Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

115 na sasakyan huli sa isinagawang lambat bitag sa bayan ng Pikit; 2 suspected carnapper, nahuli

(Pikit, North Cotabato/ October 23, 2015) ---Abot naman sa mahigit 115 mga motorsiklo at mga tricycle ang nahuli ng mga pulisya sa ikinasang ‘Lambat Bitag’ ng pinagsanib na pwersa ng pulisya katuwang ang CPPO sa National Highway ng Poblacion, Pikit, Cotabato kahapon ng umaga.

Sa panayam kay PI Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP nahuli ang nasabing sasakyan dahil sa mga paglabag sa alituntunin ng traffic division ng PNP kagaya ng kawalan ng lisensiya, driver’s license, walang OR/CR, walang helmet at iba pa.

Brgy. Kagawad sa Antipas, pinaslang!

(Antipas, North Cotabato/ October 23, 2015) ---Patay ang isang brgy. Kagawad makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Brgy. Camutan, Antipas, North Cotabato alas 7:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Bernard Tayong, CPPO Spokesperson ang biktima na si Brgy. Kagawad Arnold Delgado Bazar, 42-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat nasa labas ng kanilang bahay ang biktima habang nagpapakain ng kanyang panabong na manok ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek na nakapwesto sa bahay ng kanilang kapitbahay na si Melanie Baliguian Gomez.

10 mga tulak droga, timbog sa drug raid na isinagawa ng pulisya sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ October 22, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang nasa sampung mga pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga matapos sa inilatag na raid ng mga elemento ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Central Mindanao sa Purok Krislam, bayan ng Matalam, North Cotabato, alas-onse ng umaga, kahapon.

Kinilala ng PNP ang mga inaresto na sina Yusoph Sagidpa, 37, ng Barangay Kilada, Matalam; Rodin Kamsa, 21, ng Barangay Kayaga, Kabacan; Tidz Zalpin, 25, ng Central Ilian, Matalam; Datoto Salipada, 44, Barangay Kilada, Matalam; Bonifacio Bayug, 42, ng Poblacion, M’lang; Hofer Pasagui, 29, Barangay Ladtingan, Pikit; Karex Malik Ontong, 49, ng Barangay Kilada, Matalam; Henry Pendatun, 31, ng Barangay Gaunan, M’lang; isang alias ‘Parson’; at isang menor-de-edad na taga-Barangay Patadon, Kidapawan City.

2 katao, timbog matapos mahulihan ng di lisensiyadong baril sa Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ October 23, 2015) ---Dalawa katao ang nahulihan ng baril matapos ang inilatag na oplan kap-kap bakal at operasyon lambat bitag sa National Highway ng Poblacion, Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga.

Mismong si P/SSupt. Alexander Tagum, ang Provincial Director ng CPPO ang nanguna sa nasabing operasyon kasama ang Pikit PNP at iba pang mga himpilan ng pulisya.

1st Semester sa USM ng School Year 2015-2016, nagtapos na!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 20, 2015) ---Pormal na inanunsyo kahapon ni USM Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig U. Ampang na magtatapos na ngayong araw ang 1st semester ng school year 2015-2016 sa University of Southern Mindanao.

Ayon sa opisyal, magsisimula naman ang enrollment sa pamantasan sa lahat ng antas sa Oktobre a-26 hanggang Nobyembre a-5.

Nagbalik loob sa gobyerno, pinaslang!

(Magpet, North Cotabato/ October 20, 2015) ---Patay ang dating miyembro ng New People’s Army o NPA habang sugatan naman ang isa pa matapos silang paulanan ng bala ng hindi pa kilalang mga armadong kalalakihan sa Sitio Sentro, Brgy Imamaling, Magpet, North Cotabato pasado ala una ng hapon kahapon.

Kinilala ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP ang biktima na si Marco Engay Vea, 37-anyos, magsasaka na taga brgy. Imamaling, Magpet habang ang sugatan naman ang truck driver na kinilala lamang sa pangalang Rodney.

Pag-regulate sa pagpasok sa mga Internet Café ng mga kabataan sa Kabacan, muling binuhay!

(Kabacan, North Cotabato/ October 20, 2015) ---Iginiit ng pamunuan ng Municipal Social Development Office ng Kabacan na bawal ang mga kabataan na pumasok sa mga internet café ‘during school days at class hour’.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni MSWD Officer Susan Macalipat batay naman sa local code at resolusyong nagawa 2009-127 at ordinance 2009-005 kungsaan nakalagay dito ang proteksiyon para sa mga kabataan.

Bahay kungsaan isinagawa ang initiation sa college student na namatay sa hazing, tukoy na ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ October 20, 2015) ---Natukoy na ng Kabacan PNP ang bahay sa bayan ng Matalam kungsaan isinagawa ang initiation sa 26-anyos na college student na namatay sa hazing.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP pero tumanggi munang ihayag ng opisyal ang lokasiyon nito habang nagpapatuloy pa ang ginagawa nilang imbestigasyon.

May mga ilang miyembro na rin ng Tau Gamma Phi ang isinailalim sa interogasyon ng pulisya pero hindi umano magkaka-tugma ang mga pahayag ng mga ito.

Ex-Kapitan sa Kabacan, Binawian na ng buhay matapos pagbabarilin

(Kabacan, North Cotabato/ October 20, 2015) ---Tuluyan ng binawian ng buhay si dating Pisan Kapitan Remegio Alejo matapos na atakehin sa puso habang ginagamot sa Madonna Ospital sa Kidapawan City makaraang isugod ito matapos na pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay habang naghahapunan sa brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato alas 6:48 kagabi.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Mayor Herlo Guzman Jr., sa panayam ng DXVL News ngayong umaga.

Poverty Incidence sa bayan ng Kabacan, bumaba ngayong taon

(Kabacan, North Cotabato/ October 19, 2015) ---Bumaba sa bilang na higit isang libu ang poverty incidence sa bayan ng Kabacan.

Ito ang lumabas na ulat mula sa Litahanan ng Department of Social Welfare and Development Office National Household Targeting Unit sa inilabas nilang second Nationwide Household Assessment.

Tricycle drayber, biktima ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 19, 2015) ---Isinugod sa bahay pagamutan ang isang tricycle drayber makaraang mabiktima ng panibagong pamamaril sa bahagi ng Matalam St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato mag-aalas 4:00 ng hapon kanina.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP kinilala ang biktima na si Abdulbasit Delangalen Maganaka, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Lower  Paatan ng bayang ito.

Filing ng COC sa North Cotabato, naging mapayapa sa pangkalahatan ---Atty. Kadatuan

(North Cotabato/ October 19, 2015) ---Naging mapayapa at maayos sa pangkalahatan ang filing ng Certificate of Candidacy sa buong lalawigan ng North Cotabato mula Oktubre a-12 hanggang nitong a-16 ng hapon.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Election Supervisor Atty. Duque Kadatuan kasabay ng pagpapasalamat nito sa mga kapulisan na nagbantay din ng seguridad sa bawat municipal comelec sa bawat bayan.

Pinasalamatan din ng opisyal ang mga nag-file ng COC sapagkat pinakinggan ang kanilang panawagan sa Comelec na hindi pagdala ng maraming supporters.

Planung pagpapasabog sa Tower ng NGCP sa bayan ng Carmen, nasilat!

(Carmen, North Cotabato/ October 19, 2015) ---Napigilan ang planu sanang pasabugin na naman ang tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Sitio Balas, Brgy. Tacupan, Carmen, North Cotabato alas 8:00 ng umaga kahapon.

Sa impormasiyong nakarating kay PCI Bernard Tayong, ang tagapagsalita ng CPPO na isang magsasaka umano ang nakakita bandang alas 7:45 ng umaga kahapon na may naka-kabit na Improvised Explosive Device o IED sa tower post number 110 ng NGCP partikular sa may rubber plantation.

Diumano’y Swindler patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 19, 2015) ---Pinabulagta ng tatlong mga di pa nakilalang suspek lulan ng motorsiklo ang isang babae sa panibagong krimen sa may bahagi ng Mantawil Extension, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Sa report na nakarating kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktima na si Janeth Olivar alias ‘Lalang’, may asawa at residente ng Abellera St., ng bayang ito.

Estudyante ng St. Luke’s sa Kabacan, patay sa hazing ng isang fraternity

(Kabacan, North Cotabato/ October 19, 2015) ---Patay ang 26-anyos na estudyante ng St. Lukes Institute Kabacan matapos sumailalim sa hazing ng initiation ng fraternity sa bayan ng Kabacan, North Cotabato nitong hapon ng Sabado.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Bobong Bualan, 26-anyos, at kasalukuyang nangungupahan sa Bai Matabay Plang Village IIA, Poblacion, Kabacan, North Cotabato.