Ika-2 taong anibersaryo ng Maguindanao Massacre; gugunitain ngayong araw
Eksakto ikalawang taon na ngayon ng Maguindanao-Ampatuan Massacre makaraang mapaslang ang may 58 katao kabilang na dito ang 32 mga kagawad ng media sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.
Pero para sa mga kamag-anak ng biktima hindi pa rin tapos ang kanilang ipinaglalaban para makamit ang totoong hustisya. Kahapon, isang araw bago ang anibersaryo ay nagsama-sama sa massacre site ang mga kamag-anak ng mga massacre victims, grupo ng media practitioners at iba pa na pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP.
Sa panayam ng DXVL Radyo ng bayan kay Rose Momay Agor, ang kamag-anak ng biktimang si Reynaldo Momay ng Midland Review na hanggang ngayon ay patuloy na pinag-hahanap, dismayado siya sa tila usad pagong na proseso ng kaso. Nalulungkot pa rin ito na minsan pa’y nawawalan na ng pag-asa kung makikita pa ba nila ang bangkay ni Momay o hindi na.
Samantala dagdag at kaugnay na balita… Napag-alaman na kabilang sa aktibidad kahapon ay ang caravan patungo sa Sitio Masalay na kinabibilangan din ng mga kasapi ng NUJP mula ditto sa North Cotabato, kasama na ditto ang News team ng DXVL-Radyo ng Bayan na pumunta sa massacre site kahapon.
Mapapansin na ang kaibahan ng massacre site ngayon kung ikukumpara noong nangyari ang paghuhukay sa bangkay ng mga biktima kung saan na-develope na ang lugar. Mula sa national Highway abot sa mahigit limang kilometro ang pinaghukayang grave site kungsaan nakatayo na ngayon doon ang abot sa 2Million Multi Purpose building.
Liban sa ilang mga kaanak, nanguna rin ang mga miyembro ng local chapter ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP), National Union of Journalist in the Philippines (NJUP) at iba pa. Ang running priest na si Father Robert Reyes ang nanguna sa pagsasagawa ng banal na misa sa lugar.
Isinagawa rin ang pag-alay ng panalangin at pagtirik ng kandila ng mga kamag-anak ng biktima ng masaker kasama na rin ang ilang kinatawan ng peace advocacy groups. Sa mensahe ng pari di nito maiwasang magpatutsada sa nakaraang administrasyon.
(insert tape Fr. Reyes) ang naging pahayag ni Father Robert Reyes ang Running Priest
Hustisya pa rin ang isinisigaw ng mga kaanak kasabay ng panawagan sa gobyerno na tutukan ang kaso upang mapadali ang pagpataw ng parusa sa mga suspek sa nangyaring krimen.
Ayon sa mga nagtungo sa lugar kahapon hindi na sila makikisabay ngayong araw sa pamilyang Mangudadatu at iba pang mga supporters dahil siguradong mas marami ang bubuhos sa site.
Ang commemoration activity ay pangungunahan ng provincial government ng Maguindanao.
Ngayong umaga naman, isang misa rin ang gagawin sa Forest Lake Cemetery sa General Santos City.
Sa statement na ipinalabas ng Heirs of 11/23 Hereos Incorporated, isasagawa ang motorcade alas-3:00 ng hapon bukas sementeryo sa Gensan kung saan doon inilibing ang 12 sa mga biktima na mga miyembro ng media.
Naging mahigpit naman ang seguridad na ipinapatupad ng Philippine National Police (PNP) at militar sa massacre site.
Odik: Una rito, umaabot sa P13 milyon ang inilaan na pondo ng provincial government ng Maguindanao sa ipinatayong istruktura sa massacre site.
Sa nasabing halaga, umaabot sa P10 milyon ang napunta sa pagpakongkreto ng isang kilometro na daan patungo sa massacre site; P2 milyon para sa pagpatayo ng multi-purpose hall at dalawang guardhouses; P150,000 para sa kongkretong memorial marker; P480,000 ang inilaan para sa tatlong poste na solar-powered lamp at P350,000 naman para sa ipinatayong bakod.
Iwinasto na ang may maling pangalan ng ilan sa mga biktima na nakalagay sa memorial marker.
Samantala, una naring inihayag ni NUJP general secretary Rowena Caranza Paraan na magbibigay ng scholarship ang organisasyon sa mga anak ng mga nagging biktima ng Maguindanao Massacre.