Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

KAbacan PNP naka red alert na para sa  Semana Santa

Naka-red alert na simula pa nitong nakaraang linggo ang   buong puwesa  ng Kabacan PNP  alinsunod  sa pagpapatupad ng  Oplan Semana Santa. 

Inihayag ni Police Supt. Joseph Semillano ng Kabacan PNP na nakahanda na ang   kanilang pamunuan upang masegurong mapayapa,  matiwasay, at  maayos ang  paggunita ng mamamayan ng Semana Santa. 

Aniya, titiyakin nilang may mga nakabantay na mga pulis sa mga public areas kagaya ng simbahan, terminal at maging ang public market kungsaan maglilibot din sila sa mga mahahalagang   daanan sa bayan na nasakupan ng kanilang  tanggapan.

Kaugnay nito, hinigpitan na rin ang  pagbabantay sa  mga  terminal  ng  bus at  van pati na ang  pagsisiyasat ng mga bagahe. 

Isang 40-anyos na lalaki tiklo matapos mahulihan ng iligal na droga

Kulungan ang bagsak ng isang apat na pung taong gulang na lalaki matapos itong mahulin ng mga otoridad ng iligal na droga dakong alas 11:45 ng umaga sa Purok Chrislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang nahuli na si Gandayan Landasan may asawa at resident eng brgy. Malabuaya ng bayang ito.

Nakuha mula kay Landasan ang dalawang sachet na may white crystalline na pinaniniwalaang shabu, isang disposable lighter at ilang mga folded aluminum foil.

Nasa kustodiya na ngayon ng Kabacan PNP ang nasabing suspek, habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya…

Koleksiyon ng BIR-Cotabato tumaas sa unang quarter ng 2011

Sa unang tatlong buwan nitong taon, tumaas ang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Lalawigan ng Cotabato, ayon sa ulat mula sa tanggapan.

Ibinunyag ni Cotabato BIR chief Venerando Homez, na nakapagkolekta umano ang tanggapan ng mahigit =P=108.9 milyon mula sa mga taxpayers sa unang quarter ng 2011.

Ayon kay Homez, ang kanilang collection goal para sa unang quarter nitong taon ay tinatayang =P=101 milyon lamang. 

Subalit natutuwa nitong ibinalita na lumagpas ang kanilang koleksiyon ng =P=7 milyon dahil umano sa pinalakas na tax campaign ng district office na nagsimula noon pang kalagitnaan ng taong 2010.

Dahil sa magandang naging simula ng kampanya, inihayag ni Homez, na malaki ang posibilidad na maabot o malalagpasan ng BIR Cotabato ang 2011 annual target nito na =P=504 milyon. 

Ito umano ay dahil na rin sa positibong tugon ng mga taxpayers ng lalawigan na binubuo ng 17 mga bayan at isang component city.

Binigyang diin din ni Homez na malaki ang maitutulong ng mga buwis na ibinabayad ng mga residente at mga malalaking negosyante lalo na sa pagtugon sa pag-unlad ng mga kanayunan.


Napapabalitang  kakulangan sa  bigas, hindi totoo – NFA

Naniniwala ng  pamunuan sa National  Food Authority sa  South Cotabato  na walang  katotohanan  napapabalitang  kakulangan  sa  pondong bigas  ng bansa, lalung lalo na sa  lalawigan ng  South Cotabato.

Ayon kay  NFA  South Cotabato  Manager Omar Mohammad, maaring  gawa-gawa lang ang  naturang balita  ng mga  negosyanteng nagnanais kumita sa   importasyon ng  bigas.

Kung ang   South Cotabato at  Lungsod  ng Koronadal umano ang  pag-uusapan, sinabi ni  Mohamad na tiyak na sobra-sobra ang  pondong bigas at maging ng  palay na nakaimbak sa  warehouse ng  NFA.

Aniya ang  imbentaryong bigas ng South Cotabato  ay umaabot pa sa ngayon ng  mahigit  dalawang  daang libong  sako.  Hindi pa napapabilang  dito ang aning  palay  ng mga magsasaka sa  lalawigan.

Matatandaang  nitong  mga nakaraang  linggo inihayag naman  ni  South Cotabato Provincial Agriculturist   Reynaldo  Legaste na mas  malamang  na  hindi  makararanas ng  tinatawag na  lean  months ang  buong lalawigan  dahil sa tuluy-tuloy ang taniman at  ani ng mga  magsasaka dito.


DOH 12 naka-Code White Alert

Nagdeklara ng   Code White Alert ang  pamunuan ang  Department of  Health  sa Rehiyon Dose (DOH 12) kaugnay sa  paggunita  ng  Semana Santa.

Sa isang   panayam , sinabi ni  Jenny Ventura,  health  education specialist ng  DOH 12, na kasabay ng  Code White Alert,  magtatalaga  ang  mga  local  health  units  ng  mga assistance   center sa  mga  pangunahing daan sa  buong rehiyon  upang  tumulong o magbigay ng  paunang  lunas sa mga  biyaherong  mangangailangan ng  tulong.

Inaasahang dadagsa  ngayong linggo ang  mga mamamayang bibiyahe sa iba’t ibang lugar o uuwi sa kani-kanilang probinsiya.   

Inaasahan din  ang  paglobo ng  bilang ng mga  maglalakbay sa  Miyerkules at  Huwebes  at  sa araw ng  Linggo kung kelan  inaasaahang magsisibalikan na ang mga nagbabakasyon.

Sa ilalim ng   Code White Alert dapat sigurado na sapat ang suplay  ng mga  gamot lalung lalo na ang  trauma medicines sa  mga emergency  rooms.  Dapat  sapat  din ang  suplay na  gamot at iba pang kakailanganin sa   mga operating  room.