(USM,
Kabacan, North Cotabato/ February 2, 2015) ---Nagpasa ng House Bill No. 1077 si
Congresswoman Nancy Catamco para sa paghihiwalay ng USM-KCC sa USM Main Campus.
Ito
ayon kay USM-KCC Dean, Dr. Luz Tapusok sa panayam ng DXVL News.
Aniya,
kung maghihiwalay umano ang USM-KCC sa USM Main Campus ay papangalanan itong
North Cotabato State College.
Ang
magiging adbentahe umano nito ay ang pagiging Autonomous, pagkakaroon umano ng
sariling budget, structure ng isang State College at ang paghihiwalay ng
operation nito sa USM Main.
Dagdag
pa niya hindi naman siguro magiging malaking kawalan sa USM Main Campus ang
separation ng USM-KCC, dahil sa marami naman umanong courses offering ang
unibersidad at level 4 accredited pa ito.
Sa
ngayon nasa House of Congress pa ang House Bill na ipinasa, na inaprubahan na ng
Committee at isasalang na ito para sa plenary readings. Rhoderick Beñez and Rizalyn Launio
USM main campus is less than an hour travel why create another one within the province? para sabihin that's my legilation....
TumugonBurahinlegislation....
Burahin