Ilang mga Media na kasapi ng NUJP tutulak ngayong umaga sa Massacre Site para gunitain ang Ampatuan-Maguindanao Massacre
Ngayong araw ang bisperas ng Maguindanao Maasacre para sa ikalawang taong anibersaryo nito kungsaan pinaslang ang 57 katao kasama na ditto ang mga mahigit 30 mga mamamahayag.
Kaugnay nito, ang National Union of Journalists of the Philippines o NUJP at mga kapanalig nito ay magtutungo araw sa massacre site.
Sasabay sa activity ang NUJP Kidapawan chapter na pangungunahan ng kanilang Presidente na si Ms. Malu Cadalina Manar at ang Mindanao Press Corps.
Samantala, isang ecumenical prayer ang ginawa ng mga madre, NGOs, at peoples’ organizations na kasapi ng Alliance Against Impunity sa puntod ng pinaslang na human rights lawyer na si Connie Brizuela sa Barangay del Carmen, President Roxas, North Cotabato, ala-una ng hapon, kamakalawa.
Kasama sa grupo ang Sisters Association in Mindanao at ang Kalumaran Group na nakabase sa Davao City.
Ayon sa grupo, inuna na nila’ng dalawin ang puntod ni Atty. Brizuela dahil sa Nov 23 ay may malawakang rally sila na gagawin sa Davao City na tulad din ng iba pang mga human rights advocates at mga journalists sa Mindanao.
Sigaw ng grupo magkaroon na sana ng linaw ang kaso ni Brizuela at ng 57 iba pa na minasaker sa Sitio Masalay, Barangay Salman sa bayan ng Datu Unsay, Maguindanao, dalawang taon na ang nakalilipas.
Si Brizuela ay abogado ng pulitikong si Maguindanao Governor Toto Mangudadatu.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento