ng halos isang buwan ang mararanasang mahigit sa anim na oras na power interruption sa mga service area ng Cotabato Electric Cooperative kada araw.

Ito ang nabatid mula sa nasabing kooperatiba matapos na may 180megawatts na load deficiency  ang Mindanao matapos na magpatupad ng shutdown ang Pulangi hydro electric Power Plant simula kahapon kaugnay sa isinasagawa nilang preventive maintenance.

Outstanding associations, employees pararangalan sa 34th NIA- XII anniversary

(Midsayap, North Cotabato/April 18, 2012) ---Nakatakdang gawin bukas ng umaga sa Notre Dame of Midsayap College Bulwagang Genoveva Deles Jaranilla ang awarding ceremony kaugnay sa ika- 34 na taong anibersaryo ng National Irrigation Administration o NIA Region XII kung saan pararangalan ang mga irrigators associations at NIA employees mula sa buong Soccsksargen region na nagpakita ng kahusayan sa nakaraang taon.

Mahigit 6 na oras na power interruption, magsisimula ngayong araw sa mga service erya ng cotelco


(Kabacan, North Cotabato/April 18, 2012) ---Abot sa 15megawatts na lamang umano ang supply ng kuryente na ibinigay sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa cotelco dahilan kung bakit aabot sa anim na oras ang rotational brown-out sa mga service are ng cotelco simula ngayong araw.                                                                                               
Ito ayon kay Cotabato Electric Cooperative Spokesperson Vincent Lore Baguio mula sa dating 35 ay ibinaba na sa 15 megawatts ang supply ng kuryente, ito dahil sa ipinatupad na simula kahapon ang preventive maintenance ng Pulangi Hydro Power Plant-4.      

4Ps beneficiaries ng Midsayap, tatangap ng cash assistance sa kauna- unahang pagkakataon

(Midsayap, North Cotabato/April 16, 2012) ---Gaganapin bukas ang kauna- unahang cash- out sa mga benepisyaryo ng  Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Midsayap, North Cotabato.

Sa tala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, abot sa 1015 benepisyaryo ng 4Ps ang makakatanggap ng cash assistance mula sa gobyerno bukas.

Ayon kay DSWD Municipal Link John Karlo Ballentes, ito na ang pinakahihintay na araw ng mga 4Ps beneficiaries dahil mapapasakamay na nila ang inaasahang tulong pinansiyal mula sa pamahalaan.

RP-US Balikatan Exercises palabas lamang daw –ayon sa progresibong grupo sa North Cotabato

(Kidapawan City/April 17, 2012) ---Duda ang karapatan, isang progresibong grupo, na ang pagpapadala ng US government ng dagdag na mga sundalo nila sa Pilipinas ay para warningan ang Chinese government na iwasan na nito ang pagpasok sa Scarborough Shoal na nasa teritoryo ng Pilipinas.
         
Ang RP-US Balikatan exercises ay palabas lamang daw, ayon kay Ariel Casilao, secretary-general ng Karapatan.

Suspek sa panghohold-up at pagpatay sa konduktor ng Weena Bus, kilala na ng mga otoridad


(Pikit, North Cotabato/April 17, 2012) ---Kilala na ng kapulisan ang ‘identity’ ng apat na mga lalaking suspek sa panghohold-up at pagpatay sa konduktor ng Weena Bus Aircon alas onse ng umaga nitong linggo.

Sinabi ni Police Senior Inpsector Elias Dandan-hepe ng Pikit PNP na positibong itinuro ng mga testigo ang nasabing mga suspek na di muna kinilala ni Dandan sa panayam at sinigurong inihahanda na ang kaso para sa mga ito.

4Ps beneficiaries ng Midsayap, tatangap ng cash assistance sa kauna- unahang pagkakataon

(Midsayap, North Cotabato/April 17, 2012) ---Gaganapin ngayong araw ang kauna- unahang cash- out sa mga benepisyaryo ng  Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Midsayap, North Cotabato.

Sa tala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, abot sa 1015 benepisyaryo ng 4Ps ang makakatanggap ng cash assistance mula sa gobyerno ngayong araw.

Ayon kay DSWD Municipal Link John Karlo Ballentes, ito na ang pinakahihintay na araw ng mga 4Ps beneficiaries dahil mapapasakamay na nila ang inaasahang tulong pinansiyal mula sa pamahalaan.

Diumano’y walang action na ginawa ang tropa ng militar sa nangyaring pang-hoholp up patay sa Pikit, North cotabato; pinabulaanan

(Pikit, North Cotabato/April 17, 2012) ---Umabot umano ng 45 minuto o halos isang oras bago nakapagresponse sa bus hold-up noong Linggo sa bayan ng Pikit, N Cotabato ang mga sundalo.
         
Ito, ayon sa isang imbestigador ng Pikit PNP, ay sa kabila pa man na ang detachment ng Army ay halos 200 metro lang ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.
         
Sinabi ni SPO2 Teng Dimapalo na nasa erya na ang mga pulis, bago pa nakarating ang mga elemento ng 7th IB.

Isang high explosive na pampasabog natagpuan sa compound ng Alkalde ng North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/April 17, 2012) ---Palaisipan pa rin sa mga otoridad ang natagpuang Cartridge ng 60mm mortar sa loob ng compound ng lupa na pag-mamay-ari ni Kabacan Mayor George Tan sa may Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato.

