(Kabacan, North Cotabato/April 20, 2012) ---Inaprubahan
na sa ika-70 regular session ng Sanggunian Panlalawagin ang Ordinance No.
2011-014 o ang ordinansang magtatatag ng guidelines, rules at regulation sa
pamamahala at operasyon ng Kabacan Terminal Complex (KTC).
Nakapaloob sa nabanggit na ordinansa, ang
pagtatakda ng kaukulang bayad at renta sa mga stall owners at pagpataw ng
penalidad sa sinumang lalabag sa mga patakaran ng KTC.
Si Board Member Shirlyn Macasarte ang
nagrebyu sa nasabing ordinansa. Sa rebyu ni Macasarte, walang mali dito, kaya’t
agad naman itong inaprubahan ng Sanggunian.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento