Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki binaril ang ka-live-in sa Kidapawan city; patay


(Kidapawan City/ March 7, 2013)---Patay ang isang Jocelyn Guabong makaraang pagbabarilin ng kanyang ka-live-in partner na kinilala lang sa pangalang alyas Larry sa Kidapawan city alas 1:30 ng madaling araw nitong Martes.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Kidapawan City PNP sa pamumuno ni Supt. Joseph Semillano nag-iinuman pa umano ang biktima at ang suspek sa kanilang balutan sa harap ng Dacara Clinic na nasa Quezon Boulevard sa nasabing lungsod.

Mga bagong opisyal ng North Cotabato MDRRMC; inorganisa


(Amas, Kidapawan City/March 7, 2013) ---Binuo ang bagong grupo ng North Cotabato Municipal Disaster Risk Reduction Management Council Association sa probinsiya.

Ang mga bagong halal na opisyal ay nanumpa kahapon ng umaga sa harap ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na isinagawa sa provincial Capitol, Amas, Kidapawan city.

12-anyos na batang babae, Missing sa Carmen, Cotabato?



(Carmen, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Pinaghahanap ngayon ng kanyang mga magulang ang isang 12-anyos na batang babae na tubong Poblacion, Carmen, North Cotabato na nawawala ilang araw na.

Kinilala ang batang nawawala na si Janelle Oyong, estudyante, labing dalawang taong gulang na hanggang ngayon ay nawawala.

Ilang mga opisyal ng CRAA nakaranas ng hypertension



(Amas, Kidapawan City/ March 4, 2013) ---Nakaranas ng hypertension ang ilang mga opisyal ng Cotabato Regional Athletics Association o CRAA meet sa nagpapatuloy na laro simula Pebrero a-28.     
        
Ito dahil sa matinding init na nararanas ilang araw ng mag-umpisa ang kompetisyon.                                                           

3rd Year ND at 3rd Year BSHRM, wagi sa Mr. and Ms. CHEFS 2013



(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Wagi ang pambato ng 3rd Year BS Nutrition Dietetics at 3rd Year BS Hotel and Restaurant Management sa katatapos na Mr. and Ms. CHEFS 2013 na ginanap nitong Biyernes.

Itinanghal na Mr. CHEFS 2013, si Christofer Libuit, 3rd Yr. ND,  habang si Keza Marie Basadre, 3rd yr. BSHRM naman ang itinahangal na Ms. CHEFS 2013.

Isang motorsiklo sa Carmen, Cotabato; ninakaw!



(Carmen, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Ninakaw ang isang motorsiklo na pag mamay-ari ni Areston Farael, nasa tamang edad at resident eng Sitio 29, Brgy. Malapag Carmen, Cotabato.

Ayon sa report, pinarada umano ng nag ngangalang Dondon Nanal, 29 anyos, Magsasaka at residente ng nasabing lugar, sa isang Kooperatiba sa nasabing bayan, ng balikan ay wala na.

Ayon sa nakakita ng nasabing insedente, dalawang lalaki umano ang tumangay ng nasabing motorsiklo.

Resulta ng CRAA Meet; inilabas na



(Amas, Kidapawan city/ March 4, 2013) ---Nasungkit ng General Santos City ang 5 kampeonato sa secondary girls category sa larangan ng basketball, chess, rhythmic gymnastics, womens athletic gymnastics at tennis sa katatapos lamang na CRAA Meet 2013.

Pumapangalawa naman ang Koronadal City na nasungkit ang kampeonato sa larangan ng Archery at Badminton na sinundan naman ng South Cotabato na nasungkit ang kampeonato sa valleyball girls ng naturang laro.

Region 12, may bagong Zonal Centre



(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Ikinagalak ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao ang paglalagay ng Zonal Centre sa USM makaraang maaprubahan ang pagtatayo dito sa Rehiyon 12.

Ito ayon kay Zonal Centre 12 Director Dr. Anita Tacardon kungsaan isinailalim ang mga personnel ng zonal sa isang pagsasanay kamakailan hinggil sa National Budget Circular 461- Orientation training and Seminar workshop sa College of Health and Sciences Audio Visual Room.

Activity for Women’s Month Celebration sa Kabacan, Cotabato; ilulunsad



(Kabacan, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Iba’t-ibang mga programa ngayon ang niluluto ng Pamahalaang lokal ng Bayan ng Kabacan hinggil sa selebrasyon ng Women’s Month ngayong buwan.

Layon ng nasabing aktibidad na palakasin pa ang impormasyon hinggil sa malaking papel na ginagampanan ng kababaihan sa lipunan na kanilang ginagalawan.

Closing Program ng CRAA Meet; matagumpay na nagtapos



(Kidapawan City/ March 4, 2013) ---Matagumpay na idinaos ang Closing Program ng 11th Cotabato Regional Athletic Association Meet na ginanap sa Amas Capitol Ground kaninang tanghali. 

Kasabay ng naturang Closing Program ang pag anunsyo ng mga special awards tulad ng Best in Saludo na nasungkit ng Sultan Kudarat. Ang Best in Uniform ay nakuha parin ng Sultan Kudarat.

Gensan, itinanghal na kampeon sa katatapos na CRAA Meet 2013



(Amas, Kidapawan City/ March 4, 2013) ---Namayagpag ang koponan ng General Santos city matapos na maiuwi ang kampeonato sa katatapos na Cotabato Regional Athletics Association na ginanap sa probinsiya.

Sa puntos na 586.50 umabante ang Gensan sa mahigpit nitong katunggali ngayong taon sa CRAA laban sa South Cotabato na 586.0 na puntos at dati ring may hawak ng kampeonato sa dalawwang magkasunod na taon.

Tubong Kabacan na pambato ng North Cotabato sa Swimming ng CRAA; kwalipikado sa Palarong Pambansa


(Kabacan, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Nasungkit ng Cotabato Province ang 1st place sa Swimming para sa Elementary Boys category sa katatapos na Cotabato Regional Athletics Association o CRAA meet 2013 na ginanap sa probinsiya.

Ito ay sa katauhan ni Eugene Ceasar Escoton, grade 6 pupil ng ECLC at residente ng bayang ito.

Ang batang manlalaro ay nakakuha ng tatlong medalyang ginto, 1 silver at 1 bronze na nagdala sa kanya upang tanghaling panalo sa nasabing event.

Delagado ng Cotabato Province; nakasungkit ng apat na gintong medalya sa nagpapatuloy na CRAA Meet


(Kidapawan City/ March 4, 2013 ) ---Bagama’t nangungulelat sa ilang mga koponan ang delagado ng host province, naiuwi naman ng ilang mga manlalaro ang apat na gintong medalya sa nagpapatuloy na Cotabato Regional Althletic Association o CRAA meet.

Ayon sa nakuhang resulta, sa elementary boys category, kampeyon ang Cotabato Province sa larong badminton, sa gymnastic at larong chess, kampeyon ang General Santos City, sa Volleyball kampeyon naman ang Sultan Kudarat.

11-anyos na batang na-missing, natagpuang palutang-lutang sa isang ilog sa Magpet, North Cotabato


(Magpet, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Patay na at palutang-lutang sa isang ilog ang 11-anyos na batang babae ng matagpuan ng mga residente sa brgy Ilian bayan ng Magpet, North Cotabato kahapon.

Ayon sa report ng Magpet PNP, anim na araw ng nawawala ang biktima.

1 patay sa 2 magkahiwalay na vehicular accident sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Dead On Arrival sa ospital ang driver ng Honda Bravo makaraang masangkot sa isang vehicular accident sa Brgy. Aringay alas 6:30 ng gabi noong Sabado.

Kinilala ng Kabacan Traffic Division ang biktima na si John Fajardo, nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.

(Update) 7 na namatay habang 17 sugatan sa madugong aksidente sa Highway ng Pikit, North Cotabato


(Pikit, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Umakyat na sa Pito ang namatay habang 17 naman ang sugatan sa pinakamadugong road accident sa North Cotabato simula taong 2012.

Apat sa mga binawian ng buhay ay mga estudyante ng College of Nursing ng Saint Benedict College na nakabase sa Parang, Maguindanao kungsaan papunta ang mga ito sa Cruzado Hospital sa bayan ng Pikit para sa kanilang internship.