Ayon kay Lt. Aries Dela Cuadra ng 7th IB, ang nasabing high explosive ay natagpuan umano ng caretaker ng alkalde habang ito ay naglilinis sa nasabing lupain.

Nang siyasatin ng EOD team ang nasabing pampasabog kaninang umaga, nabatid na wala namang fuse na nakalagay dito, kung kaya’t wala itong pangamba na sumabog.

Contingent ng Kalivungan Festival pasok sa Top 6 sa katatapos na Aliwan Festival sa kalakhang Maynila


(Pasay City/April 16, 2012) ---Isang malaking karangalan para sa mga taga-North Cotabato ang makapasok sa Runners up ang contingent ng Kalivungan Festival sa katatapos na Aliwan fiesta nitong Sabado ng gabi na gananap sa Quirino grandstand at harap ng aliw theater sa Pasay City.

Ayon kay Executive Assistant to the Governor/Focal Person for Aliwan contingent Ralph Ryan Rafael pasok sa top 6 ang Kalivungan Festival sa 21 mga festival ng bansa mula sa iba’t-bang probinsiya na naglaban-laban sa taunang kapiestahan ng Pilipinas.

Militanteng Kabataan at Progresibong mga organisasyon, lalahok sa LAKBAYAN 2012!

(Kabacan, North Cotabato/April 16, 2012) ---Daan-daang mga militanteng kabataan at progresibong mga organisasyon  ang inaasahang lalahok ngayong araw sa LAKBAYAN 2012, isang Mindanao-wide caravan patungong Zamboanga city para sa isang malawak na mobilisasyon para sa nakatakdang pagdating ng mga karagdagang amerikanong sundalo sa bansa.

Humigit-kumulang 4,000 na amerikanong sundalo ang aasahang darating sa isla ng Mindanao ngayong ika-16 hanggang 28 nitong buwan.

Ayon sa grupong PATRIOTIKO MINDANAO ito diumano ang kauna-unahang multilateral balikatan exercises na gaganapin sa bansa at isang Special Operations Forces (SOF) Exercises ang isasagawa naman sa mga bayan ng Zamboanga, Jolo at Basilan.

Katutubong Martial Arts ng Maguindanao at Tausog; itinampok sa Summer Kids Peace Camp sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/April 16, 2012) ---Itinampok ang “Kuntaw Silat”, isang Maguindanaoan tradisyunal Martial Arts na ginagamit ng mga sinaunang katutubo sa kanilang self defense, sa 2nd Gov. Lala Mendoza Summer Peace Kids Camp sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Executive Director for Moro People’s Community Organization for Reform and Empowerment Zaynab Ampatuan, ang Kuntaw Silat ay isang Chinese Martial arts na dinala dito sa Mindanao ng mga Indonesian at ipinakilala sa mga katutubong Maguindanaon at Tausog.

Bukod sa Kuntaw, nais din ng grupo na ipakilala sa mga bata ang mga katutubong sayaw, awit at iba pang mga cultural practices para malaman ang pinagmulan ng bawat isa.

Sinabi pa ni Ampatuan na ang nasabing hakbang ay isang perpektong paraan upang mapag-isa ang mga grupo ng Muslim, Kristiano at Lumad.

Mga suspect sa grenade attack sa Aleosan, N Cotabato kilala na ng PNP

(Aleosan, North Cotabato/April 16, 2012) ---Pinaniniwalaang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang apat katao na itinuturong nasa likod ng pagpapasabog ng granada noong Sabado sa bayan ng Aleosan, North Cotabato.
      
Dalawa sa kanila kilala na raw ng pulisya, ayon kay Sr. Supt. Cornelio Salinas, ang provincial director ng North Cotabato PNP. Gayunman, tumanggi si Salinas kilalanin ang mga ito habang hindi pa naisasampa ang kaso kontra sa kanila.
      
Target umano ng grenade attack si Quilos Manalinding, kagawad ng isang barangay sa bayan ng Aleosan at isa sa mga mataas na opisyal ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa North Cotabato.

Konduktor ng Weena patay sa holdup sa Pikit, N Cotabato

(Pikit, North Cotabato/April 16, 2012) ---Patay ang konduktor ng Weena Bus Company matapos barilin ng isa sa apat na mga hold-upper nang tumanggi ito’ng ibigay ang koleksyon habang nasa highway ng Pikit, North Cotabato ang sasakyan, alas-11:25 ng umaga kahapon.
       
Kinilala ni Insp. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, ang nasawi na si Nasser Dima, konduktor ng Eric Bus na may body number XXV na may rutang Cotabato-Davao.

4 sugatan ng araruhin ng truck ang multi-cab sa highway ng Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/April 15, 2012) ---Apat katao ang sugatan sa isang vehicular accident na nangyari sa highway ng Carmen, North Cotabato, alas 5:30 kahapon ng hapon.

Ito matapos na araruhin ng 10-wheeler truck ang pampasaherong multi-cab sa highway ng Carmen kungsaan naabutan ng DXVL News ang mga nagkalat na basag na bote sa highway ng nasabing panel.

Kinilala ni P/Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen Police ang mga sugatan na sina Eddie Balnes Ferenal, 32, ng Poblacion, Carmen at driver ng Hino delivery truck na may plakang  WJD 432; Randy Pedtucasan Mamacan, 23, ng Pagagawan, Maguindanao at driver ng Suzuki multi-cab na may plakang YGD 577; at mga pasahero ng