Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cong. Jose Ping Ping Tejada suportado ang BBL ngunit di pabor sa Section 3 ng Article 3 ng BBL

Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ May 22, 2015) ---Suportado ni 3rd district Cong. Jose Ping Ping Tejada ang Bangsamoro Basic Law o BBL ngunit di pabor sa Section 3 ng Article 3. 

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng mambabatas na 65-70 porsyento umano ng proposed proposal ng BBL ay pumabor siya ngunit di nito nagustuhan ang probisyon ng Section 3 ng Article 3 on territory sa economic,infrastructure at social needs ng mga mamamayan ng Bangsamoro.

TMU nagsagawa ng Oplan Kolorum sa bayan ng Kabacan

Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 22, 2015) ---Nagsagawa ng Oplan Kolorum ang Traffic Management Unit o TMU sa bayan ng Kabacan kahapon. Sa panayam ng DXVL news kay TMU head retired Col. Antonio Peralta, inihayag nito na nakahuli sila ng pitong trysikel, anim na trysikad at sampung single na motorsiklo.

Aniya karamihan sa inilabag ng mga motorista ay walang rehistro ang motor, expired ORCR at walang kaukulang driver’s license.

Mahigit 3K na botante ng Kabacan, nanganganib na matanggal sa listahan ng Comelec

Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 22, 2015) ---Nanganganib na matanggal sa listahan ng Comelec Kabacan ang mahigit sa 3 libung mga botante dahil sa walang mga biometrics ang mga ito.

Sa impormasyong nakuha ng DXVL News sa nasabing tanggapan na simula sa buwan ng Oktubre hanggang sa Nobyembre ng kasalukuyang taon ay sisimulan na nilang magtanggal ng mga pangalan.

Panukalang batas hinggil sa pagkakaroon ng Speed Limit sa National Highway, isusulong ng SB

Photoby: F. Cabrera
Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 21, 2015) --- Isasalang na sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ang panukalang batas hinggil sa pagkakaroon ng Speed Limit sa National Highway sa bayan ng Kabacan matapos na magkaroon na ng amendment sa isinagawang Committee Meeting sa SB Session Hall kahapon.

Sa nakalap na impormasyon ng DXVL News Team, kasama sa dumalo sa nasabing pagpupulong sina  ABC President Raymundo Gracia, Councilor Herlo Guzman Sr., Councilor Rosman Mamaluba, Councilor Geoge Manuel at Councilor Jonatahan Tabara  na mga may hawak ng mga ng mga komitiba ng Peace and Order, Public Safety and Human Rights, Drug Abuse at Transportation and Communication Committee, Kabacan PNP na dinaluhan ni PI Arvin Jhon Cambang sa katauhan ni OIC Chief PSI Cordero at Kabacan TMU Ret. Col Antonio Peralta.

Pagkakalusot sa House Ad Hoc Committee ng BBL, ikinagalak ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato

BM Kelly Antao
Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ May 21, 2015) ---Ikinagagalak ng Provincial Government of North Cotabato ang paglusot ng Bangsamoro Basic Law o BBL sa House Ad hoc Committee.

Ayon kay North Cotabato 1st District Board Member Kelly Antao sa panayam ng DXVL News, mas marami umano sa mga lideres sa lalawigan na naniniwalang ang BBL ang magiging daan at susi tungo sa matagal nang minimithing kapayaan.

Tulong sa mga magsasakang napektuhan ng tagtuyot sa bayan ng Kabacan, patuloy na ipinamahagi

Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 21, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang distribusyon ng ayuda ang Local Government Unit ng Kabacan sa mga naapektuhang magsasaka buhat ng naranasang tagtuyot nitong nakaraang buwan sa bayan ng Kabacan.

Ayon Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer David don Saure sa panayam ng DXVL News, nagsimula na silang mamahagi ng tulog sa mga ito mula araw ng Martes kamakalawa.

1 patay, 1 sugatan sa magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Pikit, North Cotabato

Rhoderick Beñez

(Pikit, North cotabato/ May 21, 2015) ---Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa Brgy. Kulambog, Pikit, North Cotabato alas 7:30 ng umaga kahapon.

Ayon kay PI Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP sa panayam ng DXVL News, kinilala nito ang biktima na isang Tato Batingkay, 37 anyos at residente ng Brgy. Silik sa nasabing bayan.

Mister, kapitbahay patay sa pamamaril sa Midsayap, North Cotabato

Rhoderick Beñez

(Midsayap, North Cotabato/ May 20, 2015) ---Patay ang isang 30-anyos na mister habang binawian din ng buhay sa ospital ang kapitbahay nito na natamaan ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ang biktima sa panibagong krimen na sumiklab sa Poblacion 3, Midsayap, North Cotabato pasado ala 1:00 ng madaling araw ng Miyerkules.

Kinilala ni Supt. Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang biktima na si Joey Ryan Agustin Quilban, 30-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Lasing, tumawid sa Highway nabangga patay

Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 20, 2015) ---Kamatayan ang sumalubog sa isang mister na senglot matapos itong masagasaan ng motorsiklo habang tumatawid na pasuray-suray sa kahabaan ng highway sa Barangay Malasila, bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng gabi. 

Base sa police report, pauwi na ang biktima mula sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan nang bigla itong tumawid kaya nahagip ng motorsiklo ni Wenry Tabuso Jr. 

Rape Suspek, Arestado ng Carmen PNP

Rhoderick Beñez

(Carmen, North Cotabato/ May 20, 2015) ---Kalaboso sa Carmen PNP lock-up cell ang isang rape suspek na sinasabing nasa watch list ng mga otoridad matapos na masakote sa mismong bahay nito.

Kinilala ni PSI Julius Malcontento, OIC-ng Carmen PNP ang suspek na si Florentino Herusalem, 40-anyos at residente ng Liliongan, Carmen.

Buluan PNP sa Maguindanao, ikinabahala ang insidente ng pamamaril tuwing brown-out!

Rhoderick Beñez

(Maguindanao/ May 20, 2015) ---Ikinabaha ng pamunuan ng Buluan PNP ang mga insidente ng pamamaril sa lugar kung saan kadalasang nangyayari tuwing brown out.

Ayon kay PSI Alonto Arobinto, hepe ng Buluan PNP, nangyari ang insidente sa kasagsagan ng brown-out.

Sinabi ni Arobinto, nawawala ang kuryente sa ilang bahagi ng Buluan tuwing alas sais hanggang alas otso ng gabi kung saan sa mga oras na ito kadalasang nangyayari ang kaso ng pamamaril.

10-anyos na paslit, patay matapos tamaan ng ligaw na bala

(North Cotabato/ May 20, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang ang isang sampung taong gulang na batang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala na naglalakad lamang sa National highway ng Poblacion, Buluan Maguindanao, pasado alas 5:00 kahapon ng hapon.

Ayon kay PSI Alonto Arobinto, hepe ng Buluan PNP isang Tunggan Montawal sana ang target ng mga suspek na nakatayo rin sa nabanggit na lugar sa mga oras na iyon.

Suhulan sa mga congressman sa pag apruba ng BBL pinasinungalingan ni North Cotabato MILF Spokesperson Jabib Guiabar

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ May 20, 2015) ---Pinabulaanan ni North Cotabato MILF spokesperson Jabib Guiabar ang report na nagkaroon umano ng suhulan sa mga congressman sa pag apruba ng BBL.

Sa panayam ng DXVL news binigyang diin ni Guiabar na hindi umano sinuhulan ng Malacañang ang ilang miyembro ng kongreso upang bumuto pabor sa BBL. 

Rural Transit Bus, hi-nold-up sa Matalam, North Cotabato; Libung halaga ng collection ng conductor nalimas

Rhoderick Beñez

(Matalam, North Cotabato/ May 19, 2015) ---Abot sa mahigit P3,000.00 na halaga ng cash ang natangay ng dalawang mga holdaper makaraang mahold-up ang isang Rural Transit Bus sa Purok Santol, Brgy. Central Malamote, Matalam, Cotabato alas 5:30 kaninang umaga.

Sa report na ipinarating sa DXVL News ni SPO4 Froilan Gravidez ng Matalam PNP buhat sa Tacurong city ang Rural Transit Bus na may body number 202 at license plate KBG 769 patungong Cagayan de Oro ng mahold-up sa nasabing lugar.

Carnapper huli sa drag-net operation ng Kabacan PNP sa bayan ng kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2015) ---Nasakote ng mga otoridad ang isang karnaper sa inilatag na drag-net operation ng mga kapulisan sa Sitio Lote, Brgy. Kayaga, Kabacan Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP ang suspek na isang Naser Kadi, 35 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng bayan ng Pagalungan sa lalawigan ng Maguindanao.

MILF Spokesperson Jabib Guiabar, nirerespeto ang katayuan ng isang Sultan ng Sulu sa BBL

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2015) ---Iginagalang umano ng MILF ang katayuan ni Sulu Sultanate Abraham Adjirani na direktang nagpapahayag ng oposisyon sa BBL.

Ayon kay MILF North Cotabato Spokesperson Jabib Guiabar sa panayam ng DXVL News, nirerespeto umano nila ang katayuan ng nasabing personahe sapagkat bawat-isa naman umano ay may karapatang maglalabas ng kanyang opinyon at pananaw.

Kabacan PNP, LGU at iba pang sektor, naki-isa sa pagsisimula ng Brigada Eskwela sa bayan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2015) ---Kasabay ng pagsisimula ng Brigada Skwela sa bayan ng Kabacan ngayong taon, nakiisa kahapon sa isinagawang aktibidad ang Kabacan PNP, LGU, at iba pang sektor sa Kabacan Pilot Central Elementary School kahapon.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, ang OIC Chief ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL News, kasama sila sa nasabing aktibidad ang MENRO ng LGU sa pangunguna ni Jerardo Laoagan, mga BPAT, mga Stakeholders, mga guro, at mga magulang ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan.

2 dalaga, kalaboso dahil sa illegal na sugal o “last two” sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2015) ---Huli sa isinagawang operasyon ng Kabacan PNP ang dalawang dalaga dahil sa illegal na sugal o mas kilala sa tawag na “last two” sa Kabacan Public Market sa Brgy. Poblacion sa bayan dakung alas 10:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero OIC Chief ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Maylene Pableo, 19 anyos, dalaga, residente ng Brgy. Buluan sa bayan ng Pikit North Cotabato, at isang Nonie Sapong, 20 anyos, dalaga at residente ng Jacinto St. Poblacion, Kabacan.

Usaping pangkapayapaan, suportado ng libo-libong mamamayan ng North Cotabato

OPPAP

Abot sa dalawang libong mamamayang galing sa iba’t ibang munisipalidad ng North Cotabato ang nagsama-sama at nagpakita ng supporta  sa bayan ng Pigcawayan isang araw bago ang ganapin botohan sa kongreso kaugnay sa Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ang nasabing aktibidad ay may kinalaman sa pagsuporta sa nagpapatuloy na negosasyon ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front at ang pagpasa sa panukalang batas.

North Cotabato MILF Spokesperson, malaki pa rin ang paniniwalang maipapasa ang BBL

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2015) ---Malaki ang paniniwala ni North Cotabato MILF Spokesperson Jabib Guiabar na maipapasa pa rin ang BBL sa kabila ng mga rebisyon nito sa nagaganap na botohan sa kongreso.

Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News kasabay ng pagpapaliwanag nito na ang BBL ay tumatalima sa konstitusyon ng bansa.

1 simbahan at 5 kabahayan, natupok sa sunog sa Carmen North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Carmen, North Cotabato/ May 18, 2015) ---Nanawagan ngayon ang BFP Kabacan sa mga mamamayan sa bayan ng Carmen na ireport kaagad kung meroong nangyaring sunog sa kanilang lugar makaraang natupok sa sunog ang limang kabahayan at isang simbahan sa Manuvo village, Carmen, North Cotabato noong biyernes ng tanghali.

Ayon kay FSI Ibrahim Guiamalon sa panayam ng DXVL news, naaabo ang isang Esperito sa Kamatuoran na simbahan na kung saan nakapangalan kay Mila Manolas bilang caretaker, kasama ang mga bahay nina Rolinda Angcalip, Pacita Pillio, Lorena Bagnes, Felipe Manolas at Noemi Pillio na siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng sunog.

Ilang mga gulay sa Kabacan Public Market, tumaas ang presyo

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 18, 2015) ---Bagama’t nakakaranas na ng pag-ulan sa probinsiya ng North Cotabato ay di pa rin bumaba ang mga presyo ng gulay sa pamilihang bayan Kabacan sa halip ay sumipa pa ang presyo sa ilan sa mga ito.

Ito ayon kay Ginoong Jainarasul Atih ang isa sa mga may-ari ng tindahan ng gulay sa Kabacan Public Market sa panayam ng DXVL News, ito ay dahil na rin umano sa pagtaas rin ng presyo ng mga gulay mula sa kanilang supplier sa bayan ng Makilala.

Launching ng Regional Brigada Eskwela, isinagawa sa Tulunan, North Cotabato

Christine Limos

(Amas, Kidapawan City/ May 18, 2015) --- Gaganapin ngayong araw ang launching ng Regional Brigada Eskwela sa Minapan Elementary School sa Tulunan habang una na ring isinagawa ang Division launching nito noong Miyerkules sa Katipunan Elementary School sa Arakan, North Cotabato.

