(Pasay City/April 16, 2012) ---Isang
malaking karangalan para sa mga taga-North Cotabato ang makapasok sa Runners up
ang contingent ng Kalivungan Festival sa katatapos na Aliwan fiesta nitong
Sabado ng gabi na gananap sa Quirino grandstand at harap ng aliw theater sa
Pasay City.
Ayon kay Executive Assistant to the
Governor/Focal Person for Aliwan contingent Ralph Ryan Rafael pasok sa top 6
ang Kalivungan Festival sa 21 mga festival ng bansa mula sa iba’t-bang
probinsiya na naglaban-laban sa taunang kapiestahan ng Pilipinas.
Ang mga kalahok ng North Cotabato ay mula sa
Alamada National High School na naging kampeon sa nakaraang Kalivungan Festival
ng probinsiya.
Pinasalamantan din ng opisyal ang tulong na
ibinigay ng Provincial government sa pamumuno ni Cotabato Governor Emmylou
“Lala” Talino Mendoza, LGU Alamada at mga supporters nito.
Ngayong taon, nakuha ng Dinagyang Festival
mula sa Ilo-Ilo na tribung Pan-ay ang kampeonato, pasok din sa Runner up ang
Continent ng Surallah at Sto. Nino mula sa South Cotabato.
Samantala ang salitang kalivungan ay isang
Manobo term na ang ibig sabihin ay pagtitipon. (RB ng Bayan)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento