Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

18-anyos na Ginang, arestado sa pandurukot

By: Rhoderick Beñez

(Tacurong City, Sultan Kudarat/May 10, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 18-anyos na ina makaraang matimbog ng mandukot sa Pamilihang Lungsod sa Tacurong City sa lalawigan ng Sultan Kudarat, kahapon ng umaga.

Sa report ng pulisya kinilala ang biktima na si Norhana Rocaima, 18-anyos, may asawa at dalawang anak, residente ng ng Barangay Malagapas, Cotabato City.

Region 12 nagpakitang gilas sa Palarong Pambansa 2015

by: Jimmy sta. Cruz

(AMAS, Kidapawan City/ May 10, 2015) - Dahil sa ipinakitang husay, nakamit ng Region 12 o SOCCSKSARGEN delegation ang ika-walong puwesto o rank 8 sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2015 sa Mankilam, Tagum City, Davao del Sur kahapon.

Photo: Benjie Caballero 

Nasungkit ng Region 12 ang kabuuang 65 medals sa palaro na nagsimula noong May 3-hanggang May 9, 2015.

Sa 65 na medalya 13 dito ay gold sa table tennis, taekwondo at lawn tennis; 24 ang silver sa table tennis, taekwondo at swimming at 28 ang bronze sa softball, lawn tennis at badminton.

Mga pamilya ng mga nasawing sundalo ng 57th IB binigyan ng financial assistance ng Cotabato Provincial Government

By: Jimmy Sta. Cruz/ PGO Media Center
(AMAS, Kidapawan City/ May 10, 2015) - Tumanggap ng tig-P10,000 ang mga pamilya ng mga nasawing miyembro ng 57th Infantry Battalion ng Phil. Army sa roadside bombing na nangyari sa Barangay Kabalantian, Arakan, Cotabato noong May 6, 2015.

Ito ay matapos ipag-utos ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang agarang koordinasyon sa mga pamilya ng mga nasawi at mabigyan ang mga ito ng tulong-pinansiyal.

SRAA, nasa ika-walong pwesto sa katatapos na Palarong Pambansa

OFFICIAL RESULT: Palarong Pambansa
From: Benjie Ali Caballero


Ex-Brgy. Chairman, itinumba ng tandem

by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 9, 2015) ---Pinabulagta ng riding tandem assassins ang dating Punong Barangay sa panibagong krimen na naganap sa Brgy. Aringay, Kabacan, North Cotabato alas 3:15 kahapon ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, OIC-Kabacan PNP kinilala ang biktima na si Ricardo Lachica, nasa tamang edad, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Osias ng nabanggit na bayan.

Kabacan Terminal Complex, nakatanggap ng Outstanding Compliance recognition para sa Standards of Public Terminal sa R-12

By: Sarah Jane Guerrero

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Isa ang Kabacan sa tatlong Munisipyo sa Rehiyon dose ang nabigyan at nagawaran ng plaque of Appreciation para sa Outstanding Compliance to the Standards of Public Terminals. 

Ang nasabing parangal ay tinanggap ni Mr. Edne B. Palomero ang acting Municipal Economic and Enterprise Development Officer ng LGU Kabacan noong April 24, 2015 sa General Santos City.

On-going projects sa ilang barangay ng bayan ng Kabacan, malapit nang maiturn-over

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Ituturn-over na ngayong buwan ng Hunyo ang mga on-going projects sa ilang mga barangay sa bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr sa panayam ng DXVL News.

Anya, halos kalahati ng lahat ng bilang ng mga barangay sa bayan ang kasalukuyan ay may on-going na mga proyekto na malapit ng matapos at isa na rito ang road rehabilitation sa Brgy. Pisan na malapit nang maiturn over.

Magsasaka sugatan makaraang ma hit-run sa Highway ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Ospital ang bagsak ng isang magsasaka matapos na masugatan makaraang ma-hit and run sa National High Way sa bahagi ng Brgy. Katidtuan, Kabacan Cotabato alas 12:30 ng tanghali kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP Traffic Division ang biktima na si Amado Cariño, 53 anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.

PALARONG PAMBANSA 2015 UPDATE: Mga Atleta mula North Cotabato, umarangkada sa ika-apat na araw ng Palarong Pambansa 2015

by: Lurvie James N. Fruto/ PIO South Cotabato
MEDIA Center: Palarong Pambansa 2015
Nagwagi ng gintong medalya ang dalawang atleta mula sa Carmen North Cotabato sa Table Tennis Doubles Girls Mixed Tournament sa Palarong Pambansa 2015 na kasalukuyang idinadaos sa Tagum City, Davao Del Norte.

Si Ypriel Jane B. Luna at Chrisien Mae N. Santillan, na parehong estudyante ng Kimadzil Elementary School, Cotabato Province ay nagwagi laban kina Jaylyn Valencia at Jorrina Nepomuceno ng Central Luzon at siya ring nakakuha ng Silver Medal at Corrine Cartera, Ayesha Bonniemhe Quibol ng Region 11 o Davao Region na nakakuha din ng Bronze.

Serbisyo ng Street lights sa Brgy. Poblacion ng Kabacan, tiniyak na maibabalik bago ang pasukan -Alkalde

by: Mark Anthony Pispis

Mayor Herlo Guzman Jr.
(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Iginiit ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. na ma-ibabalik ang serbisyo ng Street Lights sa Brgy. Poblacion bago pa man ang nalalapit na pasukan  sa Hunyo.

Ginawa ng punong ehekutibo ang pahayag sa DXVL News matapos na patuloy pa rin ang reklamo ng mga residente dahil sa napakadilim ng mga kalye ng Poblacion.

Kidapawan City isinailalim na sa state of calamity; P103M danyos dahil sa dry spell

By: Christine Limos

(Kidapawan City/ May 8, 2015) ---Isinailalim na sa state of calamity ang Kidapawan City dahil sa naranasang dry spell.

Sa panayam ng DXVL news kay CDRRMC head Psalmer Bernalte, inihayag nito na inaprubahan na kahapon ng Sangguniang Panglungsod na ideklarang under state of calamity ang lungsod ng kidapawan dahil sa naranasang apat na buwan na tagtuyot.

Solo Parents, sumailalim sa BDM-Seminar ng OPAG North Cotabato

By: Ruel Villanueva

(North Cotabato/ May 8, 2015) ---Nagsagawa kamakailan ng Business Development and Management Seminar para sa mga solo parents sa Ace Pension House Conference Hall sa Midsayap ang Office of the Provincial Agriculturist ng North Cotabato na dinaluhan ng tatlumpu’t isang mga solo parents  sa lugar.

Ang seminar na nabanggit ay pinangunahan nina Ms. Norberta Tahum, Marivic Supeña at Delma Padua ng OPA Socio-economics Division.

Mister, utas sa selosang Misis

(North Cotabato/ May 8, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang mister makaraang pagtatagain ng misis dahil sa selos sa nangyaring krimen sa bayan ng Barira probinsiya ng Maguinadanao alas 2:00 kahapon ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay Police Senior Inspector Haron Macabanding, ang hepe ng Barira PNP na may pinagtalunan ang biktima at ang misis nito.

Fetus, natagpuan sa ilog ng Magpet

(Magpet, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Nailibing na ang fetus na natagpuan sa bahagi ng isang ilog sa Sitio Balite, Brgy. Alibayon, Magpet, North Cotabato kahapon ng hapon.

Ayon kay PSI Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP na wala ng buhay ng kanilang madatnan ang nasabing 3-4 na araw na fetus.

Walang anomalya sa Department of Agriculture --DA 12 RED Datucan

(North Cotabato/ May 9, 2015) ---Iginiit ni Department of Agriculture Regional Executive Director Amalia Jayag Datucan na walang anomalya sa Kagawaran ng Pagsasaka sa pamumuno ni Secretary Proseso Alcala.

Ito ang sinabi sa DXVL News Radyo ng Bayan ng opisyal kungsaan ipinaliwanag ni Director Datucan na naantala lamang ang mga proyekto noong 2013 at maaaring tapos na ang karamihan sa mga proyekto sa taong 2014.

Imbestigasyon ng Kabacan PNP hinggil sa narekober na high explosive ordnance nagpapatuloy

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kabacan PNP hinggil sa narekober na high explosive ordnance sa Crossing ng Miracle St., Poblacion, Kabacan alas otso kamakalawa ng gabi.

Sa panayam ng DXVL news Radyo ng Bayan kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng kabacan PNP inihayag ng opisyal na may mga natanggap na silang impormasyon ngunit di pa pwedeng isapubliko.

Region 12 nasa rank 5 sa medal standing sa Palarong Pambansa

By: Lurvie James Fruto
FB: Benjie Caballero
(Tagum city/ May 8, 2015) ---Nasa rank 5 sa medal standing sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa sa Tagum City ang Region 12 SOCKSARGEN na may 11 golds at nangunguna na delegation sa buong Mindanao.

Sa impormasyong nakuha ng DXVL News sa Palarong Pambansa Special coverage Team Lurvie James Fruto, nangunguna naman ang power house ng NCR, pangalawa ang Southetn Tagalog, pangatlo ang Western Visayas, at pang apat ang CRAA.

4H Club of North Cotabato, Itinanghal na Grand Champion at Grand Slam Winner sa Regional Summer Youth Camp

By: Ruel Villanueva

(North Cotabato/ May 7, 2015) ---Itinanghal kamakailan ang 4H Club ng North Cotabato bilang grand champion sa katatapos pa lamang na Regional Summer Youth Camp na ginanap sa Provincial Gymnasium ng Isulan, Sultan Kudarat na dinaluhan ng 44 na delegado mula sa iba’t-ibang lalawigan dito sa Rehiyon 12.

Ayon kay Ms. Judy Gomez, ang Provincial 4-H Club Coordinator, nakamit ng Cotabato 4H Club

Mga Soft Shelled turtle, nagsilabasan sa bayan ng Kabacan

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Pinagtatakhan ngayon ng ilang mga taga-USM compound ang paglabasan ng mga pagong o mga soft shelled turtle sa ilang bahagi ng USM compound partikular sa irrigation canal.

Ayon sa mga naka-saksi pumasok umano sa ilang mga kabahayan sa USM Housing ang nasabing mga pagong.

BREAKING NEWS: 3 sundalo, patay; 1 pa sugatan sa pagsabog ng IED na itinanim ng NPA sa Arakan, North Cotabato

By: Rhoderick Beñez

(Arakan, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Patay ang tatlong mga sundalo habang isa pa ang sugatan makaraang sumabog ang pinaniniwalaang Improvised Explosive Device o IED sa bahagi ng Sitio Upper Lumbo, Brgy. Kabalantian, Arakan, North Cotabato alas 2:25 kahapon ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga kay Lt. Col. Jose Lustria, Commanding Officer ng 57th IB kinilala nito ang mga namatay na sina PFC Alfredo M. Callano, PFC Robert Quilangit at PFC Muhalidin Manampan habang kinilala naman ang sugatan na si CPL Ariel Blancia lahat mga tauhan ng Bravo company ng 57th IB.

BREAKING NEWS: High Explosive Ordnance, narekober ng PNP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Napigilan ng mga otoridad ang pagsabog ng isang High Explosive Ordnance sa bahagi Crossing ng Miracle St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato mag-aalas 8:00, Miyerkules ng gabi.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan kay PSI Ronnie Cordero, ang hepe ng Kabacan PNP na dalawa katao na lulan ng motorsiklo ang nag-iwan ng nasabing pampasabog.

Nakaw na motorsiklo, narekober sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Narekober sa isinagawang hot pursuit operation ng Pikit PNP ang ninakaw na motorsiklo sa Brgy. Ladtingan sa bayan dakung alas 5:30 ng hapun kamakalawa.

Ayon kay PI Sindato Karim ang hepe ng Pikit PNP, kinilala lamang nito ang may-ari ng motorsiklo na isang Nexon Dimalanes.

Suspek sa shooting incident sa Pikit, tukoy na!

By: Mark Anthony Pispis

(Pikit, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Tukoy na ng Pikit PNP ang mga responsable sa pagbaril-patay sa dalawang kalalakihan sa panulukan ng Brgy. Tinibtiban, Pikit, Cotabato alas 2:25 kamakalawa ng hapon.

Ito ayon kay PI Sindatu Karim sa panayam ng DXVL News.

P18K na halaga ng gamit nalimas sa Boarding House

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Pinasok ng mga kawatan ang isa sa mga boarding house sa Plang Village II, Brgy. Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato dakung alas 2:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga biktima, na isa sa mga nangungupahan sa Zalica Boarding House na kinilalang si Johair Sinangcol, 20 anyos, estudyante ng Institute of Middle East and Asian Studies ng  University of Southern Mindanao, pinasok umano ng mga di pa matukoy na

Capability Enhancement seminar ng mga Day Care Workers sa bayan ng Kabacan, nagpapatuloy

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2015) ---57 mga Daycare Workers mula sa ibat-ibang barangay sa bayan ng Kabacan ang kasalukuyang sumasailalim sa Capability Enhancement Seminar sa bayan Kabacan.

Ayon kay Kabacan Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Disaster Focal Person Latip Akmad sa panayam ng DXVL News, nagsimula ang nasabing aktibidad noong martes Mayo a-5 at magtatapos sa araw ng biyernes Mayo a-8 ngayong linggo.

Kabacan PNP sa motorista: Maghinay-hinay sa pagpapatakbo sa Highway

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2015) ---Nagpaalala ang Kabacan PNP sa mga motorista sa bayan sa maghinay-hinay lang sa pagpapatakbo matapos ang naitalang Vehicular Accident sa bahagi ng National Highway sa Brgy Kayaga, Kabacan, Cotabato kahapon ng hapon.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP, wala naitalang major injury sa nasabing insidente.

Driver na may kasong pagnanakaw, kalaboso sa bayan ng kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos itong arestohin ng Kabacan PNP dahil sa kasong pagnanakaw sa Brgy. Poblacion ng bayan alas 12:30 ng tangahali kahapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang suspek na isang Abner Viernes, 29, anyos, isang driver at residente ng Brgy. Pisan ng bayan.

2 bulagta sa tandem

Rhoderick Beñez

(Pikit, North Cotabato/ May 6, 2015) ---Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya napatay ang dalawang kalalakihan matapos ratratin ng riding -in-tandem assassins sa bahagi ng Barangay Tinibtiban sa bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon ng hapon. 

Kinilala ni P/Insp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP ang dalawa na sina Romnick Cajeben at Making Oresco na kapwa nakatira sa Barangay San Mateo sa bayan ng Aleosan.

P5-M ari-arian naabo

Rhoderick Beñez

(South Cotabato/ May 6, 2015) ---Tinatayang aabot sa P5 mil­yong halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy makaraang masunog ang pampublikong palengke sa bayan ng Surallah, South Cotabato kahapon ng madaling araw.

Ayon kay F/Senior Inspector Rupert Christian Balicol, kabilang sa mga tindahang naabo sa sunog ay pag-aari nina Elizabeth Arim, Amalita Doren, Gina Ladiao, Jun Ladiao, Linda Tolentino, Ariz Tolentino, Cecilia Belasa, Sherlol Nicolas, Felicima Arim, Annie Egamin, Nezina Paciente at Delia Soyman.

Paggasta kungsaan napupunta ang P10.2M na pondo ng Brgy. Poblacion, Kabacan inihayag ng Punong Brgy

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2015) ---Abot umano sa P10.2M na milyong piso ang nakalaang pondo para sa Brgy. Poblacion ng bayan ng kabacan ngayong taong 2015.

Ito ayon kay Brgy. Poblacion Kapitan Mike Remulta sa panayam ng DXVL News.

24 oras na pagbabantay sa peace and order sa Brgy. Poblacion, Kabacan, tiniyak ng Brgy. Council

(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2015) ---Nagdagdag ng 12 tanod ang Brgy. Council ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Kabacan na nagsimula na kahapon.

Ayon kay Brgy. Poblacion Kapitan Mike Remulta sa panayam ng DXVL News, ito ang karagdagan umano sa 20 mga Brgy. Tanod na nagbabantay sa kaayusan sa nasabing barangay.

Brgy. Poblacion, Kabacan, naglatag ng hakbang kaugnay sa problema sa St. Lights

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2015) ---Kasalukuyan ngayong ipinapatupad ng Brgy. Council ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Kabacan ang libreng pamimigay ng mga materyales at libreng pagpapakabit ng mga ilaw sa mga bahay na malapit sa mga kalye ng barangay.

Ayon kay Brgy. Poblacion Kapitan Mike Remulta sa panayam ng DXVL News, ang mga materyales na ito na libre nang ibibigay nila ay ang bulb at wires pati ang pagpapakabit nito.

BPAT Capability Enhancement Seminar, isinasagawa ng Kabacan PNP

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2015) ---Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang Barangay Peace Keeping Action Team Capability Enhancement Seminar na isinasagawa ng Kabacan PNP sa bawat barangay sa Kabacan.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, OIC chief of police ng Kabacan PNP na kasalukuyan aniya ay 5 baranggay na ang nabigyan nila ng BPATS Enhancement seminar, ang brgy. Kayaga, brgy. Cuyapon, brgy. Aringay, brgy. Poblacion at Kabacan Market Vendors Radio Group.

Bilang ng krimen sa bayan ng Kabacan bumaba sa Unang kwarto ng taon - Kabacan PNP

(Kabacan, North cotabato/ May 6, 2015) ---Bumaba ang krimen sa bayan ng Kabacan sa unang bahagi ng kwarto ng taon ayon sa Kabacan PNP.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Kabacan OIC COP PSI Ronnie Cordero ang kanyang mga accomplishments na simula naupo siya sa pwesto noong Marso a bente kwatro ng taong kasalukuyan ay bumaba ang crime volume statistics.

Free Basketball Summer Sports Clinic ng LGU Kabacan, nagsimula na

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2015) ---Pormal nang nagsimula ang Free Basketball Summer Sports Clinic ng LGU Kabacan kahapon ng umaga.

Ayon kay LGU Kabacan Youth and Development Officer and Sports Coordinator Latip Akmad sa panayam ng DXVL News, abot sa 175 na mga kabataan mula sa ibat-ibang barangay sa bayan ang lumahok sa nasabing akribidad.

3 Brgy. ng Datu Montawal, Maguindanao, bahagyang sinalanta ng Ipo-ipo

(Datu Montawal, Maguindanao/ May 4, 2015) ---Bahagyang sinalanta ng Ipo-ipo ang bayan ang 3 mga barangay sa bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Datu Montawal Municipal Risk Disaster and Management Council Head Toto Abu sa panayam ng DXVL News, ang mga barangay na nadaanan ng ipo-ipo ay ang iilang bahagi ng Brgy. Poblacion, Pagagawan at Tunggol sa nasabing bayan.

Responsable sa pagpatay ka Abdul Basit Usman, hindi pa inilabas ng 6th ID

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2015) ---Hindi pa makumpirma ng pamunuan ng AFP kung anu ang dahilan at kung sino talaga ang pumatay sa teroristang si Abdul Basit Usman.

Ayon kay 6th ID DPAO Chief Capt. Jo-ann Petinglay sa panayam ng DXVL News, kinumpirma nito na kahit ang pamunuan ng AFP ay nakakuha rin ng litrato ng patay na katawan ni Usman.

Aniya, bagamat inako ng MILF na isa sa mga kumander nila ang nakapatay sa notoryos na terorista ay hindi pa umano sila makapagbibigay ng opisyal na pahayag mula sa kanilang panig.

Kampanya ng Kabacan PNP at LGU Kabacan kontra illegal na droga, mas pinaigting

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2015) ---Mas pinaigting ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang kampanya kontra illegal na droga katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Kabacan.

Sa impormasyong nakuha ng DXVL News, abot na sa 7 katao ang naaresto dahil sa illegal na droga sa bayan ng Kabacan sa loob lamang ng mahigit isang buwan.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP, ito ay simula ng maupo siya sa pwesto simula noong March 26, 2015 hanggang sa kasalukuyan.

Magsasaka, arestado sa pagdadala ng illegal na droga sa Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng 24-anyos na magsasaka makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa checkpoint sa bisinidad ng Abellera St. Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:45 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, OIC ng Kabacan PNP ang suspek na si Karim Baliwan, 24 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. Aringay sa nasabing bayan.

Department of Agriculture Region 12 nagbigay ng pahayag hinggil sa kilos protesta ng mga magsasaka ng goma

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Nagbigay ng pahayag ang Department of Agriculture Region 12 hinggil sa kilos protesta ng mga magsasaka ng goma sa Makilala, North Cotabato nitong Mayo a-1.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datucan na ang presyo ng goma ay sumusunod sa presyo ng world market.

Aniya, naging isyu din ang quality o ka-lidad ng goma sa Region 12 kung kaya’t nakipag ugnayan na sila sa TESDA upang mabigyan ng skills training para sa magandang pagta-tapping ng goma at magkaroon ng magandang produkto, maging skilled farmer at magkaroon ng magandang swelduhan bawat araw. 

2 sugatan sa strafing incident sa bayan ng Carmen, North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Carmen, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Ospital ang bagsak ng dalawa katao makaraang masugatan sa nangyaring strafing incident sa binisidad ng Brgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato alas 7:00 kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina  Illionido Indangan, 52 anyos, isang magsasaka at isang Jolibee Daguman, 18 anyos, dalaga na pawang mga residente ng nasabing barangay.

AFP, saludo pa rin sa kagalingan ni “Pacman”

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Todo pa rin ang binibigay na suporta ng Armed Forces of the Philippines o AFP kay People’s Champ Manny Pacquiao kahit pa man sa pagkatalo nito kay Mayweather sa kanilang katatapos lang na laban.

Ito ayon kay 6th ID DPAO Chief Captain Jo-ann Petinglay sa panayam ng DXVL News.

Mister na pumatay sa lolo na nakipagtalik sa Misis nito , ikinulong na!

(Makilala, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng 37-anyos na mister makaraang mapatay nito ang isang lolo na naaktuhan nitong nakikipagtalik sa asawa nito sa Barangay Malungon, Makilala, Cotabato kahapon.

Sa panayam ng DXVL News kay SPO4 Dianorin Cambang ng Makilala PNP na buhat sa pagsasaka ng goma si Genesis Tapik, 37-anyos at pag-uwi nito sa kanilang bahay ay nakitang nakapatong si Quinticon Eskolar sa kanyang misis.

“Being a beauty Queen is really part of my dream” ---Reyna ng Aliwan 2015

By: Rhoderick Beñez

(Amas, Kidapawan city/ May 4, 2015) ---Matagal na umanong pangarap ng 20-anyos na “Reyna ng Aliwan 2015” ang makasali sa mga beauty contest.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Stephanie Joy Abellanida matapos na humarap ito sa mga empleyado ng Kapitolyo, publiko at sa media sa pagpapakilala sa kanya sa Provincial Capitol, kaninang umaga.

Aniya “Being a Beauty Queen is really part of my dream”, wika pa ng Beauty Queen titlist.

2 katao huli sa pagdadala ng illegal na droga sa magkahiwalay na operasyon ng Kabacan PNP

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Arestado ang isang 42-anyos na mister makaraang mahulihan ng illegal na droga sa bahagi ng Lapu-lapu St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 5:45 noong hwebes ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, OIC hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Nabel Maohan Ganatan, residente ng Qurino St., Poblacion ng bayang ito.

Mamamayan ng Kabacan, dismayado sa pagkatalo ni Manny Pacquiao

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Hindi makapaniwala ang mga mamayan ng bayan ng Kabacan hinggil sa pagkatalo ng pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao sa laban nito kay Floyd Mayweather kahapon.

Ayon sa ilang mga taga Kabacan na nakapanayam ng DXVL News Team, nadaya umano ang nasabing laban ni Pacman.

Detachment ng militar, sinalakay ng armadong grupo sa Pikit, Cotabato

By: Christine Limos

(Pikit, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Hinarras ng di mabilang na armadong mga kalalakihan ang hilagang bahagi ng detachment ng Alpha Company ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato alas 10:30 kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, agad namang nakipag palitan ng putok ang tropa ng militar kung kaya’t umatras ang mga armadong grupo.

Mga magsasaka ng goma at iba pang sektor nagsagawa ng kilos protesta sa Makilala, North Cotabato

By: Christine Limos

Photo by: RJ Cacatian
(Makilala, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Nagsagawa ng kilos protesta ang mga magsasaka ng goma at iba pang sektor noong May a-1 Labor Day sa bayan ng Makilala, North Cotabato. 

Sa panayam ng DXVL news kay Bishop Redeemer Yanez IFI inihayag nitong ang pagkilos ay isang pag gunita sa International Labor Day at ito umano ay local commemoration ng Labor Day kung saan pinangunahan ng sektor ng mga laborers, KMU kasama ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP, mga kabataan, mga nomad at sektor ng simbahan.

Abdul Basit Usman, patay sa pamamaril ng miyembro ng MILF

By: Christine Limos

(Maguindanao/ May 4, 2015) ---Patay ang notoryos na bombmaker na si Abdul Basit Usman makaraang mapaslang sa nangyaring engkwentro ng MILF sa bahagi ng Sitio Talanaken, Brgy. Meta, Guindulongan, Maguindanao alas 11:50 kahapon ng umaga.

Sa report na nakuha ng DXVL news sa pinagkakatiwalaang source , hawak umano ng 118 base command ng MILF ang mga labi ni Usman.