Ito ay ayon kay DepEd Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL news.

Nilalaman ng BBL, ipinapaliwanag sa Publiko

Rhoderick Beñez

(North Cotabato/ May 18, 2015) ---Kasabay ng isasagawang botohan sa ad hoc committee sa Kamara tungkol sa mga probisyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), na ipagpapatuloy na ngayong araw ng Lunes hanggang sa Miyerkules, Mayo 20 ay isinasagawa rin ng grupong ICON-SP North Cotabato ang tatlong araw na orientation ng Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Tulunan Inter-peace zone Coordinating Council Chairperson Max Casulukan, layunin nitong mas maipaliwanag at maipaintindi sa publiko ang laman ng proposed BBL na magiging batayan ng itatayong Bangsamoro Government.

3-anyos na bata, patay sa aksidente sa Highway ng Pigcawayan, North Cotabato

Rhoderick Beñez

(Pigcawayan, North Cotabato/ May 18, 2015) ---Patay ang isang 3-anyos na paslit, makaraang masangkot sa isang aksidente  sa National Highway, partikular sa panulukan ng Manuangan sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato ala 1:00 ng hapon kamakalawa.

Sa impormasyong nakalap ng Pigcawayan PNP, lulan ang biktima sa isang motorsiklo na Kawasaki CT 100 na minamaneho ni Rasul Abdullah kasama ang ina ng bata at dalawa pang pasahero ng aksidenteng mabangga ang isang Mitsubishi Estrada.

EXCLUSIVE Featured Story: Barangay Cuyapon, Champion ka sa Kapayapaan!

by: Sarrah Jane Corpuz Geurrero 

(Kabacan, North Cotabato/ May 17, 2015) ---Kalilintad, Kapayapaan, Katahimikan, Peace---ito ay iilan lamang sa mga salitang hinango sa ibat-ibang linggwahe dito sa Cotabato. 

Iisa lamang ang ibig sabihin nito ngunit kadalasan mahirap unawain. 

Ang bayan ng Kabacan ay isa sa mga lugar sa Cotabato na saksi sa ibat ibang hidwaan na nagresulta sa madugong engkwentro at mga inosenteng sibilyan ang

LGU Kabacan, tiniyak na babayaran ang utang sa street lights!

By: Sarrah Jane Corpuz Guerrero

(Kabacan, North Cotabato/May 17, 2015) ---Sa isang pahinang liham na ipinadala ng Cotabato Electric Cooperative, Inc (COTECLO) sa tanggapan ni Hon. Mayor Herlo P. Guzman, Jr  na natanggap, May 14, 2015, naninidigan ang pamunuan ng COTELCO na ibabalik lamang ang koneksyon ng kuryente sa mga streetlights sa barangay Poblacion kung ang Five Hundred Eighty One Thousand Seven Hundred Eighty Two and sixteen pesos ay mababayaran ng LGU Kabacan.

2 patay, 5 sugatan sa road mishap

Rhoderick Beñez

Maguindanao, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang dalawa katao habang lima pa ang suga­tan makaraang masangkot sa vehicular accident sa Barira, Maguindanao kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay P/Insp. Haron Makabanding, hepe ng Barira Police, dakong alas-5 ng madaling-araw habang minamaneho ng isang Manan Manabilang ang Toyota Hilux pick up truck na nakarehisto kay Barira board member Mobari Dagalanged at papunta sana sa bayan ng Barira ga­ling Parang, Maguindanao nang makasalubong ang Mazda vannette na minamaneho naman ni Saydona Toroganan mula Buldon, Maguindanao sakay ng mahigit 10 pasahero.

Personal grudge nakikitang motibo sa pagpatay sa dating kapitan ng baranggay sa Pikit, North Cotabato

By: Christine Limos

(Pikit, North Cotabato/ May 15, 2015) ---Personal grudge ang nakikitang motibo sa pagbaril, patay sa dating barangay kapitan ng Brgy. Talitay, Pikit North Cotabato alas otso bente kamakalawa ng gabi. 

Ito ay ayon kay PI Sindato Karim hepe ng Pikit PNP sa panayam ng DXVL news.

Ipinaliwanag ng opisyal na ayon sa pahayag ng mga witnesses personal grudge ang nakikitang motibo sa pagpatay kay dating baranggay kapitan Haji Mohamad Judy Sabil, 61 anyos.