Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay sa 2 magkahiwalay na vehicular accident sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ March 4, 2013) ---Dead On Arrival sa ospital ang driver ng Honda Bravo makaraang masangkot sa isang vehicular accident sa Brgy. Aringay alas 6:30 ng gabi noong Sabado.

Kinilala ng Kabacan Traffic Division ang biktima na si John Fajardo, nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.

Minamaneho umano ni Fajardo ang isang kulay berde na Honda Bravo galing ng brgy Malanduage at pagdating sa brgy Aringay ay nabangga nito ang dalawa kataong kinilalang sina Jamil Mangakoy at Benjie Waguia parehong menor de edad.

Mabilis na isinugod ang mga sugatan sa Amas Hospital sa Kidapawan City.

Pero ang driver na si Fajardo ay binawian na ng buhay.

Samantala, sugatan ang tatlo katao sa nangyaring vehicular accident sa may National Highway, partikular sa brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 3:15 kahapon ng hapon.

Batay sa report ni SPO4 Nehemio Maglangit ng Kabacan traffic Division sangkot sa nasabing aksidente ang isang Kawasaki Bajaj at grandstar Gamma Motorcycle.

Kapwa nagtamo ng malubhang sugat ang dalawang mga driver at ang isang angkas ng Kawasaki Bajaj na mabilis namang isinugod sa Kidapawan Medical Specialist.

Kinilala ang driver ng grandstar na si Iren Datuya residente ng Datu Montawal, Maguindanao habang kinilala naman ang driver ng Bajaj na si Eduardo Pachikoy na may angkas, ayon sa report.

Kapwa nagtamo ng kaparehong kasiraan ang dalawang mga motorsiklo na ngayon ay naka-impound sa Kabacan PNP. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento